Chapter 49 ENRICO Nagulat ako sa pagsugod ni Daddy sa mansion at pinagbibintangan ako sa mga bagay na hindi ko ginawa. Walang sabi-sabi na sinugod ko si Emerald sa mansion ng aking ama at kaniyang kabit. Iniwan ko pansamantala si Ruby Rose sa mansion. Hindi ko na muna pinapansin ang mga pinagsasabi niya. Hinayaan ko lang muna siya isipin kung ano ang iisipin niya. Balak ko sa aking pag-uwi mag-usap na lang kami ng masinsinan. Pagdating ko sa mansion ni Daddy agad akong pumasok sa loob. Naroon si Margaret at nagtataka sa pagsugod ko. Ngayon lang ulit ako umapak sa loob ng bahay na ito pagkatapos mamatay ni Mommy. “Nasaan ang napakasinungaling mong pamangkin, ha?’’ galit kong tanong kay Margaret. “At ano na naman ang gagawin mo sa kaniya, ha? Hindi ka pa ba kuntinto sa katulong mo at pa

