Chapter 56 Ruby Rose. Akala ko umalis na si Papa papuntang San Pablo, ngunit ilang minuto lang bumalik din siya sa aking silid. “Oh, Pa. May nakalimutan ka ba?’’ tanong ko sa aking ama. Kukuha sana siya ng caviar sa San Pablo. “Wala, Anak. Ang Tatay ng mga apo ko ang nagpabalik sa akin. Siya na raw ang bahala sa caviar,’’ alanganing sabi ni Papa. Natatakot siguro siya na baka magalit ako. Umismid lang ako at napairap sa sinabing iyon ni Papa. “Nasaan ang Herodes na iyon, Pa? Naiinis ako makita ang tarantadong iyon. Kung may nangyari lang talagang masama sa mga anak ko, isusumpa ko talaga siya. Napakagago niya,’’ naiinis kong reklamo sa aking ama. “Eh, Anak. Kasalanan ko rin naman kung bakit nagagalit si Herodes, este si Enrico sa akin. Nadamay ka lang sa kagagawan ko,’’ saad ni Papa

