“Kumusta? Did you miss me?” nakangising tanong nito sabay tutok ng baril sa kanya na ikinagulat naman ni Isabella. “C-Charry...maawa ka…huwag mong ituloy ‘yan. Nagdadalang tao ako. Walang kasalanan ang bata—” “Manahimik ka!!! Sa tingin mo may kunsensya pa ako pagkatapos ng ginawa niyo sa akin?!” sigaw nito dahil sa gulat ay nabitawan niyo ang phone at gumulong ito sa ilalim ng table. “Hello? Isabella?! Isabella!” nagpa-panic na sigaw ni Esrael nang marinig niya ang lahat sa kabilang linya. “Bakit? Anong nangyari?” Usisa ni Mark sa tabi niya. “Si Charry…nasa mansion siya! Kailangan nating makabalik kaagad—” Putok ng baril ang nagpatigil sa kanya sa pagsasalita dahil narinig niya ito mula sa phone ni Isabella. “Isabella! Isabella!!!” Tuluyan nang nawalan ng signal ang phone ni

