Ang Unang araw sa Klase part 1 . Christian's Point of View " Teka Dale, malalaman mo din ba sa sapa ng kahapon, kung paano ako napunta rito?" Sandali siyang napaisip bago sumagot sa akin. Tumingala siya upang mag-isip habang tila kinakamot ang kanyang baba. Nilingon niya ako at umiling. "Sa tingin ko ay hindi, dahil ang tanging sinasabi lang sa sapa ay ang mga nakaraan mo noong nabubuhay ka pa at kung paano ka naman." Tugon sa akin ni Dale, tumango-tango naman ako at humarap na patungo sa pintuan ng aking kwarto. "Bakit? May gusto ka pa bang malaman." Napatigil ako sa aking pag lalakad at umiling. "Wala naman may gusto lang akong siguraduhin." Tugon ko sa kanya at muling nag simulang mag lakad papunta sa akin kwarto. "Huh? Ano yung gusto mong siguraduhin?" Muling tanong niya sa akin

