Chapter 2. Charry

1299 Words
ISABELLA Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil nangako si Kuya Esrael na ipapasyal niya daw ako sa farm. Tamang-tama malapit na ulit ang harvesting season kaya paniguradong marami na itong mga bunga at malapit na ring mahinog. Nagbihis ako ng pink na blouse at white na short saka nagsuot ako ng rubber shoes bago ako bumaba. “Kuya! Good morning!” Nagulat siya nang halikan ko siya sa pisngi. Kaya napatingin siya sa akin. “Bakit? Don’t tell me hindi matutuloy ang lakad natin? You promise me ha.” nakangusong sagot ko. Napatingin ako kay mama at papa na sabay bumaba ng hagdan. “Mama, papa good morning po!” lumapit ako sa kanila at hinalikan ko din sila para batiin. “Sumabay muna kayong mag-breakfast mamaya pa naman ang dating ni Charry.” wika ni mama. Sumunod kami ni kuya patungo sa dining table. Magkatabi sila mama at papa at kami naman ni kuya. “Sino pong Charry, ma?” Nagtatakang tanong ko dahil ngayon ko pa lamang narinig ang pangalan na yun. “Anak ni Mayor De Leon, ina-anak din namin ng papa mo.” Tugon niya. “Ahhh… ilan taon na po?” tanong ko ulit dahil interesado akong malaman kung sino ang babaeng binabangit nila. “Kasing edad ng kuya mo. Nasa twenty-three years old na rin siya. At bagay na bagay pa sila dahil magandang bata si Charry.” nakangiting sabi ni mama na ikinatigil ko sa pagsandok ng kanin. Napatingin ako kay kuya na tahimik lang na nakikinig sa usapan namin. Hindi na ako muling nagtanong pa sa kanya at nawalan na rin ako ng gana. Akala ko kasi kami lang ni kuya ang papasyal ngayon pero may iba pala kaming kasama. “Bakit kaunti lang kinain mo? Baka magutom ka niyan sa farm.” wika ni papa nang mapansin ang kawalan ko ng gana. Kanina excited ako sa pupuntahan namin pero nang malaman ko ang tungkol kay Charry hindi ko alam kung bakit parang ayoko nang sumama. “Sumasakit po kasi ang tiyan ko. Baka hindi na lang po ako sumama.” nakayukong sabi ko. “Sobrang sakit ba? Gusto mo magpahatid tayo sa hospital.” concern na sabi ni kuya na ikina-iling ko. “Hindi na kuya, dysmenorrhea lang naman to. Pasensya na ha? Kayo na lamang ang pumunta. Aakyat lang po ako.” Paalam ko sa kanila at hindi na pinansin ang pag-aalala nila. Pagpasok ko ng kuwarto ay sinara ko lang ang pinto at naupo ako sa gilid ng kama. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ko kung may social media ba ang Charry De Leon na yun. Nang makita ko ang name niya sa social media at pinasadahan ko din ang mga uploaded photos niya at mas nalungkot ako pero hindi ko alam kung bakit. Hindi lang siya maganda. Tumutulong din siya sa kanyang amang mayor at may organization din sila na tumutulong sa mahirap. She’s a public servant kagaya ng kanyang ama kaya siguro gustong-gusto siya ni papa at mama. “Isabella? Ang kuya mo ‘to.” Hindi ko siya sinagot at binuksan niya ang pinto. “Hindi ka pa aalis? Baka naghihintay na si Charry sa’yo.” taboy ko sa kanya. “Hindi ka ba talaga sasama? Akala ko ba—” “Hindi po, matutulog na lamang ako.” Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot sabay talikod sa kanya. “Okay, sige aalis na ako…uuwi din ako kaagad.” Narinig ko ang pagsara niya ng pinto. Bumangon ako upang magpalit ng damit Nagpaalam din sila mama at papa bago sila umalis. Naiwan akong mag-isa sa bahay. Mabuti na lang din na hindi ako tumuloy dahil nagkaroon nga ako at sinumpong na naman ako ng dysmenorrhea. Every month na lang struggle sa akin ang matinding sakit ng puson. Naabutan ako ni kuya na namimilipit sa sakit ng puson. Hindi ko alam na hapon na pala kasi nakatulog din ako. “Are you okay? Pawis na pawis ka.” Nag-alalang sabi niya. Binuksan niya ang aircon at pinalitan niya ng mas manipis ang kumot ko. “Magpalit ka muna ng damit baka matuyuan ka ng pawis.” Siya na mismo ang kumuha ng damit ko sa closet at inabot sa akin. Maghuhubad na sana ako ngunit pinigilan niya ako. “Lalabas muna ako saka ka magbihis. Dalaga ka na, kaya dapat aware ka na sa mga bagay-bagay.” wika niya na hindi ko maintindihan. “Anong ibig mong sabihin kuya? Hindi kita ma-intindihan.” nakangiwing sabi ko. Napasinghap siya at nagpaalam na lalabas na. Pagbalik niya may bitbit na siyang gamot at hot compress. “Take this pain killer.” Wika niya inalalayan pa niya akong para mainom ko ng maayos ang gamot at tubig. Inayos niya ang unan ko at ibinigay sa akin ang hot compress. Kinuha ko naman ito at saka ko inilagay sa puson ko. “T-thank you kuya…” nakangiting sabi ko. “Lagi ka na lang ganyan. Magpa-check-up ka na kaya? Sabihin ko kay Mommy.” Hinawakan ko ang mangas ng damit niya nang akmang tatawagan niya na si mama. “Huwag na kuya…maya-maya din okay na ako…” pigil ko sa kanya at nakinig naman siya. Nagpaalam siya sandali dahil maliligo daw muna siya. Pinagpawisan kasi siya sa farm kanina. Humupa na yung sakit nang bumalik siya. Bagong ligo at may bitbit pa siyang cookies, ice cream and sliced fruits. Umayos ako ng sandal at ipinatong niya ito sa ibabaw ng maliit na table bago inilagay sa harapan ko. “Thank you…kuya, sa pag-aasikaso palagi sa akin.” Ginulo niya ang bangs ko. “Ikaw talaga, palagi mo na lamang akong pinag-alala.” wika niya. Seryoso akong tumingin sa kanya. “Kumusta ang lakad niyo ni Charry?” tanong ko na ikinabura ng ngiti sa kanyang labi. “Okay naman, katulad din siya ni dad. Gustong ilaan ang buhay sa paglilingkod sa bayan.” sagot niya. “Ganun ba? Nakita ko nga sa IG niya. Marami siyang natutulungan.” “Ini-stalk mo?” seryosong tanong niya na ikinatango ko naman. “Curious lang ako, kasi mukhang gustong-gusto siya ni mama at papa.” malungkot na sabi ko. Pinagtuunan ko na lamang ang dala niyang ice cream at binuksan ko ito. Sunod-sunod akong sumubo at nakatingin lang siya sa akin. “What if dad asked me to marry her? Magugustuhan mo ba siya for me?” Parang bumara ang ice creame sa lalamunan ko at nahirapan akong lunukin. Pero kailangan kong sagutin ang tanong niya. Napilitan akong ngumiti kahit ang totoo ay ayokong mangyari yun. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Pero pakiramdam ko nagseselos ako. “Kung mahal mo siya, bakit hindi? Sino ba naman ako para humadlang sa kaligayahan mo diba?” Pagkukunwari ko. Kinuha niya ang kutsara na hawak ko at sinubuan ako ng ice cream pagkatapos ay sumubo din siya. Hindi siya nandidiri kahit isang kutsara lamang ang gamit naming dalawa. “Ito ang tatandaan mo Isabella, kung magpapakasal man ako. Sa babaeng mahal ko. Sa babaeng gusto kong makasama habang buhay.” seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso sa mariin na pagtitig niya sa akin. Pero alam kong walang ibig sabihin yun. Hangang siya na rin mismo ang pumutol nito. “Babalik ako mamaya hatiran kita ng dinner.” paalam niya. Paano kung magkatotoo ang sinabi ni kuya? Paano kung gusto nila si Charry para sa kanya? At paano kung mahulog din ang loob niya kay Charry kaya ngayon pa lamang ay pinaglalapit na sila ni mama at papa? Wala na akong kapatid. Pero bakit naman ako malulungkot? Dapat nga maging masaya pa ako para kay kuya. Kasi kung nagkataon, alam kong sa babaeng may malaking puso siya mapupunta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD