Bagong kakayahan . . Christian's Point of View . "Pakiusap mahal na itinakda, subukan mong payapain ang iyong kaisipan." Marahang akong tumango upang sumagot sa kanya, paano ko naman mapapaya ang aking isip kung mag sasalita siya ng mag sasalita? Gusto ko sana gamitin ang ice barrier upang maharang ang tubig na bumabagsak sa akin, pero para naman akong tanga nun dahil parang pinadali ko lang ang pag sasanay ko na walang natutunan. Sa pag kakaalam ko ay kaya ginagawa ang pag sasanay na ito upang hindi lang maging payapa ang iyong kaisipan , matutunan ko rin dito kung paano lumakas ang aking pakiramdam na magagamit ko sa pag ilag ng mga atake ng kalaban. Nag sisimula ng maging mapayapa ang aking isipan, pilit kong huwag mag isip ng kahit ano, at mag isip ng wala. "Aray!"Daing ko ng may

