Chapter 13

2203 Words
Transported into an odd world called Paraiso . Christian's Point of View Isang magandang tanawin... Ayan agad ang aking nakita noong oras na ako'y gumising. Isang tanawin na tila sa mga penikulang pantasya mo lang makikita. Ang nga puno ay matatayog at ang nga  bunga nito ay tila kumikinang. Ang damo na aking hinihigaan ay tila bulak sa lambot. Ang araw ay tirit na tirik ngunit katamtaman lamang ang aking nararamdaman na init na nakakagingawa sa pakiramdam. Mabango ang simoy ng hangin dahil ito'y sariwa at nahahaluan pa ito ng amoy ng mga hinog na bunga ng mga puno. Ang langi ay kulay asul na asul, ang mga ulam naman ay kay gandang tingnan na tila gusto mong higaan dahil mukha ito malambot at komportable. Ngunit isang bagay lang ang kakaiba sa aking paningin. Sa kalangitan... May mga batong nakalutang at mula dito ay may tubig na umaagos patungo sa lupa. Na saan ako? Ayan agad ang tanong na pumasok sa akong isipan. Kanina lang ay nasa party ako at nag diriwang ng aking birthday. Biglang nag flashback sa akin ang mga nangyari bago ako makarating dito. Nabalot ng kaba at takot at aking puso. Nawala ang aking pagkamangha ng maalala ko kung pano ako nakarating dito. Agad akong napabangon sa aking kinahihigaan at muling pinag masadan ang paligid. " Na saan ako?" Nilibot ko ang aking patingin at doon ko lang napag tanto na nasa kagubatan ako. In the middle of the forest I guess... In the middle of nowhere... Pinakiramdaman ko ang paligid baka may biglang lumabas na mabangis na hayop at bigla akong sugurin. Ganun kasi ang mga nababasa ko sa mga fantasy books. Nakahinga ako ng maluwag ng pakiramdam ko ay ligtas ako at malayo sa panganib. "Na saan kaya ako at anong nangyayari ?" Napabuntong hininga ako dahil hito na naman ako at nag tatanong ngunit walang sinuman ang kaya sumagot. "Ako kaya kong sagutin ang mga katanungan mo." Wika ng isang maliit at mahinhin na tinig na hindi ko alam kung saan nang galing. "Si-sinong nandiyan?" Tanong ko at luminga-linga sa paligid at nag bakasaling  makita ko siya. Narinig ko lamang itong humagikhik at kasabay nito ay muling umilas ang aking markang bituin sa kamay. "Te-teka a-anong nangyayari?" Mula sa liwanag na nanggagaling sa aking marka ay biglang lumabas ang isang maputing babae na mahaba ang buhok at may koronang ginto ito na nakapaikot sa kanyang ulo. Nakasuot ito ng puting bistida na hinahangin kasabay ng kanyang buhok. Meron din siyang suot na puting sapatos at may mga gintong anklet sa mga paa nito. Meron din siyang gintong bracelet na suot sa mag kabilaan niyang kamay. Lumapag ang babae sa lupa at tiningnan niya ako gamit ang kanya asul na mata at nginitian ako gamit ang kanyang mga mapupulang labi. 'Ang ganda niya' bulalas ko sa aking isipan. Sino ba namang hindi mamangha kung makakakita ka ng isang babae na maladiwata ang ganda. "Si-sino ka?" Halos mapaod kong tanong sa kanya. Mabuti at may boses pang lumabas mula sa akin dahil hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa nangyayari sa akin. "Hindi mo na ba ako nakikilala?" Tanong niya sa akin na may lungkot sa kanyang mga mata. Bigla may mga ala-alang bumalik sa akin isipan upang masagot ang kanyang katanungan. "Jehnny.." Sagot ko sa kanya ng mapag tanto ko kung sino ang babaeng nasa harapan ko. Muli ito ngumiti at patakbong lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Akala ko hindi mo na ako makikilala pang muli, Christian." Pabulong niyang wika sa aking tenga at lalo oang hinigpitan ang pag kakayakap niya sa akin. "Na-Na saan ako? Tayo?" Tanong ko sa kanya. Humilaw sita sa akin sa pag kakayakap at hinarap ako. Dahan - dahan siyang lumutang palayo sa akin hanggang maging tila spot light niya ang araw at ngumiti. "Maligayang Pag dating sa aking mundo mahal kong Christian, sa mundo ng mga spirito o mas tinatawag niyong mga multo ang 'Paraiso'"." Kasabay ng kanyang pag sasalita ay may mga paru-parong lumabas at nag liparan mula sa kanyang likuran. Lumikha ito ng nakakaaliwalas na tanawin. "Teka, mundo ng mga multo?" Gulat na tanong ko sa kanya. Masaya itong tumango at ngumiti sa akin. " A-anong ginagawa ko dito? Patay na ba ako?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Natataranta ako at nag iisipin ng kung anu-ano tulad ng kung pano ako namatay. Sa gitna ng aking pag papanik ay biglang humalakhak ng malakas si Jehnny. Napatigil ako sa aking pag iisip at nilingon siya. She look so cute when laughing. "Kumalma ka nga," Wika niya at tumigil sa kanyang pagtawa. " Una sa lahat hindi ka pa patay, pangalawa nandito ka dahil ikaw ang hinirang." Biglang naging seryoso ang kanya itsura at pati na din ang tono ng kanyang pag sasalita. Tiningnan ko siyang maiigi at mulin may mga nag flashback sa aking isa sa mga naging panaginip ko. 'ikaw ang hinirang...' Tahimik lang ako dahil hindi ko pa din na poproseso ang mga nangyayari. "Hindi ko maintindihan Jehnny, bakit ako?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako saglit at tumingin sa ibang dereksyon. Nag bago ang kanya expression na tila ba gulat sa kanyang nakikita sa ibang dereksyon. "Sabi ko na nga ba, nandito na sila." Tarantang wika niya. Bakit kaya? "Anong ibig mong sabihin?" Hind niya ako sinagot sa halip ay tinuro niya ang dereksyon na tinitingnan niya. Lumingon ako dito at nakita ko ang mga kulay na lumilipad. "Ano ang mga yan?" Tanong ko habang pilit na tinatanaw ang mga ito dahil medyo may kalayuan sila sa lugar namin. "Dito sa mundo namin, ang tawag namin diyan ay ang mapaghiganting lamok." Seryosong sagot niya. Panalingon ako sa kanya at gulat siyang tiningnan. "Huh? Mapaghiganting LAMOK?" Gulat na wika ko. "Sila ang mga kaluluwa ng mga lamok na pinatay ng mga taong tulad mo. Sa mundo niyo ay maliit lamang sila ngunit dito ay lumaki sila dahil nakakain sila ng masamang enerheya."  Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero mukhang mapapahamak kami kung wala kaming gagawin. Muli kong nilingon ang mga papalapit na  mga lamok sa amin. Tama nga si Jehnny malalaking lamok sila na halos kasing laki na ng mga tao. "Anong gagawin natin?" Tanong ko sa kanyang habang takot na nakatingin sa hubok ng mga lamok na mamaya lang ay tutupok na sa aming dalawa ni Jehnny. "Itaas mo ang kanang kamay mo at tawagin mo ang pangalan ko." Rinig kong wika niya. "Ano? Seryoso ka ba? Anong magagawa nun?" Nilingon ko siya at umaasang nag bibiro lang siya dahil Walang oras para mag biro ngayon dahil na nganganig ang buhay namin. Ang Spitito pala namin o kung ano man kami ngayon. Bahala na. "Basta gawin mo na lang ang sinasabi ko!" Pasigaw niyang tugon. Wala akong nagawa kundi ang gawin ang sinasabi niya. Humarap ako sa dereksyon ng mga lamok at tinaas ang aking kanang kamay sa kalangitan at tinawag ang pangalan niya: "Jehnny!" Isang liwanag ang bumalot sa akin at tila bang may mabigat na akong hawak sa aking mga kamay. Binaba ko ang aking kamay para tingnan kung ano ang nasa aking kamay. Nagulat ako dahil may hawak na akong isang gintong espada. Nilingon ko ang buong paligid at napansin kong nawala si Jehnny. " Ang ganda ng espadang 'to, pero saan ito galing? " Muli ko pinag masdan ang espada dahil ubod ito ng ganda. Kumikinang ito tulad ng isang ginto at mukhang natalim din ang talim nito. "Wala nang oras para ma mangha ka pa,papalapit na sila." Nagulat ako ng bigla mula sa talim ng espada ay lumabas ang mukha ni Jehnny. Anong sabi niya? Papalapit ng sino? Nagising naman ako sa katotohanan ng bigla kong maalala na nasa gitna pala kami ng panganib ngayon. Sa isang idlap ay sumugod na ang mga lamok sa aming deresyon. Nasangga ko ang pag atake ng isang lamok sa akin gamit ang espadang gamit ko. Lumayo ang Lamok at saka akmang susugod muli ito sa akin. Agad ko siya hinawa gamit ang espada ,lumabas naman ang dugo nitong kulay berde at bigla itong nawala. Natuwa naman ako dahil mukhang alam ko na ang gagawin ko. Patakbo akong sumugod sa hubok ng mga lamok at isa-isa silang hiniwa ng espada. Isa-isa na din sila nawawala. Ganun lang ang ginawa ko, hiwa dito, hiwa doon hanggang maubos ang buong hubok nila hanggang sa huling lamok na natitira. Hingal akong tumayo at napangiti dahil ligtas na kami. Hindi ako makapaniwala na marunong pala ako gumamit ng espada. Hinabol ko ang aking hininga dahil napagod ako sa aking pakikipag laban sa mga malalaking lamok. Ngayon lang ako nakakita ng ganun kalaking lamok na tila ba'y uubusin na ang lahat ng dugo Mo sa oras na kagatin ka ng mga ito. Biglang lumutang palayo sa akin ang espada at muli itong umilaw at nag anyong si Jehnny. " Binabati kita sa una mong pakikipag laban dito sa mundo namin." Wika niya at muling bumababa ng lupa. " Ano ba talaga ang ginagawa ko dito?" Tanong ko sa kanya at tiningnan siya ng seryoso. Muli niya lang akong nginitaan at masaya akong tiningnan. "Nandito ka dahil ikaw ang hinirang, para iligtas ang mundo namin. " Wika niya at muling ngumiti. "Iligtas ang mundi niyo saan?" Tanong ko sa kanya. Nalungkot naman ang kanyang mukha at napayoko. "Halos isang daang taon sa mundo niya ang nakalipas ay may isang masayang espirito na nag ngangalang Tiatus, ang napadpad sa mundo namin, at nag hasik ng kasamaan." Panimula niya at saka tila may ginawa siyang mahika na dahilan para bumaba ang ulap at maging tila Telebesyon ito. "Bumuo siya ng hukbo upang sakupin ang buong paraiso ngunit hindi sita basta-basta nag tagumpay dahil dumating ang isang binata na kasing edad mo noon." Pinakita naman sa T. V. Ulap ang isang lalaking na parang kasing edad ko lang na nakikipag laban sa nga tila halimaw gamit ang gintong espada. " Tinalo ng binatang yun si Tiatus, ngunit pag papatulog lang sa kanya ang kayang gawin ng binata dahil hindi sapat ang naging kapangyarihan niya para tuluyan itong talunin." Pinakita sa T. V. Kung pano bumalik ang binata sa mundo namin at nag kapamilya. "Nakabalik ang binata sa kanyang mundo ngunit ilang taon lang din ang nakalipas ay kailangan niya muling bumalik sa paraiso at muling kalabanin ang muling nagising na si Taitus. Dahil galing sa pag kakahimbing at isang espirito si Taitus ay hindi ito tumanda. Kabaliktaran naman ang nangyari sa Binata dahil isa siyang mortal ay natural sa tulad niya ang tumanda at ito ang naging dahilan upang mapaslang ni Taitus ang binata ." Para akong nanonood ng penikulang naka fast forward dahil sa bilis ng pangyayari ngunit habang natagal ay napag tatanto ko kung sino ang simasabing binata ni Jehnny. "At makalipas ang ilang taon na pag hihintay ipinanganak ang panibangong hinirang upang talunin si Taitus at ikaw yun mahal kong Christian." Nilingon ko siya sa kanyang mga mata. Mag kahalong lungkot at saya ang nakikita ko sa kanyang mga mata. "Ang sinasabi mo bang binata ay ang aking Lolo?" Tanong ko sa kanya. Tumango ito at ngumiti. "Siya nga ang iyong lolo na sinakripisyo ang kanya buhay para sa kaligtasan namin, ang kaligtasa ng buong paraiso at ang buong mundo niyo."  Na proud naman ako dahil may ganito palang nagawa ang aking lolo. Hindi ko na siya nakita dahil bata pa alang si Mama ay namatay na si Lolo. Kaya naman mag isang pinalaki siya ni Lola sa probinsya namin. "Yun espadang ginto na hawak ni Lolo, ikaw yung hindi ba?" Muli kong tanong sa kanya. Muli siyang tumango at ngumiti ng mapait. "Noong makarating siya dito sa paraiso ay tulad mo din siya. Takot dahil hindi niya alam kung na saang lugar siya ngunit hindi nag tagal ay nakahanao siya nga mga kaibigan niya dito bukod sa akin na makakasama siya sa kanyang pag lalakbay." Kita ko sa mga mata ni Jehnny ang saya habang kinukwento niya si Lolo. Sobrang ganda siguro nang paglalakbay nila noon. " Sobrang  saya ko noon ako ang napili para gabayan at tulungan ang hinirang. Hindi ko akalaing na magiging ganun yun kasaya ngunit nasira ang lahat ng yun ng mamatay siya. Tila nawala ang lahat sa amin sa pag kamatay niya. Wala akong nagawa para pigilan ang pag kamatay niya. Pero nangako ako sa kanya na poprotektahan ko ang bagong itinakda lalo pa't apo pala niya ito. " Nawala ang paramg TV sa harapan ko at ang ulap na bumubuo dito sa tinangay ng isang malakas na hangin. " AT ako si Jehnny Quirtani De Villa, ang anghel ng digmaan. Ang espadang pumuksa sa isang libong tauhan ni Taitus ay ibinibigay ang katapatan sa iyo, Christian Chua ang itanakda ng kataas- katasang hukom upang iligtas ang paraiso." Bigla muli bumalot sa akin ang isang puting liwanag. Bigla namang nawala ng koronang ginto ni Jehnny at nag karoon namam ako ng isang singsing na ginto. Sa pag tingin ko sa gintong singsing ay naging buo na ang pasya ko na ililigtas ko ang buong paraiso sa ksmay ni Taitus at para maipag higante ko ang kamatayam ni Lolo at mawala ang lungkot sa mga mata ni Jehnny.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD