Chapter 33

2052 Words
Panibagong Away . . Christian's Point of View Ilang araw din ang lumapas bago ako tuluyang nakakilos ng maayos. Unti-unti ay sinanay ko muli ang aking katawan sa pakikipag laban, dahil maaari pa rin kaming mapalaban sa pag tungo namin sa Royal City. Isang linggo mula ngayon ay tutungo na kami roon. Ang Royal City ay ang tirahan ng mga Royal Clan na binubuo ng pitong sektor, Ang Scarlet , Marmalade, Golden , Cyan ,Sky , Lilac at ang Lavander. Bawat isa sa clan ay may iba't ibang antas ng kakayahan. Iba't iba rin ang kanilang kultura at paniniwala ngunit iisa sila ng layunin ang protektahan ang Virgin Grimoire at ngayong hawak na nila ito ay hindi na nila ito papakawalan pa kaya dapat hindi nila malaman ang pakay naming kunin si Jessy sa kanila. Sinubukan naming tingnan ang kalagayan ni Jessy sa loob ng simbahan ngunit hindi pa rin ito maabot ng kapangyarihan nila Jehnnt at Roldan na may kakayahang makakita sa malayo gamit ang kanilang mga kapangyarihan. "Hindi natin alam kung ano ang ginagawa nila kay Jessy dahil ito maabot ng kapangyarihan nila Roldan at Jehnny pero dapat maging handa tayo sa kahit anong pwedeng mangyari sa kanya." Panimula ni Keina sa amin. Nakahanay kami sa isa pang haden nila Keina na parang sundalo at si Keina ang Commander namin na nag bibigay ng utos sa amin. Tunay ngang kastilo ang mansion nila Keina dahil meron pala itong tatlong harden. Ang isa ay harden ng mga iba't-ibang bulalak kung saan pwede ka mag relax. Ang kinatatayuan naman namin ay isang open ground na puro damo at pwede dito makapag sanay na malaya at walang natatamaan. Yung ikatlo naman ay literal na gubat na halos kasing laki ng mismong mansion nila kaya maari kang maligaw kung hindi mo kabisado ito. Sabi ni Kiana ay pwede doon sanayin ang instict dahil marami doong mababangis na hayop na ninirahan na alaga raw nila. Napakamot na lamang ako ng ulo noong inalok ako ni Kiana na tumungo roon dahil ayokong pumunta dahil sa hindi magamdang karanasan ako sa mga gubat kaya naman napilitan si Kiana na wag nang tumuloy roon. Pag katapos ipaliwanag ni Keina ang dapat naming gawin ay nag pasya na kaming mag sanay sa pakikipag laban.  Hindi na kami mahihirapan sa pag sasanay dahil may mga trainer na tutulong sa amin. Isa sila sa mga nag sisilbi sa pamilya ng dati niyang asawa. Pag katapos ipaliwanag ni Keina kung sino kami at kung ano ang misyon namin ay agad sila pumayad na tulungan kami sa pag sasanay namin. Isa rin sila sa mga sinasabi ni Keina na mabubuting demonyo tulad niya kaya naman wala kaming aalalahinin. Bago kami mag paturo sa kanila ay ginamit ko ang Angel's lense para tingnan ang antas ng kanilang kakayahan at ayun dito ay tunay silang malalakas dahil isa sila sa mga demonyong na nag mamay-ari ng dyamanteng bato sa kanilang noo.  May kakaiba rin silang kakayahan sa pakikipag laban sabi nila Keina kaya naman masasanay nila kami ng maayos. Siguro nga't hindi sapat ang isang linggo kumpara sa mga myembrk ng Royal clan na buong buhay na nilang nag sasanay ngunit nais ko pa rin silang labanan. Alam kong hindi sila papayag na labanan ko ang Royal clan dahil sa estado ko ngayon pero gusto ko pa ding subukan dahil kung hindi ko sila matatalo hindi ko rin matatalo kahit na ang Demon King kaya gusto ki mag palakas hangga't maaari. "Mahal kong Christ, alam ko ang iniisip mo, at hindi na ako tututul dito dahil alam ko na ito lang din ang paraan upang lumakas ka at maligtas ang dalawang mundo." Wika ni Jehnny sa aking isipan ,napanatag ang aking kalooban dahil sa kanyang sinabi at nag karoon ng lakas ng loob upang ipag patuloy ang aking nasimulan. Huminga muna ako ng malalim at saka tiningnan ang aking mga kasama na nag sasanay. Tanging apat lang kaming nag sasanay dahil si Kiana ay hindi marunong makipag laban at si Jehnny naman ay ang aking armas. Dahil nga ilang araw lang din akong nakaratay ay hindi ako basta-basta makakapag sanay ng mga mahihirap dahil maaari muli akong mararay at hindi na makabangon pa. Kaya naman kaylangan kong mag dahan-dahan sa pag gamit ng aking mana habang binibigay ang aking makakaya. "Handa ka na bang mag sanay mahal na itinakda?" Wika ni Lancelot ang demonyong nag sasanay sa akin. Tama siya para sa aking pag sasanay dahil tulad ko ay gumagamit din siya ng espada. Siya rin ang doktor na nag aalaga sa akin noong naratay ako kaya naman kampante ako na hindi nita hahayaang maratay muli ako. "Masyado naman pong pormal ang mahal na itinakda , Christ na lang po." Sagot ko at tinawag ang pangalan ni Jehnny upang maging espada ito. Bahagyang humalakhak si Lancelot at saka winasiwas ang kanyang espada. "Pasensya ka na dahil isa akong marangal na tayo dapat din akong mag bigay galang sa mas mataass sa akin tulad mo," Wika nito habang tinitingnan ang talim ng kanyang espada. "At walang mag papabago ng aking paniniwala." Dadag pa niya. Nahihiya lang akong ngumiti at magala na tumango sa kanya. "Kayo pong bahala kung gayon." Nahihiyang kong wika sa saka muli siya nginitian. Muli lang siyang tumango-tango at nag buntong hininga. "Meron lang tayong isang linggo para sanayin ka pero ayokong madaliin ka," Wika ni Lancelot at binalik ang kanyang espada sa kanyang lagayan. Nag taka naman ako dahil sa kanyang sinabi. "Nakikita ko na hindi pa rin maayos ang daloy ng mana sa iyong katawan kahit na nasayo si Jehnny upang kontrolin ito." Dugting niya. Sumenyas siya na lumabas muna si Jehnny sa crest at bumalik sa kanyang tunay na anyo na agad naman niya sinunod at lumapag sa aking tabi. " Ano ang ibig niyo sabihin dun?" Nagtatakang tanong ni Jehnny kay Lancelot. Lumingon si Lancelot kay Jehnny at ngumiti. "Dahil may pag dududa sa iyo si Christ ay hindi kayo nagiging isa," Kaswal na wika ni Lancelot na aking kinagulat. Paano niya yung nalaman? Wala akong kahit sinong pinag sasabihan ng mga bagay na pinag dududahan ko.   Napalingon ako kay Jehnny na kasalukuyang nakatingin sa aking at hindi makapaniwala. "Dapat iisa lang ang inyong puso at isipan sa tuwing kayo ay makikipag laban, hindi niyo magagawang mailabas ang natatago niyong kapangyarihan kung may oag dududa kayo sa isa't-isa." Wika ni Lancelot at tumalikod sa amin. Hindi ko mapigilang mapaiwas ng tingin kay Jehnny at mapayuko. Nahihiya ako sa kanya kaya naman hindi ko alam ang sasabihin. Oo nga't may pagdududa na ako sa kanya simula't sapul pero hindi ko alam na pwede ito maka apekto sa kapangyarihan namin. "Matuto muna kayong mag tiwala sa isa't-isa bago niyo ako muling harapin, huwag lang kayong mag tatagal dahil wala tayong gaanong oras." Nakita ko ang paglalakad palayo sa amin ni Lancelot habang ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang likuran. Napalunok na lamang ako ng aking laway at napakuyom ng aking kamao. Dapat ko na agad kausapin si Jehnny para maayos na ang lahat at makapag sanay na kami. Nag buntong hininga ako at hinanda ang aking sarili upang harapin siya. "Jeh---" Hindi pa man ako natatapos mag salita ay agad kong naramdaman ang pag hapdi ng aking pisngi dahil sa aking pag harap kay Jehnny ay isang malakas na sampal ang aking natanggap. Sa sobrang lakas ng pag kakasampal niya sa akin ay lumikha ito ng malakas na tunig na nag patigil sa pag sasanay ng mga kasamahan namin. Nilngon ko siya habang hawak ang aking pisngi. Nakaramdam ako ng inis at galit dahil sa pag kakasampal niya sa akin. Tiningnan niya lang gamit ang kanyang malalamig na asul na mata na tila yelo sa lamig nito.  Ngunit hindi ako nag patinag sa kanyan at tiningnan ko rin siya ng malamig at pinaramdam ang galit ko sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga at saka ako tinalikuran nag simula siya tumakbok palayo sa akin at bumalik sa loob ng mansyon. Hindi ko alam ang nasa isip niya at kung bakit siya pa ang galit sa nangyari hindi ba't ako ang dapat magalit sa kanya dahil lahat naman ng pag dududa ko ay siya ang dahilan? Minsan talaga hindi ko siya maintindihan. Napaka hirap umintindi ng babae akala nila lagi silang tama kahit maling-mali na sila. Napailing na lang ako at napaupo sa damuhan habang hawak pa rin ang aking nananakit na pisngi. Siya na nga ang nanakit, siya pa rin ang galit, ni hindi man nga lang niya ako pinag salita bago sampalin. Hindi ko alam kung ano ang dapat niya ikagalit dun. Dapat nga akong yung magalit sa kanya. Hinimas-himas ko ang aking pisngi upang humupa ang sakit. Sobrang sakit talaga nito dahil sa lakas ng pagkakasampal sa akin ni Jehnny. Para ramdam ko pa rin ang palad niya lumapat sa aking pisngi dahil sa sakit. "Okay ka lang ba Lot?" Agad na tanong sa akin ni Roldan nang makalapit siya sa akin. Umupo siya sa harapan ko at hinawi ang aking kamay na nakalagay sa akin pisngi. "Hindi Lot." Inis na sagot ko sa kanya hindi ko intensyon na mainis sa tanong niya pero sadyang hindi ko talaga mabigilang hindi mainis dahil sobrang sakit talaga ng pisngi ko ngayon. "Ano ba kasing nangyari sa inyo ay sinampal ka ni Jehnny?" Tanong ni Keina sa akin at yumuko sa aking harapan para tingnan ang aking pisngi. Lumapit na rin ang ipa pa naming mga kasama pati na rin ang mga nag tuturo sa kanila. "Hindi ko alam sa kanya." Pinili kong wag sabihin sa kanila ang tunay na dahilan dahil ayokong madamay sila sa problema namin na ito. Hindi na muli sila nag tanong at pinili na lang manahimik. Nag wika ang kanilang mga guro na mag pahinga muna sandali upang damayan ako. Kumuha sila ng ice pack para ilapat sa akong pisngi at mawala ang sakit. Napabuntong hininga na lang ako at nilasap ang hangi dito sa harden habang nilalapat ang Ice pack sa aking pisngi. Hindi ko na ramdam ang pamamanhid ng aking mukha dahil sa sampal ni Jehnny. Napaisip na lang ako ng malalim. Nawalan na rin ang inis na raramdaman ko kay Jehnny ,siguro ay nagulat lang siya sa sinabi ni Lancelot kaya naman bigla niya ako nasampal pero sana pinag salita man lang niya ako o pinag paliwanag. Napanguso na lang ako at pinag patuloy ang pag lalapat ng yelo sa aking pisngi. "Kain muna kayo." Masiglang wika ni Kiana habang nag lalakad kasama ang isang katulong na may tulak-tulak na cart na may maraming pagkain na nakalagay. Malayo pa lang ay amoy mo na ang masasarap na pagkain na na dala nila. Para akong inaakit nito dahil sa amoy. Amoy pa lang ay masarap na. Inayos ng isa pang katulong ang picnic blanket, upang may maupuan kami sa lapad. Isa-isa inihain ng mga katulong ang mga iba't-ibang pagkain sa mag picnic blanket, para rin pagkain sa mundo namin ang mga ito dahil merong lechong baboy, may fruit salad, may kanin, may mga putahing galing dito sa mundo nila na mukhang galing sa mundo namin dahil sa itsura nito. Agad kaming umupo sa picnic blanket at sinimulan ang pagkain. Siguro nga't hindi pa ako masyadong nag sasanay pero napagod ako sa nangyari kanina kaya naman gusto ko muna ikain ang lahat ng problema. "Bakit nga pala mag isang kumakain si Ate Jehnny sa kusina ngayon?" Tanong ni Kiana sa amin, napatigil ako sa akong pag kain sandali at nag kibit balikat na lamang at nag patuloy sa pag kain. Alam kong tinitingnan nila ako ngayon pero wala akong pakialam dahil wala pa akong magagawa sa nararamdaman ni Jehnny sa ngayon. Hahanap na lang ako ng paraan para mapaintindi sa kanya ang tunay na nararamdaman ko sa kanya. Oo mahal ko siya pero hangga't may nararamdaman akong meron siyang tinatago sa akin ay hindi mawawala ang pag dududa ko kanya. Muli akong napatigil sa aking pag kain ng may isang kamay ang humawak sa aking balikat. Nilingon ko ang may ari ng kamay at nag tatakang tiningnan. "Dapat mag usap na kayo at hindi patagalin ang away niyo, kung ano man yun." Mahinahong wika ni Roldan sa aking napangiti na lang ako ng pilit dahil hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Jehnny.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD