Chapter 22 RUBY ROSE Habang nasa kotse kami ni Sir, hindi rin siya nakatiis at binasag niya na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Wala ka bang pasok at may panahon ka pang makipaglandian sa iba?’’ seryoso siya sa tanong niyang iyon sa akin na may halong pagbabanta. Sinalubong ko ang masakit na tingin niya sa akin. “Malandi ba ang tingin mo sa akin, Sir? Ang alam ko kasi na malandi kahit sino na lang ang hinahalikan at kung sino lang ang pinapatulan,’’ naiinis kong sagot sa kaniya. “’Yong tawa mo kanina habang kaharap ang lalaking iyon hindi ba malandi ang tawag roon? Sino ang lalaking iyon? Ano, nakiambag na rin siya sa katawan mo?’’ salubong ang kilay niyang tanong sa akin. Napakunot ako ng noo sa tanong niyang iyon sa akin. Hindi ko alam kung anong klaseng utak ang mayroon

