Unang Yugto nang Pag lalakbay nila Christian at Jehnny
.
Christian's Point Of View
Tahimik lang kami habang nag lalakad ni Jehnny, walang sino man ang gustong mag salita. The moment earlier wa really ackward to the moment na gusto ko na lang mawala ng tuluyan.
Sandali ko siyang tiningnan, seryoso lang siyang nag lalakad. Mukhang din siyang pagod dahil siguro panandilian naubusan siya ng kapangyarihan. Gusto ko mainis sa kanya dahil pag katapos niyang sabihin na kalimutan ko na ang pag mamahal ko sa kanya ay bigla na lang nanlamig ang pakikitungo niya sa akin. Ilang beses na lang akong napabuntong hininga dahil sa kakaisip.
"Wag kang mag alala malapit na tayo sa nayon, pagdating doon may matutuluyan na tayo kaya makakapag pahinga ka na." Napatingin ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Tiningnan niya ako sa aking mga mata at saka ngumiti ng ubod ng tamis at sa ngitig yun ay parang gumaan ang aking pakiramdam. Nakahinga ako ng maluwag. Siguro hindi pa ito ang oras para sa amin dahil may mundo pa kaming dapat iligtas.
Muling tumahimik ang kapaligiran ngunit hindi na tulad ng kanina na mabigat ang kapaligiraan. Mas magaan na ito ngayon at tila lumiwanag ang lahat.
Ilang sandaling pag lalakad pa ay narating na namin ang unang nayon. HAlos palubog na ang araw kaya naman sinisimulan na nilang sindihan ang mga lampara. Napansin ko naa ang mga multo dito ay para din mga tao sa aming mundo ang pinag kaiba lang ay marunong silang gaamit ng mga mahika.
"Sa wakas nandito na tayo sa unang nayon!" Bulalas ni Jehnny. "Ito ang nayon ng Uno, sa mga multong napupunta sa mundo ng paraiso ito ang una nilang matatagpuan." Paliwanag ni Jehnny. Namangha naman ako dahil isang pamilihan ang agad na bumungad sa amin. Nilibot ko ang akking paningin sa buong paligid. Mainagy ang buong paligid dahil sa dami ng taong nandito. Tila mga makalumang mga tao noong unang panahon ang mga panahn dito dahil sa uri ng kanilang pananamit.
"ANg daming pweding bilhin." Manghang tugon ko. ANg daming iba't ibang prutas, pakain, kagamitan at mga armas ang makikita dito sa mamilihan. Abala ang lahat sa pamimili ng mga kanilang mga gagamitin tulad ng mgasangkap sa pag luluto, kagamitan sa kanilag tahanan at marami pang iba.
"Oo naman, dito sa nayong ng uno ay matatagpuan ang mga pinag-mamalaking mga kalakal ng mga iba't-ibang mga bansa at mga nayon." Buong pag mamalaking wika ni Jehnny. Napangiti naman ako dhil naging masigla na uli siya.
"Para din palang mundo ng mga tao ang mundo niyo." Wika ko sabay tingin sa langit. Kung titingnan ay maraming pag kakatulad ang mundo namin sa mundo ng mga multo.
"Ayon sa alamat dito sa mundo namin, ang paraiso ay nilikha ng kataas-taasan upang sa oras na mamatay ang mga tao ay hindi sila mangulila sa inyong mundo," Wika ni Jehnny. Nilingon ko siya ng marinig ko siyang mag buntong hininga. "Ngunit ang problema lang ay sa oras na makarating ang multo ng tao dito ay wala na siyang maalala kundi ang pangalan niya." Malungkot na wika niya. SAndaling pumasok sa aking isipan ang mga nangyari noong una kaming mag kita.
'Ako si Jehnny, hindi ko alam kung ilan taon na ako at kung saan ako nakatira'
"Kaya pala sabi noong sinabi mo sa akin ay ang pangalan mo lang." NIlingon niya ako na may halong gulat sa kanyang mga mata. Ilang sandali din kaming nag katitigan. Tila ba nababsa ko ang kanyang mga inisip.
'Masaya siya'
Kita sa mga mata ang saya hindi ko alam kung ano ang nag dulot nito pero para na ding sumaya ang aking puso. Ngumiti ng mapait si Jehnny at saka tumingal sa langit.
"Oo, hindi ko din alam kung bakit ako namatay at gaano na ako katagal dito." Kahit na nakangiti siya ay halata mo ang lungkot sa kayang mukha. Para bang kumirot ang aking puso ng makita ko siyang malungkot.
"Lahat ba ng multo ay may kakayahang maging armas tulad mo?" Tanong ko sa kanya. gusto ko mapagaan ang kanyang pakiramdam. Wala na akong ibang maisip kundi ito. Umiling lang siya at ngumiti. Sa pag kakataong ito ay tunay na.
"Tanging mga may tisyang maging anghel lamang ang may kakayahang maging armas tulad ko." Masayang wika niya. Nag simula na muli kaming mag lakad para pumunta sa tutuluyan namin.
"eh di pwede ka palang maging anghel?" Masaya siyang tumango at sandaling na patigil sa kanyang pag lalakad. Napatigil din ako sa pag lalakad at nilingon siya.
"Bakit? may problema ba Jehnny?" Gulat niya akong tiningnan at umiling.
"Wala naman ,may naalala lang ako." Tugon niya saka muling naglakad palayo at nilagpasan lang ako. " Tara malapit na tayo sa tutuluyan natin." Sandali niya lang akong nilingon upang tawagin lang ako at sak muling nag lakad. Sandali pa lang simula ng muli kaming mag kasama ngunit ramdam ko na may tinatago siya sa akin.
Tahimik lang akong nakasunod sa kanya sa paglalakad. I just stayed behind her. Sobrang na cucurios na ako sa kanya. Ano ang tinatago niya sa akin?.
"Nandito na tayo." Pareho kami napatigil sa isang gusali sa gitna ng pamilihan. Ang gusali sa gawa sa bato at may taas itong tatlong palapag.
"Keina Inn?" Basa ko sa karatulang nasa bandang itaas ng gusali. Tumango naman si Jehnny habang nakatingin sa may pinto.
" Pag mamay-ari ito ng kaibigan kong si Keina, sikat ang Inn na ito dahil sa ganda ng serbisyo nila dito." Buong pag mamalaki ni Jehnny sa Akin. Binuksan niya ang kahoy na pinto at pumasok dito, ako naman ay tahimik lang nakasunod sa kanya.
pag pasok namin ay agad na sumilay sa amin ang maingay na kapaligiran. May mga taong nag iinuman, meron ding mga nag kakantahan. Lahat sila ay mukhang masasaya.
"Jehnny!" Pareho kaming napatingin sa babeng kulay brown ang buhok na hanggang tenga. Maputi din ito at maganda. Mas lalo pang lumitaw ang hubog nito dahil sa suot niyang shorts at tube. Nag pupunas ito ng baso sa may parang counter. Nilapitan namin siya uoang kausapin.
"Keina!" Umupo kami sa may stool sa tapat ni Keina. May katangkaran din pala ito na lalo pang nag pasexy sa kanya.
"Siya na ba yung itinakda?" Masiglang tanong ni Keina at binigyan kami ng maiinom.
Tumango naman si jehnny at humigup sa kanyang baso.
"SIya nga pala si Christian ang bagong itnakda upang kalabanin si Taitus," Pakilala ni Jehnny sa akin. Ngumiti naman ako at saka humugop sa aking baso ang sarap naman nito.
"Naku Naku Kamukhang-kamukha mo ang iyong lolo," Wika niya sa siya yumuko sa harapan ko dahilan para makita ko ang kanyang hinaharap. " Ako nga pala si Keina matalik na kaibigan ni Jehnny at may-ari ng Inn na ito." Napalunok naman ako ng tiningnan niya ako ng malagkit. Bigla ko naman naisip ang una niyang sinsbi sa akin.
"Kilala mo ang lolo ko?" Gulat na tanong ko sa kanya. Bahagya naman siyang tumango at ngumiti.
"Sino ba namnag hindi makakakilala sa lolo mo? " Lumayo siya sa akin at sak nag sindi ng sigarilyo."Sikat na sikat ang lolo mo dito sa mundo namin dahil minsan niya na kaming iniligtas sa mga kamay ni Taitus." Binuga ni Keina ang usuk na kanyang hinitsit mula sa kanyang sigarilyo.
" Napaka busilak ng puso ng lolo mo kaya naman mahal na mahal siya ng mga tao dito." Singit ng isang lalakng nag iinom na nakaupo hindi kalayuan sa amin.
Bigla naman sumang-ayon ng lahat na nasa loob. Hindi namin namalayan na nakikinig na pala sila sa aming usapan.
Habang tinitingnan ko sila na inaalala ang aking lolo ay hindi ko mapigilang mapangiti. Sobrang saya siguro ni Lolo noon panahon na kasing edad ko pa siya.
Napuno ng pag aalala sa aking lolo ang bar na nasa baba ng Inn ni Keina. Puro masasayan ala-ala ang mga kinukwento nila sa akin, tulad na lang kung gaano habulin ng mga babae si lolo noon at gaano kalakas uminom si Lolo ng alak. Nakitawa ako sa kanya habang iniinom ang masarap na inumin na kanina ko pa iniinom. Tiningnan ko ang loob ng akin baso na may kulay dilaw na likido.
"Masarap ba?" Napalingon ako ng muling lumapit sa akin si Keina habang humihithit ng kanyang sigarilyo. Ngumiti ako at muling tiningnan ang loob ng aking baso.
"Ngayon lang ako nainom ng ganito, sa buong buhay ko." Wika ko habng nakatingin sa akin baso. Humigop ako ng kaunti at muli itong tiningnan.
"Meron din naman niyan sa mundo niyo ang kaso hindi niyo lang pweding inumin." Inosente ko siyang tiningnan. Anong ibig niyang sabihin na meron nito sa mundo namin pero hindi namin iniinum?
"Ano bang tawag sa inumin na ito?" Muli akong humigop sa aking baso dahil sadyang sobrang sarap nito. Lasa itong manamis-namis na parang may honey at para ding lasang vanilla at may konting lasang chocolate.
"Ihi ng Baka ang tawag sa inumin na yan." Bigla akong natigil sa pag higop at pinoproseso ang kanyang sinabi. NAng muli kong natinig sa aking utak ang kanyang sinabi ay naibuga ko ang aking ininom. Tumawa naman sila JEhnny at Keina dahil sa aking reaksyon.
"Sabi nga ang ba't ayan ang magiging reaksyon mo." Natatawang wika ni Jehnny sabay igop ng ihi ng baka sa kanyan baso.
"Ba-Bakit Hindi niyo agad sa akin sinabi?" May halong pandidiri kong sabi. Patuloy lag silang tumatawa. Trip ata nila ko.
"Alam kasi namin na ganyang ang magiging reaksyon mo kaya hindi agad namin sinabi sayo." Halos mamatay na sa kakatawa si Keina, Ay! Teka multo na nga pala sila.
"Hi-Hindi ba marumi 'to?" Muli kong tiningnan ang baso na may halo ng pandidiri. "Hindi ba ako mag kakasakit dito?" Pinilit pigilang ni Jehnny ang kanyang pag tawa para maka sagot ng maayos sa akin. Umilimg ito habang natataawa pa din.
"Dito sa mundo namin, pweding inumin ang mga ihi ng mga hayop at kainin ang mga dumi nila," Panimul ni Jehnny at muling nilabas ang maliit na T.V na gawa sa ulap. "Hindi tulad sa mundo niyo tinuturing na dumi ang ihi at dumi ng hayop, dito sa amin ay isa ito sa mga putahi." Pinakita sa maliit na TV kung gaano natutuwa ang mga tao sa tuwing iinumin o kakainin nila ang waste material ng mga hayop.
"Parang mga makinang buhay na nag poproseso ng inumin at pag kain at mga hayop dito sa mundo namin," Pinakita niya sa akin kung paano pinuproseso ng mga hayop ang eadible waste materials nila. Kung ano ang kinakain nila ay siya nilang pinuproseso sa kanila katawan upang maging masarap na pagkain o inumin.
Muling nawala ang maliit na TV. Nanatili akong tahimik at nilayo ang baso sa akin. Napalunok ako ng laway at tila nasusuka dahil naalala kung gaano karami na ang aking nainom. Muli naman silang tumawa ng malakas. Hindi nila ako masisisi kahit sabihin nilang iba ang waste material ng mga hayop nila dito sa kanilang mundo ay hindi pa din maalis sa aking isipan kung saan ito lumalabas.
"Parehong-pareho kayo ng reaksyon ng lolo mo noon unang salta niya din dito, pero siguro sa tagal niya din dito namalagi ay nasanay na siya sa mga pagkain namin." Muling pag aalala ni Keina sa aking LOlo.
Sa mga sinasabi nila sa akin ay isa lang ang pinag tataka ko. Kung patay na si Lolo bakit wala siya dito? Hindi ba't lahat ng mga taong namamatay ay dito napuputa? Oo nga pala dito pala siya namatay noon. Pero ano bang nangyari talaga sa kanya?
Akala ko noong una since nandito na ako sa mundo ng mga multo ay masasagot na ang mga katanungan ko, pero parang mas dumami pa ang mga katanungan ko sa akiing isipan.
"May problema ba Mahal kong Christian?" Napatingin ako sa kinauupuan ni Jehnny na may pag aalala sa kanyang mukha. Isa pa 'to , ang dami ko din katanungan sa kanya ngunit hindi ko alam kung masasagot niya ito. Nag buntong hininga lang ako at ininum ang natitirang inumin sa aking baso. Sobrang stress ko nakamutan ko na ihi nga pala ng baka yun. Muli akong nag buntong hininga at nilingon si Jehnny.
"Pagod lang siguro ako." Sabi ko saka tumayo at hiningi ang susi ng magiging kwarto ko kay Keina. Tumalikod na ako at saka nag simulang umakyat sa kwarto. Pag kapasok ko sa aking kwarto ay agad kong binagsak ang aking katawan sa kama.
Sa sobrang pagod ko sa mga pangyayari ay hindi ko namalayan na unti-unti ng pumipikit ang aking mga mata. Bago pa tuluyan pumikit ang aking mga mata ay imahe ng isang babae ang aking nakita.
'Jehnny'