Chapter 18 ENRICO Kasalukuyan ako sa aking library upang tapusin ang ibang mga document na kailangan kong tapusin. Napagalitan ko si Ruby Rose kanina dahil iniba niya ang kulay na nakakabit sa bintana ng mansion. Ayaw kong binabago ang gusto kong kulay. Nakaramdam din ako ng pagkainis sa kaniya nang madaanan ko siya na may ibang kasama kanina. Hindi ko maiintindihan ang nararamdaman kong ito. Palagi na akong umuuwi sa mansion dahil gusto ko makita si Ruby Rose. Abnormal yata itong nararamdaman ko. Basta kapag nakita ko siya may kung anong bahagi sa aking puso na nararamdamang saya. Ngayon ko lang nararamdaman ito sa buong buhay ko. Ayaw ko sa pakiramdam kong ito, kaya minsan nagkukulong na lang ako rito sa library o sa aking silid at baka sakali na mawala ang nararamdaman kong ito para s

