Chapter 42

1013 Words
Buti na lang . Christian's Point of View "Dati mong pamilya?" Tanong ko sa kanya muli namn siyang tumango at ngumiti. "Ayun sa sapa ay namatay ako dahil sa isang  malubhang sakit, bago ako mag kasakit ay isa akong top student sa paaralan ko at isa akong model, galing din ako sa isang masayang pamilya kaya naman kahit maikli lang ang aking naging buhay ay masaya akong namatay, sobrang nalungkot ang pamilya ko sa aking pag kawala pero dahil alam nilang malulungkot ako kapag nakita ko silang malungkot ay pinipilit nilang maging masaya habang inaalala pa rin ako."  Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Sobrang swerte niya pala noong nabubuhay siya kaya naman sobrang bait niya. "Sobrang swerte mo pala." Ayokong sirain ang katuwaan niya naman ayun na lamang ang tangi kong nasagot sa kanya. "Sa susunod na araw ay pupunta uli ako dun upang makita ang ginawa nila noong kaarawan ko," Masayang wika niya. "Gusto mo bang samahan ako Christian?" Yaya nito sa akin, muli lang akong ngumiti at tumango. "Sige sasamahan kita." Tugon ki sa kanya. Ngumiti siya ng ubod ng tamis. Mukha talagang pamilyar ang itsura niya. Para bang nag kakilala na kami noon pero hindi ko lang maalala. Pero  talagang pamilyar ang kanyang itsura sa akin. "Teka, naaalala na kita, ikaw yung sikat na lalaki sa school natin, ikaw si Christian Chua, ang lagi kong kakompetensiya sa unang pwesto." Bigla niyang wika sa akin. Bigla naman akong napaisip, kilala niya ako? Kakompetensya? Ang ibig sabihin lang nun ay, "Ikaw yung lagin representative ng school natin lagi pag dating sa modiling," Pag aalala ko sa kanya. " Ikaw si Dale Chavez na namatay dahil sa leukemai." Napangiti ng mapait si Dale at bahagyang tumango. "Oo ako nga, buti na lang at naalala kita , siguro naman magiging komportable ka na sa akin dahil mag kakilala na tayo." Nangingiting wika ni Dale sa akin. Nahalata niya pala na hindi ako komportable sa kanya. Ganun ba talaga kahalata? Hindi lang kasi ako talaga sanay na naiiwan sa iisang kwarto kasama ng isang babae. Pero bakit noong mag kasama kami ni Jehnny sa iisang kwarto ay hindi ko ito nararamdaman. Siguro dahil mag kaiba si Jehnny at si Dale. " Bakit ka nga pala namatay?" Bigla akong nakaramdaman ng kaba dahil sa biglaan niyang tanong nilingon ko siya, hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Sandali ako nag isip ng gagawin kong dahilan sa kanya. Dahil hindi ko rin alam kung patay na ba talaga ako. Wala sa aking nag sabi. Napakagat na lang ako ng labi dahil wala talaga akong maisip. Napatitig sa akin si Dale at napakurap ng mata. Nag tataka na siya siguro kung bakit hindi ako sumasagot sa tanong niya. Sana hindi niya marinig ang lakas ng kabog ng aking dibdib dahil sobra akong kinakabahan. Hindi niya pwedeng malaman na ako ang itinakda. Hindi niya pwedeng malaman na, hindi ko talaga sigurado kung patay na ako. Nag taka ako ng biglang tumawa ng malakas si Dale. Tiningnan ko siyang na may halong pag tataka? "Ba-bakig ka tumatawa?" Nag tatakang tanong ko sa kanya. Sandali siya tumingin sa akin at muling tumawa. " Kasi naman nakakatawa yung itsura mo habang pilit mong inaalala ang pag kamatay mo," Natatawang wika niya na ikinataas ng aking kilay. "Hindi mo naman kaylangang pilitin ang sarili mo na alalahinin ang pag kamatay mo dahil karamihan naman talaga ng mga multo ay hindi alam kung bakit sila talaga namatay tulad mo, kaya wag mo ng pilitin ang panget kasi mg itsura mo." Bigla naman gumaan ang aking pakiramdam dahil sa kanyang sinabi.  Ang akala ko ay mabubuki na niya ako. "Ganun ba?" Wika ko sabay pilit na tumawa, alam kong halatang peke ang tawa ko pero sana ay hindi siya mag hinala sa akin. Bahagya lang siyang tumango at saka muling tumawa nang tumawa. Hinayaan ko na lang siyang tumawa. Medyo naging komportable na ako sa kanya dahil bukod sa kilala namin ang isa't-isa mundo namin ay madali lang siyang pakisamahan. "Mukha pagod ka pa mag pahinga ka na muna, bukas na lang kita ililibot pag katapos ng klase natin total naman pareho pang tayo ng klase." Bahagya akong tumango sa kanya at ngumiti. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng may maalala akong itatanong ko sa kanya. " Teka Dale, malalaman mo din ba sa sapa ng kahapon, kung paano ako napunta rito?" Sandali siyang napaisip bago sumagot sa akin. Tumingala siya upang mag-isip habang tila kinakamot ang kanyang baba. Nilingon niya ako at umiling. "Sa tingin ko ay hindi, dahil ang tanging sinasabi lang sa sapa ay ang mga nakaraan mo noong nabubuhay ka pa at kung paano ka naman." Tugon sa akin ni Dale, tumango-tango naman ako at humarap na patungo sa pintuan ng aking kwarto. "Bakit? May gusto ka pa bang malaman." Napatigil ako sa aking pag lalakad at umiling. "Wala naman may gusto lang akong siguraduhin." Tugon ko sa kanya at muling nag simulang mag lakad papunta sa akin kwarto. "Huh? Ano yung gusto mong siguraduhin?" Muling tanong niya sa akin bago ako tuluyang makapasok ng aking kwarto. "Wala naman, sige mag papahinga na ako." Tugon ko sa kanya at tuluyan ng pumasok sa aking kwarto. Bago ko tuluyang isara ang pintuan ng aking kwarto ay narinig ko pa ang kanyang pag habol ngunit tuluyan ko ng sinara ang pinto ng aking kwarto. Pag kasara ko ng pintuan ay nag buntong hininga ako at nilibot ang akin paningin sa aking magiging kwarto. Tama lang ang laki nito para sakin. Meron na din itong sariling banyo kaya pwede ko itong gamitin na hindi na iistorbo si Dale. May balkonahe na rin upang makapag nilay-nilay. Tumungo ako aking kama at agad na lumubog dito. Dahil sa sobrang lambot ng kama ay nakaramdam ako ng pagod. Ang dami na agad nangyari ngayong araw pa lang, pano pa kaya sa mga susunod na araw at sa mga araw na susubukin na ako at sa araw na makakalaban ko na ang Demon king? Sana kayanin ko pa dahil nag sisimula na akong mapagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD