Chapter 7

449 Words
Matapos ang ilang mga araw na magkasama kami ni David doon sa resort, bumalik na rin kami agad sa Maynila. Pagkababa na pagkababa ng kaniyang private jet sa airport, hinatid muna ako ni David sa penthouse ko para makapagpahinga bago siya dumeretso sa kanilang hotel para asikasuhin naman ang mga naiwang trabaho. Pagkarating ko sa bahay, nagpalit agad ako ng mas pormal na damit at mabilis na uminom ng mainit na kape para magising ang diwa ko. Pagkatapos niyon, dumiretso na ako sa ahensya para personal na kausapin si Mrs. Diaz. Sakto namang naghihintay na pala talaga siya sa pagdating ko. Matapos ang maikling batian at kamustahan, umupo ako sa bakanteng upuan sa tapat mismo ng kaniyang office desk, habang nagpa-order naman siya sa kaniyang staff ng dalawang tasa ng kape para sa aming dalawa. "You look radiant, Ali. Mukhang maganda ang naging bakasyon mo, ah? How was the photoshoot?" nakangiti at napakainit niyang tanong sa akin. "Thank you, Mrs. Diaz. Sobrang ganda at naging maayos po ang lahat," sagot ko naman sabay bigay sa kaniya ng isang napakalawak na ngiti. "Perfect." "Well, tulad nga po ng nabanggit ko sa inyo noong tumawag ako, seryoso po talaga ako na gusto kong bilhin ang agency na 'to," confident at determinadong panimula ko sa seryoso naming usapan. "Yes, actually, mas magiging masaya at panatag ako kung ikaw ang hahawak at mamamahala ng ahensyang ito. Sobrang daming dugo't pawis ang ibinigay ko para mapalago ang negosyong 'to," tapat niyang sagot habang tumatango. "Kaya lang, kailangan ko pa kasing kausapin ang kapatid ko tungkol sa suhestiyon at offer mo. Tulad ng alam mo, hawak niya ang fifty percent ng shares ng kumpanya. At ang sabi niya sa akin, may isa pa raw kasing buyer na interesadong-interesado na makuha ang agency." Napakunot ang noo ko sa sobrang pagtataka at kalituhan sa narinig ko. Wala akong kaalam-alam na may iba pa palang nagbabalak na bumili ng ahensya bukod sa akin. Mukhang kamakailan lang din ito nagka-interes dahil wala namang nabanggit sa akin si Nancy na iba pang potential buyer nung huli kaming magkausap sa telepono. "Mukhang positibo naman ang kapatid ko sa offer ng isang 'to. Katunayan nga, nagkaroon na sila ng meeting kahapon. Kaya naman matapos nating mag-usap sa phone noong isang araw, tinawagan ko siya agad para iparating ang offer mo, pero hindi ko siya ma-contact. Kaya huwag kang mag-alala, I will inform you as soon as I talk to him," seryoso ngunit may kasamang magalang na ngiti niyang dagdag sa akin. "Sige po, walang problema. Iyon naman pala, hihintayin ko na lang ang tawag at update niyo sa akin," pagtango ko bilang pagsang-ayon habang pilit na iwinawaksi ang kaba sa dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD