Chapter 15 RUBY ROSE Nalungkot ako sa mga bulaklak na pinitas ni Sir. Sarap din pitasin ng tainga niya. Kung hindi lang talaga ako takot na palayasin niya baka kung ano na naman ang masabi ko sa kaniya. Subalit kailangan ko maging mabait at tanggapin ang magandang opportunity na inalok niya sa akin. Pumasok ako sa loob ng mansion pagkatapos na lumabas ni Sir sa gate. Umakyat ako sa itaas upang maglinis ng bintana na iniutos niyang linisan ko kanina. Bago ako naglinis ng bintana nagwalis muna ako sa sala sa itaas. Habang nagwawalis ako may nakita akong papel na yukot-yukot. Kinuha ko iyon at tiningnan, sulat iyon para kay Sir. ‘Rico, pasensya ka na kung sa sulat ko na lang dinaan ang sasabihin ko. Hindi na kasi kita nakakausap dahil noong pumunta ka rito galit ka at nag-away kayo ni M

