Chapter 39

3461 Words
Lumaki ang mga mata ko habang naka-tingin sa taong naka-upo sa couch na nasa sala namin. Anong gina-gawa ng tao na ‘to rito at bakit tila feel na feel nito ang pag-upo habang nanonood ng anime sa Tv namin. Ilang sandali pa ay kinuha nito ang remote atsaka he paused the video. Napalingon naman ito sa banda ko at ngumisi, “What are you doing here?” Tanong ko rito habang pababa ako ng hagdan. “Is that how you greet your visitor, Calix?” Naka-ngising tanong nito. Hindi ko alam ngunit naha-hanginan ako sa dating ng lalaking ito. Ibang-iba na pagkatao ang ipina-pakita nito ngayon kung iha-halintulad mo sa pagkatao na pina-pakita nita sa paaralan. “What?” Gulat na tanong ko at umupo sa kabilang couch. “I didn’t know you are this rude,”sabi nito atsaka kinuha ang remote ang pi-pindutin sana ang play. “And I didn’t know you are welcome here,”sagot ko na naging dahilan ng paglingon nito sa akin. “Why are you here?” Tanong ko sa kaniya at masama itong tinignan. “My family is being invited, so obviously that’s the reason why I am here,”paliwanag nito sabay kibit balikat. Family? Sila ba ang tinu-tukoy ni lola na mga bisita namin? Kung gayon ay hindi ako natu-tuwa. Akala ko ay tahimik itong tao ngunit mali pala ako. Sobrang napaka-hangin at arogante nito. “Ganiyan ba talaga ugali mo, Jake?” Tanong ko at inirapan ito. Yes, this is Jake. The one and only cold and aloof classmate that I have on Section A. I didn’t expect him to be this arrogant tho. “Well yes Miss Calixta, is something wrong with it?” Tanong nito at ngumisi sa akin. Inis ko naman itong tinignan mula ulo hanggang paa. “Done checking me?” Tanong nito ng mag-tagpo ang paningin naming dalawa. “Yeah, I wonder how should I kill you while you are still here,”inis na tugon ko rito atsaka tumayo. “Where are you going?” Tanong nito. “I’ll help preparing the foods,”sabi ko habang naka-talikod sa kaniya, “And perhaps put some poison on your portion?” Naka-ngisi kong sabi at tuluyan ng nag-lakad patungo sa loob ng kusina. Ugh! Kainis, akala ko pa naman at tahimik lang ang taong iyong ngunit mali pala ako, isang napaka-arogante at pinaka-sarkastiko na tao pala ito. Kung hindi lang sana masama ang pag-patay ay lalagyan ko talaga ng lason ang pagkain nito. Kabwesit. Pa-dabog na lumapit ako kay Lea na abala sa paglu-luto ng calamares. Nagta-taka naman itong napa-tingin sa akin. “Anong klaseng mukha ‘yan?” Tanong ni Lea atsaka kinuha ang mga nalutong calamares mula sa pinaglu-lutoan nito. “This is the face of bwesit na bwesit sa bisita namin,”inis na sagot ko at humalukipkip. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Lea kung kaya ay napalingon ako rito at sinamaan ito ng tingin. “Chill, gwapo naman iyon ah?” Tugon ni Lea atsaka ako inakbayan. Tinanggal ko naman ito at kumuha ng ketchup atsaka mayo sa loob ng ref. “Gwapo? Kailan pa naging gwapo ‘yon? Aber?” Inis na tanong ko atsaka kumuha ng pagla-lagyan ko ng sauce. Kumuha naman ako ng isang kutsarita at pinuno ito ng mayo atsaka inilagay sa lalagyan ng sauce pagkatapos ay kinuha ko ang ketchup at ini-halo rito. “Chill, ‘wag mong pang gigilan ang sauce,”nata-tawang sabi ni Lea at umi-iling na nila-lagyan ng hindi pa luto na mga calamares. “Sarap niyang patayin kamo,”tugon ko at hinalo na ang mga ito, “May lason ba tayo rito? Pwede humingi kahit kaunti lang pero pwede rin na damihan,”dugtong ko at nagsimulang magbukas sa kabinet na naririto sa kusina. “Ewan ko sa’yo Calix,”natatawa nitong sabi, “Baka tuluyan ka ng mahulog sa lalaking ‘yon ah. Talo ka,”sambit nito na naging dahilan ng pag-lingon ko sa kaniya. “Naka-kadiri ka Lea,”sabi ko at pinag-patuloy na lang ang pagha-halo ng sauce para sa calamares. Tumawa lang ito kung kaya ay nilapitan ko siya at kinurot, umiwas naman ito na naging dahilan ng muntikan na pagka-hulog ng mainit na kalan sa tabing stove nito. “No playing in the Kitchen,”saway ni lola na kaka-pasok lang ng kusina. “Hello po,”bati ko rito, ngumiti naman si lola sa akin at kumuha ng baso at inilagay sa dining table. “Bumati ka na ba sa kaklase mo?” Tanong ni lola, “Opo,”tugon ko rito at umirap. Kainis talaga ang lalaking ‘yon, tumawa naman ng mahina itong si Lea kung kaya ay sinamaan ko ito ng tingin. Nagkibit-balikat lang ito at isinalang ang huling batch ng calamares na kaniyang nilu-luto. Inilagay ko na sa dining table ang sauce na ginawa ko at tinulungan si lola na ihanda ang mga pagkain. Lumipas ang ilang minuto ay natapos na rin kami. “Mukhang nandito na sila,”sambit ni lola atsama dali-daling lumabas ng kusina. Oo nga at ngayon ko lang na pansin na si Jake lang mag-isa ang naririto. Ang kapal din ng mukha ng taong iyon ah? Wala pa nga ang mga magulang nito ngunit nasa bahay na namin at nag-lakas loob pa na manood ng anime sa mismong telebisyon namin? Aba, ang kapal talaga. “Yes, this way,”rinig kong sabi ni lola at masayang nakikipag-kwentuhan sa isang babae medyo bata sa kaniya ng ilang taon. Siguro ay ito ‘yong ina ni Jake. Medyo magka-mukha naman kasi silang dalawa. “Take your seat,”aya ni lola. Kung kaya ay umupo na ako sa pwesto ko at napa-simangot ako ng makita ko si Jake na tumabi sa akin. Talagang ini-inis ako ng taong ‘to ngayon ah? Sarap niya kamo patayin. Hindi ko nalang ito pinansin at ngumiti sa mga bisita namin. “By the way, this is my Apo, Calixta,”pagpa-pakilala ni lola sa akin, ngumiti naman ako sa mga eto at bumati. “So you are Calixta,”ayon sa babae atsaka ngumiti ng malawak sa akin. “Yes po,”tugon ko rito. “Ikaw pala ‘yong—,”may sasabihin pa sana ito ng biglang magsalita itong tao na nasa tabi ko. “Mom, you are hungry right?” Tanong nito at tumayo, “Here let me serve you,”sabi ni Jake atsaka lumapit sa mama niya at nag-sandok ng mga pagkain. At aba ang kapal talaga. Wala pa ngang sinasabi si lola na pwede ng kumain, pero kita mo nga naman ang damuhong makapal ang mukha. Siya pa talaga ang na una na mag-serve ng pagkain. Napa-iling nalang ako at napatingin kay lola na tumatawa na ngayon. “Lola,”tawag ko rito ngunit hindi yata ako narinig sapagkat patuloy lang ito sa pag-tawa. Ano ba ‘yan! “I see, ayaw mo sabihin,”natatawang sambit ng mama ni Jake. Bumalik naman ito sa tabi ko at huminga ng malalim. “Ang kapal talaga ng mukha,”bulong ko na sakto lang upang marinig ni Jake ang sinasabi ko. “Tss,”tanging sambit nito at umayos na ng upo “O’ sha, tayo ay kumain na,”anunsiyo ni lola. Tanging si Lola, ang aroganteng si Jake, si Lea, ang mama atsaka papa nito lamang ang naririto sa kusina. Habang kami ay kuma-kain ay tahimik lang ako at si Jake habang sila lola naman ay abala sa pag-uusap-usap tungkol yata sa business na gagawin nila. Hindi na ako nag-abala pang makinig at kumain nalang ng kumain. “Matakaw ka pala,”komento nito sa tabi ko. Napa-tingin naman ako sa kaniya atsaka ito sinamaan ng tingin, “Pake mo?” Inis na tanong ko. “Nagsa-sabi lang ng totoo, hindi ko sinasabi na may pake ako sa’yo,”sagot nito at ngumisi sa akin. Umirap lang ako sa kaniya at hindi na ito pinansin. “Bakit ba ang sungit mo?” Tanong nito, “Bakit ba napaka-arogante mo?” Tanong ko rito pabalik. “Bakit ayaw mo ‘kong sagutin?” Tanong nito ulit, “Bakit ang dami mong tanong?” Sagot ko at masama itong tinignan. “Bakit hindi mo nalang diretsong sagutin?” Tanong nito pabalik, “Bakit ko naman sasagutin? Hindi ko naman ‘yon obligasyon,”sagot ko rito. “Tsk,”tanging na sagot nito atsaka umiwas na ng tingin, inirapan ko lang ito atsaka humarap. Ngunit labis ang aking pagka-hiya ng ma - pansin ko na nakatingin pala ang lahat sa amin. “Bakit hindi na lang maging kayo?” Tanong ni Lea na sobrang lawak ang ngiti, inirapan ko naman ito at nagpa-tuloy nalang sa pagkain. Isa pa ‘yon. “Oo nga anak,”rinig kong sabi ng mama niya na naging dahilan ng pag-lingon ko rito, “No way!” Sabay na sigaw naming dalawa. Itinaas naman ni tita ang dalawang kamay niya sa ere at tuma-tawang naka-tingin sa amin. “Okay, relax,”sabi nito. “Apo,”tawag ni lola sa akin, “Hep! Hep! Tama na lola,”pag-pipigil ko rito ngunit tumawa lang si lola at umiiling na nagpa-tuloy sa pagkain. Hindi na ako umimik pa buong hapunan namin. Pagkatapos ay lumabas ako ng kusina at nag-tungo sa likod ng bahay namin upang magpa-hangin sa malaking puno. Ayokong tumambay sa loob sapagkat naroroon ang damuhong si Jake. Naiinis lang ako sa panibagong personality ng taong iyon, hindi ko siya maintindihan Nang makarating ako dito sa likod ay binuksan ko ang mga ilaw na naririto kabilang na rin doon ang christmas lights. Matagal na itong nandidito at hindi na ito tina-tanggal ni lola. Tila ba naging isang desinyo nalang ito sa likod ng bahay ni lola. Umupo ako sa bench na naririto sa ilalim ng puno at sumandal. Napa-hawak ako sa tiyan ko na bloated sapagkat napaka-busog ko ngayong gabi. Ang dami kong na kain, ang sarap ba naman kasi ng mga ulam ngayon. Kahit may bwesit sa tabi ko ay hindi ko mapigilan na hindi kumain ng madami. Galing talaga mag-luto ni Lea kung kaya ay love na love ko ‘yon eh. Sumandal ako sa bench at inilagy ang ulo ko sa sandalan nito. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang paligid. Bigla namang humangin ng malakas. “Hayyyy, fresh air,”sambit ko. “Baboy ka ba?” Tanong ng walang ibang si Jake. Iminulat ko naman ang mga mata ko at nakita itong naka-yuko na nakatingin sa akin, dali-dali akong tumayo at sinamaan ito ng tingin. “Anong ginagawa ko rito?” Tanong ko. “Gusto ko lang magpa-hangin,”paliwanag nito at umupo sa tabi ko. Umusog naman ako ng kaunti at sinamaan ito tingin, “huwag kang mag-alala, hindi kita sinu-sundan,”dugtong nito. Tumango lang ako sa kaniya at tumigin nalang sa langit. Na tahimik naman itong kasama ko na ikinatuwa ko naman. Ngunit hindi naman ito gaanong nagtagal. “Calix,”tawag nito sa pangalan ko. Nanatili lang akong naka-tingin sa mga bituin. “Hmmm?”tugon ko rito. Hindi naman ito agad umimik at nanatili lang tahimik. Ano kaya ang amats ng taong ‘to? Tatawagin ako pero wala naman palang gustong sabihin. Ang weird lang niya. “Huwag kang tumigil,”sambit nito na naging dahilan ng pagputol ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Ano ang inig mong sabihin?” Tanong ko rito at napa-tingin sa kaniya ngunit naka-tingin lang din ito sa mga bituin sa taas. “Alam ko na masiyado kang makulit,”sambit nito. Aangal sana ako ng nagpa-tuloy ito sa pagsa-salita, “Gusto mo malaman lahat ng sagot sa tanong mo tungkol sa seksyon natin,”dugtong nito atsaka umayos ng upo at tumingin sa akin. “So, never stop asking questions And investigating things,”sabi nito habang naka-tingin ng diretso sa akin. Bahagyan naman akong nakaramdam ng pagka-ilang kung kaya ay umiwas ako ng tingin. “I don’t know,”sabi ko. “I am not sure if I should stop or continue, but one thing for sure. Malalaman ko rin ang lahat whether someone will help me or not,”sabi ko at tumingin ulit sa mga butuin. Narinig ko naman ang malalim na pagbuntong hininga nito at tumahimik na rin. Hindi ko alam kung ano ang pinapa-hiwatig ni Jake kung bakit gusto nito na ipag-patuloy ko ang mga ginagawa ko ngunit ngayon ay alam ko na ang mga nangyayari ay nagda-dalawang isip na ako na sundan lagi si Zadie. Sapagkat alam ko sa sarili ko na kapag ginawa ko iyon ay maaring may isa o dalawa na naman kaming kaklase na susunod. Ayoko na ng ganoon. Satisified na ako sa fact na alam ko na totoong tao Zadie, na hindi ito isang multo o ano. Ayokong mawalan na naman kami ng isa pang kaklase dahil lang curiousity ko. Ayoko ng magpaka-selfish. Ayoko na maging dahilan ng pagkawala ng mga ito. Ayoko na mawalan ulit. Ayoko na. Hindi ko naman na pansin ang patulo ng mga luha ko, pinunasan ko ito agad at umiwas ng tingin. Ayokong makita ako ni Jake na nasa ganitong kaanyuan. “It’s Okay to cry,” he said, “I won’t judge you,”dugtong nito at nakita ko ang paglingon nito sa akin. Tumingin lang ako sa gilid at pini-pilit na iwasan na magka-tinginan kaming dalawa. Nakaka-hiya. Talagang sa kaniya pa ako naiyak. “Alam ko naman na sobrang hirap ng pinagda-daanan nating lahat,”sabi ni Jake, “May oras din na naiiyak ako at nalulungkot sa pagkawala ng mga kaklase natin ngunit wala naman kasing magagawa ang pag-iyak natin,”dugtong niya. Napa-lingon naman ako rito at naka-ngiti ito habang naka tingin sa kawalan. May bahid ng lungkot ang mukha nito. “Kung gusto natin bigyan sila ng hustisya ay gumawa tayo ng paraan, hindi iyong iiyak lang tayong lahat at ano? Nga-nga,”dugtong nito. “Alam ko naman na wala kang alam sa mga nangyayari,”sambit nito, ngunit na tawa lang ako ng bahagya at tumingin sa langit. Sakto naman na may dumaan n shooting star kung kaya ay napa-pikit ako at humiling. Sana matapos na ‘to lahat. “You’re wrong,”sambit ko at idinilat ang aking dalawang mata. “Alam ko na ang nangyayari sa loob ng seksyon natin,”dugtong ko at pait na ngumiti. “Hindi pa naman ganoon ka tagal bago na lama ang tungkol diyan, ngunit ipinaliwanag nila sa akin,”tugon ko. Ngunit labis naman ang pagtataka ko na biglang tumahimik ang tao sa tabi ko, napa- tingin ako rito only to see him staring at me. “Is that the reason why you stopped?” Seryosong tanong nito. Tumango lang ako sa kaniya, “Yeah, but it doesn’t I will stop looking for answers,”tugon ko at ngumiti. “Sobrang nakaka-lungkot lang na halos araw - araw ay may bahid na takot sa mga mata ng mga kaklase natin sa tuwing papasok sila,”paliwanag ko, “Takot na baka sa araw na iyan ay buhay na nila ang mawawala,”dugtong ko at malungkot na ngumiti rito. “Gusto ko na wala ng isa sa atin ang mawala pa,”sabi ko at napa-yuko sabay pinagla-laruan ang aking mga daliri, “Ayoko mawalan ulit ng kaibigan sapagkat napaka-hirap,” Tumahimik naman itong si Jake, ngunit hindi na akong nag-abala pa na tignan ito. Ewan ko sa sarili ko at bakit sobrang komportable akong sinasabi ang mga ganitong bagay sa kaniya. Hindi ko mawari kung bakit kaya kong umiyak sa harap nito. Siguro ay dahil sa sinabi nitong hindi niya ako huhusgahan kapag umiyak ako. Alam ko rin naman na naiintindihan niya ako kung bakit ganito nalang ang inaasta ko. Kaklase ko siya, at alam niya ang buong nangyayari sa loob ng seksyon namin. Nagulat naman ako ng biglang may panyo itong inilagy sa ibabaw ng kamay ko. “Punasan mo mga luha mo,”sabi nito habang naka-tingin pa rin sa langit. “Oo nga at halos araw - araw ay may nawawala sa atin ngunit dapat ay mag-hanap din tayo ng paraan upang mapa-tigil itong sumpa,” dugtong nito. Kinuha ko naman ang panyo nito at pinunasan ang mga luha na kanina pa patuloy na tumutulo. “Ngunit paano?” Tanong ko. Na tahimik pa ito ng ilang sandali bago ko narinig ang malalim na buntong hininga nito. “Don’t stop,”he said. “Ikaw lang ang bukod tanging tao ang naka-gawa ng mga bagay na ginagawa mo ngayon,”paliwanag nito. “Yes, we are from JITU since first year but unfortunately no one from our section is brave enough to do things like you do,”paliwanag nito. Tumaas naman ang kilay ko at tinignan ito na may halong pagtataka. “Don’t get me wrong, ngunit ikaw lang ang taong naglakas loob at bukod tanging tao na naghanap ng mga kasagutan sa sariling tanong,”ayon rito. “You are brave, kung kaya ay na bigyan ako o kami ng pag-asa na baka maka-hanap ka ng sagot patungkol sa sumpa,”patuloy nito sa kaniyang sinasabi at mapait na ngumiti sa huli. “Ngunit hindi ko aakalain na pati ikaw ay titigil din,”mahinang sabi nito. Umiwas lang ako ng tingin rito at na tahimik. Should I be flattered? Or should I feel sad? I don’t know what to react but maybe I am sad because I disappointed them. Napa-buntong hininga nalang ako at ipinikit ang aking mga mata. Pini-pilit na pigilan ang aking mga luha na patuloy na dumadaos-dos sa aking dalawang pisngi. Tahimik lang kami na naka-upo sa bench sa ilalim ng malaking punong kahoy dito sa likod. Tanging ang pag-hampas lang ng hangin sa mga dahon at ang tawanan lang nila lola ang maririnig mo rito sa labas. Mukhang nagkaka-siyahan sila roon, pero hindi pa ako pwede pumasok lalong - lalo na mugto ang aking mga mata. Gustohin ko man sumali sa kanila upang makalimutan man lang kahit sandali ang tungkol sa mga nangyayari sa aming paaran ay hindi ko naman ito magagawa. Baka mabasag ko pa ang kasiyahan ng mga ito at mapalitan ng mga tanong kung bakit ako umiyak at ano ang dahilan. Maari rin mag-isip si lola na baka lalaki ang dahilan ng pag-iyak ko, iyon pa? Ganoon ‘yon mag-isip eh. Ewan ko ba kung bakit, e’, hindi pa naman ako interesadk sa mga ganiyang bagay. Masiyadong malabo para sa akin ang ganiyan. “Ayaw mo pa bang pumasok?” Tanong nito sa akin ngunit umiling lang ako ngumiti bago ito tinignan. “Dito lang muna ako,”tugon ko. Tumango lang ito atsaka tumayo, “Mauna na akong pumasok sa loob,”pa-alam nito, tumango lang ako rito. Hanggang sa tuluyan na nga itong naglakad pa - alis. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot ng umalis ito. Tila ba gusto ko itong manatili at makinig sa akin tungkol sa mga bagay - bagay. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na naramdaman ko simula noong nangyari ang sunod - sunod na pag - patay ng mga kaklase ko. “Calix,”tawag sa akin mula sa likod. “Nandito ka lang pala,”dugtong nito at umupo sa tabi ko. Nilingon ko naman kung sino ito ay nakitang si Lea lang pala. May dala - dala itong isang platito na may laman na leche flan. “Kanina pa kita hinahanap, o’, favorite mo.” Sabi nito at ngiting ibinigay sa akin ang kaniyang dinadala. “Thank you,”masayang sabi ko at agad na tinanggap. Kinuha ko rin ang dala - dala nitong dessert spoon at sinimulan ng kainin ang leche flan. “Okay ka lang ba? Bakit tila kaga-galing mo lang sa pag-iyak?” Nag-aalalang tanong nito. Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango naman ito ka-agad. “Okay lang kung ayaw mo pa itong pag-usapan,”sabi nito at ngumiti sa akin. Tahimik ko lang na tinapos ang leche flan ko at tumingin kay Lea. “Bakit?” Tanong nito. Umiling lang ako at ngumiti. “Nag-usap lang kami ni Jake,”sambit ko. Ngumiti naman ito ng sobrang lawak bago tumawa. “He rejected you kaya ka umiyak?” Tanong nito habang nata-tawa. “No! Shunga,”sigaw ko rito, “Pinag-usapan lang namin ang mga bagay na nangyayari sa loob ng section namin,”dugtong ko at inirapan ito. “Ganoon ba? Akala ko pa naman,”naghi-hinayang na sabi nito. “Shut up,”sabi ko. Tumawa lang ito ng malakas bago naisipan na tumahimik. Ilang sandali pa ay napagdesisyunan ko umakyat na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD