Chapter 25

2585 Words
Third Person’s Point of View Ang araw na kung saan pinatay si Arias.                 Maagang nakarating si Arias sa Unibersidad ng Jibitngil, naisipan nito na huwag munang magtungo sa kanilang silid-aralan at tumambay na muna sa field ng kanilang paaralan. Nakatingin lang ito sa mga estudyanteng dumadaan sa gilid ng field at sa mga varsities na naglalaro ng soccer.                 Habang ito ay abala sa pag-oobserba sa kaniyang paligid ay nakita naman nito ang isa sa kaniyang kaklase na naglalakad patungo sa isang building na ipinagbabawal ng seksyon nila. Bahagya naman itong nagulat at agad napatayo sa kaniyang inuupuan at sinundan ito.                 “Hoy teka!” sigaw nito sa kaniyang kaklase na nagpatuloy lang sa paglalakad na tila ba wala itong pakealam at hindi siya nito naririnig.                 “Tangina bawal nga pala ‘tong ginagawa ko pero kailangan ko siyang pigilan,” sabi nito sa kaniyang isipan atsaka napa-mura na sumusunod rito.                 “Teka lang, bawal ka diyan,” sigaw nito atsaka sumunod nalang sa kaklase na umakyat sa pangalawang palapag ng building.                 Sumunod lang si Arias rito hanggang sa makarating ito sa pinakadulong silid-aralan. Nagtaka naman ito ngunit nagpatuloy lang ito sa pagsunod dito.                 “Tae, ito pag nalaman ni Miss lagot ako.” Sabi nito at napa-iling nalang                 Hinay-hinay naman nitong binuksan ang pintuan at nakita itong nakatayo lang sa may bintana. “Hoy! Bakit ka nandito? Hindi ba’t bawal nga tayo rito?” tanong nito ng makapasok ito agad.                 Hinay-hinay naman na lumingon itong tao atsaka nagtatakang nakatingin sa akin. “Hindi ba’t pinagbabawal din iyang ginagawa mo?” tanong nito atsaka ibinalik ang tingin sa labas. “Oo nga’t alam ko na bawal pero kailangan kitang balaan,” sabi ni Arias atsaka hinay-hinay na lumapit rito.                 “Ako sa’yo ay hindi ko gagawin iyan,” sabi ng babae habang seryosong nakatingin sa labas, “At bakit?” tanong naman ni Arias at napatigil sa kaniyang paglalakad. “Alam mo ang kung ano ang mangyayari kapag lumapit ka pa,” mahiwagang sabi ng kasama ni Arias.                 “Oo at sa tingin ko ay hindi naman siguro masama kung gusto kitang paalalahanan,” tugon ni Arias atsaka nagpatuloy sa paglalakad. Nanahimik naman ang katahimikan sa pagitan ng dalawa, habang ang kasama ni Arias ay abala sa pagmasid ng isang tao sa labas, nang malapit na ito ay labis naman ang pagkagulat ni Arias ng bigla siyang nadulas at sa hindi inaasahang pagkakataon ay ang kaniyang babagsakan ay may isang hollow block na sakto lang na tatama sa kaniyang ulo.                 Malakas ang pagkabagsak ni Arias kung kaya ay tumama ang ulo nito sa hollow block at nangingisay ito habang patuloy na umaagos ang dugo mula sa kaniyang ulo. Gulat naman ang makikita sa mga mukha ng kasama nito at bahagyang napa-atras kung kaya ay nahulog ang isang baseball bat na stainless sa likod nito.                   Agad na umalis at iniwan mag-isa ang kaniyang kaklase na wala ng buhay sa lumang building ng CCS.   Calixta’s Point of View Present                 “Lola, baka po pala matatagalan ako sa pag-uwi mamaya,” pa-alam ko rito, bahagya naman itong napatingin sa akin at tumango. “Bakit?” tanong nito, tumayo na muna ako bago ko ito sinagot at kumuha ng tubig. “Pinapatawag ako ng SAO e’,” paliwanag ko rito atsaka bumalik sa hapag-kainan.                 Tiniklop naman ni lola ang dyaryo na kaniyang binabasa at napatingin sa akin. “Parang lagi ka nalang yata pina-patawag ng org ng school niyo? May nagawa ka ba?” tanong nito atsaka humigop ng mainit niya na kape. “Wala po, kadalasan sa tuwing pumupunta ako sa opisina nila ay nagta-tanong lang sila patungkol sa atin o sa akin,” paliwanag ko rito atsaka sumubo ng pagkain.                 Narinig ko naman ang pagbagsak ng tasa kung kaya ay napalingon ako kay lola na mariin na nakatingin sa akin. “Hindi pa ba sila tapos?” tanong nito. Umiling lang ako sa kaniya ngunit nagulat naman ako ng bigla itong tumayo at umalis sa kusina.                              Anong nangyari doon?                 Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy na sa pagkain. Wala ngayon si Lea sapagkat Day Off nito at nakikipag-date na naman ‘yon sa ex niya. Umiling nalang ako ng maisip ko kung gaano ka-rupok ang kaibigan ko.                 Pagkatapos kong kumain ay agad na akong umakyat sa taas, nag-toothbrush atsaka kinuha ang mga gamit ko at nag-tungo na sa unibersidad.                 Agad naman akong dumeritso sa Opisina ng SAO at nakitang sarado pa ito kung kaya ay umupo na muna ako sa isa sa mga bakanteng lamesa at upuan na naririto sa gilid ng SAO.                 Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinignan ang mga Group Chats kung may bago ba na mga announcements ngunit wala. Na-isip ko naman na buksan ang Group chat ng mga kaibigan ko sa siyudad at nakitang nagpa-plano ang mga ito kung saan pupunta sa bakasyon.                 “@Calixta diyan nalang kami sa inyo,” nakita kong chat ni Kizz at menention ako.                 “Ano meron?” reply ko rito  “Break time hahah, ano game ka ba?” tanong naman ni yos na agad ko naman na ni-replyan ng okay.                 Nagpa-alam na muna ako sa mga ito atsaka  kinuha ang libro sa bag ko.                 So ang ibig nitong sabihin ay magkakaroon ako ng mga bisita sa Semestral break? Hindi pa ako nakakapag-paalam kay lola pero pumayag na agad ako, siguro naman maiintindihan naman nito kung magpa-paliwanag lang ako. Tamang-tama rin naman at hindi ko pa masyadong na e-explore itong lugar na ito atsaka isa pa wala rin naman akong gagawin during vacation days.                 Lumipas naman ang isang oras at naunang dumating si Sining, tinawag ko ito ngunit parang ang lalim ata ng iniisip nito. “Sing!” huling tawag ko rito na agad naman itong napa-talon sa gulat at masamang tinignan ako. “Ano ba naman ‘yan Calix,” sabi nito atsaka binuksan ang pinto ng opisina nila at pumasok. Sumunod naman ako rito at umupo sa bakanteng upuan, pinanood ko lang itong buksan ang mga ilaw dito atsaka ang aircon.  “Tulala ka kasi,” tugon ko rito.                 “Ewan ko talaga sa’yo,” medyo pagka-inis na sabi nito. Natawa naman ako rito at napa-iling, bakit ang sama yata ng gising ng tao na ‘to ngayon? “Nasaan na sila?” tanong ko sa kaniya, nag-kibit balikat lang ito atsaka may kinuhang papel sa lamesa at lumapit sa akin.                 “Paki-pirma ako Calix,” sabi nito atsaka inilapag sa lamesa sa harap ko, sabay bigay ng ballpen sa akin. “Para saan ‘to?” nagtatakang tanong ko.                 Ngumuso naman ito sa papel na hawak-hawak ko. Tumango nalang ako atsaka binasa ang naka-sulat sa papel na binigay nito. “Student’s Information Sheet,” ha? Again? As far as I remember tapos na ako mag fill-up ng form na ‘to ah? Isiniwalang bahala ko nalang ito atsaka nagpatuloy sa pag-fill up.                 “Nabigay mo na ba kay Miss ‘yong mga papers na hinihingi niya?” tanong ni Celestial habang papasok ito sa office dala-dala ang isang bag na naglalaman ng laptop nito. “Oy Calix,” bati ni Sy nang makita ako. Ngumiti namana ko rito at napalingon din si Celestial sa’kin.                 “Ang aga mo yata,” sabi ni Celestial, at nagtungo sa kaniyang pwesto noong panahon na nagpa-enroll ako at inilagay ang dala-dala nitong laptop.                 “Better early than late,” sabi ko atsaka ibinigay kay Sing ang papel na sinulatan ko. Isinilid niya naman ito sa folder na hawak-hawak nito at inilagay sa cabinet na kung saan may nakasulat na Student’s Record.                 Mukhang hindi naman yata ito daan para maka-kuha sila ng impormasyon sa akin. Inilipat ko nalang ang paningin ko kay Celestial na ngayon ay nakatayo na at sinenyasan ako na sumunod sa kaniya papuntang conference room. Tumango lang ako at agad na sumunod rito.                 Pagka-pasok ko ay nakita ko naman na may naka-pwesto ng projector sa gitna ng lamesa, umupo na ang tatlo sa kani-kanilang mga pwesto kung kaya ay sumunod na ako rito at umupo na rin.                 “Anong meron? May meeting ba kayo ngayon?” Tanong ko rito. Ngumiti naman si Sing sa akin atsaka binuksan na nito ang kaniyang laptop at sinaksak ang hdmi sa kaniyang computer.                 “May ipapakita lang kami at sagutin mo lang mga tanong namin,”naka-talikod na pahayag ni Celestial. Tumango lang ako kahit halata naman na hindi nito ako nakikita.                 Ipapakita sa akin? Ibig ba sabihin nito ay, kung kaya may set-up sila na ganito ay dahil sa akin? Ano ba ‘yon?                 Umayos nalang ako ng upo at hinintay sila matapos magset-up. Ilang saglit pa ay natapos na rin ang mga ito at umupo na sa kani-kanilang mga pwesto.                 May pinindot naman si Celestial sa remote na nasa harap nito at bigla nalang namatay ‘yong ilaw.                 Ilang sandali pa ay binuksan ni Sy ang projector at may pinindot ito sa computer. Agad naman nag display sa harap namin ang isang naka-pause na video n akita ang lumang building na pinuntahan ko kahapon. Makikita rito ang isang taong nasa harap ng lumang building na iyon.                 Pinindot naman ni Sing ang space bar at agad na nagplay ang video. Nakita ko sa video ang pagpasok ni Arias sa lumang building na tila mayroon itong hina-habol. Pagkatapos noon ay agad nag-pause ang video at inilipat sa susunod na tab.                 Sa video na ‘yon ay nakita ko ang sarili ko na nagla-lakad patungo sa likod ng building na kung saan pumasok si Arias. Ilang sandali pa ay agad akong nawala at sa tingin ko ay ito ‘yong oras na pumasok na ako sa loob ng building at nakita ko si Zadie.                 Teka, hindi kaya ay ako ang pinagbi-bintangan ng mga ito sa nangyari kay Arias? Inosente ako sa nangyari, tanging si—Zadie! Hindi kaya si Zadie ang pumatay kay Arias? Kung iisipin siya nga, sapagkat siya lang naman ang bukod tanging tao na nasa loob ng building na iyon.                 Nakaramdam ako ng lamig sa paligid ko at biglang nagsi-taasan lahat ng balhibo ko. Iniisip ko pa lang kung paano namatay si Arias ay bigla na akong nakaramdam ng matinding takot.                 Ilang sandali pa sa video ay nakita ko ang sarili ko na patakbong lumabas sa building na ‘yon, hindi ganoon ka halata ang ekspresyon ng mukha ko sapagkat medyo malayo ang pinagmulan ng footage sa building na iyon.                 Tuluyan na akong maka-alis sa video at sakto naman ang pag patay nito sa projector at pagbukas sa ilaw dito sa kwarto na ito.                 Tulala lang akong nakatingin sa putting screen na nasa harapan na kung saan namin pinanood ang video. Nagtataka pa rin ako kung bakit nila ako pinatawag at kung bakit ako lang mag-isa ang hinayaan na manood sa video na ito.                 Napatingin naman ako kay Celestial ng bigla itong tumikhim at pinutol ang katahimikan sa pagitan naming apat.                 “Anong ginagawa mo sa building na iyan Calixta?” Tanong ni Celestial habang seryosong nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa dalawa pa naming kasama na nakatingin lang sa akin at hini-hintay ang isasagot ko.                 “Let me explain,” sabi ko rito na agad naman tumango si Celestial at umayos ng upo sabay kagat sa kaniyang kuko.                 “Unang-una sa lahat wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Arias,” paliwanag ko, “Pangalawa, nakita ko lang si Zadie sa loob ng building na ‘yan kaya ako pumasok,” dugtong ko rito. Nakita ko naman na seryoso pa rin nakatingin sa akin si Celestial habang si Sing naman ay gulat na nakatingin sa akin.                 “S-sinong Zadie?” nau-utal na tanong ni Sing sa akin.                 “Iyong isa pa natin na kaklase,” tugon ko rito.                 Nagulat naman ako ng binagsak ni Celestial ang kamay nito sabay tingin ng masama sa akin. “Paki-usap lang Calix, tigilan mo na iyang kathang-isip mo,” may diin nitong sabi. Bahagya naman akong napa-atras dahil sa tono ng boses na ginamit nito sa akin. Hindi ko mapaliwanag ang ekspresyon sa mukha nito. Masyadong seryoso at tila ba binabantaan ako.                 “Makinig ka,” dugtong niya, “Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Kung ako sa’yo, kung gusto mo pa na manatili rito. Tumigil ka na.” May diin nitong sabi atsaka tumayo sa kaniyang upuan.                 Naiwan naman akong tulala na naka-upo sa pwesto ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isasagot sa kaniya. Tinigil ko na nga, hindi na nga ako nangengealam. Sinunod ko na kalimutan si Zadie ngunit lagi nila akong tina-tanong na involve ang babaeng ‘yon. Ano ang magagawa ko?                 “Huwag mo ng ba-banggitin ang pangalan na iyan. Kung mayroon ka mang nakikita na hindi namin nakikita ay itikom mo nalang iyang bibig mo,” sabi nito atsaka nag-simula ng maglakad patungo sa pinto.                 “Maari ka ng pumunta sa Classroom,” sabi niya bago tuluyan umalis, sumunod naman ang dalawa pa nitong kasama na sina Sy at Sing.                 Tulala lang akong naka-upo rito at tila walang plano na tumayo at bumalik sa classroom.                 Masiyadong weird ang ina-asta ng tatlo. Oo aware ako na may kasalanan ako pero hindi naman ibig sabihin nun ay kasalanan ko na lahat.                 Napabuntong-hininga nalang ako ng malalim bago ko naisipan na tumayo at pumunta sa classroom.                 Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa building at agad umakyat papuntang 7th floor. Hindi na ako nag-abala pa na sumakay sa elevator sapagkat masiyadong maraming tao na nakapila rito.                 “Hoy Calix, bakit ngayon ka lang?”                 Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa balikat ko at paglingon ko rito ay nakita ko si Iean na nakangiting nakatingin sa akin.                 “Pinatawag lang ako ng SAO,” paliwanag ko rito .                 Tumango naman ito atsaka nauna na maglakad pero hindi pa nga ito nakaka-layo ay tumigil ito at tumingin sa akin.                 “Hindi ka naka-attend sa meeting kanina,”sabi nito na naging dahilan ng pag-taas ng kilay ko.                 “Meeting?” Nagtatakang tanong ko. Tumango naman siya sa akin at may sasabihin pa sana ng dumating si Kristy atsaka hinila ang tenga niya.                 “Ang daldal mo, tara na,” sabi nito atsaka nauna ng maglakad, “Hi calix,” bati nito bago tuluyan maka-pasok sa classroom.                 Meeting? Para saan? Bakit hindi ko naman yata alam na may meeting kami? Wala naman kasing announcement sa messenger namin? Ayaw ba nila na nandoon ako? Siguro pinakita ng SAO ang video kaya iba na ang iniisip ng mga ito sa akin.                 Napa-iling nalang ako atsaka ko pinihit ang door knob at pumasok sa loob ng classroom. Nakita ko naman si Kristy na patuloy pa rin sa paghila ng tenga ni Iean papunta sa kanilang upuan, habang iyong iba naman ay tahimik na naka-yuko lamang sa kanilang mga lamesa.                 Agad akong nagtungo sa upuan ko at napatingin kay Kath na abala sa pagsasagot ng activities namin, habang si Zaria naman ay abalang nagbabasa ng libro.                 Napatingin naman ako sa upuan ni Amani, at nagtataka na wala pa rin ito ngayon.                 “Psst,” tawag pansin ko kay Zaria na abala pa rin sa paglipat ng mga pahina sa kaniyang librong binabasa.                 “Psst, Zaria.” Mahinang tawag ko rito.                 Hindi naman ako nabigo at nakuha ko naman ang pansin nito. Nagtataka naman niya akong tinignan kung kaya ay lumapit ako sa kaniya at tinuro ang upuan ni Amani.                 “May pinuntahan lang siya, kailangan niya e-settle accounts namin,” paliwanag nito atsaka umiwas ng tingin.                 Settle accounts? Hindi pa naman Prelim Examination ah? Atsaka bakit umiiwas ‘to ng tingin sa’kin? Dahil ba ‘yon sa videos na nakita nila? Wala ba silang tiwala sa akin.                 Tumango nalang ako rito at bumalik nalang sa upuan ko at dumapa.                 Bakit ganoon? Bakit pati mga kaibigan ko tila naniniwala sa video na iyon? Hindi ko kayang gawin iyon, hindi ko nga kayang gawin iyong pagpatay lang ng manok, tao pa kaya?                 Bakit wala silang tiwala sa akin?                 Bigla naman na tumulo ang luha ko, kung kaya ay agad ko itong pinunasan at inayos ang sarili ko bago ko binuksan ang notebook at libro ko.                 Magfo-focus muna ako sa pag-aaral ko, mamaya ko na ‘yan iisipin.                                   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD