Chapter 45 RUBY ROSE Iniwan ako ng walang hiyang Herodes sa Isla na pinagdalhan niya sa akin noon. Buong araw ako nakahiga pagkatapos kong kuskusan ng mabuti ang aking katawan. Pakiramdam ko sa sarili ko napakarumi kong babae. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ni Sir Herodes sa akin. Napakakitid ng isip niya at ayaw niya paniwalaan ang sinabi ko. May nabuo ng plano sa isip ko bahala na kung ano man ang kahinanatnan ng lahat ng ito. Galit ako sa kaniya dahil sa ginawa niya kay Joseph. Mas pinaniwalaan niya pa ang ex-girlfriend niyang iyon kaysa akin. Ilang saglit pa narinig ko ang ugong ng yate niya. Sumilip ako sa bintana at nakita ko na bumaba si Miguel. Tanaw ko mula sa kinaroroonan ko si Herodes kasama ang isang lalake. Nakatalikod ito, kaya hindi ko alam kung sino. Hindi ako l

