Pagmulat ng mata ni Marites wala itong nakikita kung hindi tanging puro puti lang. "Nasa langit na ba ako?N-nasaan ako?"mahinang tanong ni Marites habang pilit na ini-ikot sa paligid ang paningin. Mabilis naman lumapit ang Ina ni Nathan at Margaret upang tugunan ang mga tanong ni Marites. "Andito ka sa hospital Beshy.Nahimatay ka sa presento kaya dinala kana nila dito." paliwanag ni Margaret "Hija,ingatan mo ang sarili mo,lalong-lalo na ang mga apo ko."nakangiti na saad ng Ginang. Napaawang ang labi ni Marites dahil paulit-ulit tumatak sa isip niya ang mga katagang mga anak mo. "Alam kung buntis ako pero hindi ko alam na kambal ulit ang magiging anak namin ni Nathan."bulong nito sa sarili. "Tama po ba ang narinig ko na kambal ulit ang anak ko?tinanong niya ulit kung tama ang narini

