Ang Pag-atake . . Christian's Point of View "Bakit hindi mo subukan?" Hamon niya sa akin at iniabot ang kanyang kaliwang kamay. Napalunok ako at dahan-dahang inabot ang kanyang kamay. Pagka hawak ko sa kanyang kamay ay agad akong huminga ng malalim at tiningnan si Ace sa kanyang mata. Ngumiti si Ace sa akin at tumango. Tumango ako pabalik sa kanya at muling huminga ng malalim. "Ace." Tawag ko sa kanyang pangalan. Pumikit si Ace at nabalot siya ng isang liwanag. At konti-konting nag bago ang kanyang anyo. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang bigat ng aking hawak. Napatingin ako sa aking hawak na armas, may hawak akong Scythe... Ramdam ko na parang konektado ako sa armas na ito. Iwinasiwas ko ang aking hawak na armas at itinapak ito sa buwan. Kuminang ito sa liwanag nito at lumab

