CHAPTER 17

1614 Words
"AAARGH!" Automatikong napadilat ang mga mata ko nang marinig ko ang malakas na ungol na iyon. Bumangon ako dahil iba ang kutob ko. Nilibot ko ang kwarto at hindi namalayan na dito ako nakatulog sa vintage room. Dahil nilibot namin kahapon itong bahay niya at napag isipan kong dito na muna ako. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Paglabas ay nahagip ng mga mata ko ang lalaking nasa gitna ng hallway, hawak ang ulo. "L-liam!" Kumaripas ako sa kaniya. "Liam! A-anong---" hinawakan ko ang braso niya para tulungang tumayo. "s**t!" Mura ko, hindi ko kaya. Napa-kagat ako sa ibabang labi nang makitang nasasaktan siya. "PLEASE! WHAT HAPPENED? ANONG GAGAWIN KO?" I shout at him and caressing his head gently. Pero hindi pa 'din tumitigil ang pagtigagal niya. Pumorma ang mga panga niya at namumutla ang kamao. Ilang segundo ay nagulat ako at napa-atras sa ginagawa niya. "S-stop liam." Naluluhang sambit ko. "Stop." Lumapit ako at pinigilan ang mga kamao niyang tumatama sa ulo niya. Wala akong maisip na ibang paraan, sinasabi ng katawan ko na lapitan siya at pigilan siya. Ayaw ng mga mata ko ang nakikita nito, masakit. Nasasaktan ang puso ko sa bawat pananakit na binabahid nito sa kaniyang sarili. Pilit na iniinda ang mga kamao niya na dumadampi sa akin. Yinapos ko siya ng mahigpit at may lambing. Nasa dibdib ko ang mukha niya at pareho kaming naka salampak na sa sahig. "Does it still hurt?" Ang tanga ko, kahit alam kong Oo. Ngunit gusto kong malaman sa bawat segundo ang nararamdaman niya. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa ulo niya at pinatong ko ang ulo ko sa ulo niya para proteksiyonan. Natamaan niya ang noo ko pero ipinag sawalang bahala ko ito. Sobrang delikado ng ginagawa niya. "Liam stop, PLEASE." Unti unting humihina ang pag suntok ng kamao niya hanggang sa manghina ang mga ito. Kalaunan ay pumatak ang isang luha sa aking kaliwang mata. "Masakit pa 'rin ba?" Tanong ko pero wala itong imik. Dahan dahang humiwalay ako at nakita kong basang basa ang mukha niya dahil sa pag iyak. Maingat kong hinawakan ang pisngi niya at pinaharap sa akin. Nanlumo ako sa itsura niya, ito na naman yung pakiramdam ng puso ko na para bang pinupunit. Hinuhuli ko ang tingin niya hanggang sa magtama ang mga titig namin. "Tell me, what's wrong?" Dahil sobrang nag aalala ako. Mukha siyang miserable at parang ba-baliw...kanina. Huminga siya ng sobrang lalim. "It hurts here," turo niya sa templo niya "and here," turo naman niya sa tuktok ng ulo niya, "and in here." turo niya sa kaliwang dibdib niya. At walang pagdadalawang isip ay yinapos ko ulit siya. Baka sakaling gumaan ang nararamdaman niya. I kissed his head. "Tara na, magpahinga ka muna. I'll take you to your room." Sabi ko. "Vintage room." "What?" "Take me there, please." "O-okay." Sagot ko. Itinayo ko siya at buong pwersa niya ay itinayo niya din ang sarili niya, dahil hindi ko kaya dahil sa paa kong may injured pa. Pagkatayo ay nalaglag mula sa kaniya ang isang bote. Parang bote ng gamot. Pupulutin na niya sana iyon nang pigilan ko siya. "Babalikan ko 'yan mamaya." "Yeah." Sagot niya. At inakyat namin ang vintage room. Dinala ko siya sa kwarto dahil doon niya gustong magpahinga. Todo ang pag-iingat ko sa paglapag sa kaniya, baka may matamaan ako sa parte ng katawan niya, kahit hindi ko naman alam ay ganoon ako kaalisto na baka mag sanhi sa kaniya ng pananakit. "Just take a rest." Sabi ko at sinuklay ang buhok niya. "Don't go anywhere." Ma awtoridad na bilin niya. Napa ngiti ako. Kahit ganito na ang nararamdaman niya ay iniisip niya pa 'rin kung tatakas ako o hindi. Umiling ako. "Nandito lang ako. Hindi ako tatakas." Nginitian ko siya. "Hold my hand." Kumunot ako bago ibigay ang kamay ko, sa pagkakataon lang na ito ay pagbibigyan ko siya dahil...naaawa lang ako para sa kaniya. Hinimas himas niya ito at hinalikan habang naka-pikit pa 'din ang mga mata niya. Wala akong imik sa ginagawa niya. "Can you add one pillow, please?" Alas tres na ng hapon at hindi niya pa 'din mabitaw bitawan ang kamay ko. Basa na nga ito sa kakahawak niya. Sa tuwing magluluto naman ay kailangan ay kasama siya, hindi ko alam kung nag iinarte ba ito o ano at sumasakit ang ulo ko dahil ang dami niyang utos sa akin. "Thank You." Matapos kong gawin ang utos niya ay tahimik na nakapikit ito. Ewan ko kung tulog na siya. Gusto ko sanang magluto ng meryenda para sa kani-- sa akin, dahil gutom ako. Bumuntong hininga ako, hindi ba 'to nangangalay kakahawak ng kamay ko? Lumipas ang minuto ay lumuwag ang pagkakahawak niya. "Finally." Mahinang sambit ko, tumayo na ako at gusto ko na talagang magluto, gigisingin ko na lang siya mamaya o hintayin ko na lang kaya siyang magising? Kawawa naman. Bago ako lumabas ay bumalik ako sa kaniya para halikan ang noo niya pero napatigil ako nang ma-realize ang ginawa ko. "Gianne? Seriously?" Sabi ko sa sarili at ngumiwi. Bumaba ako at lumabas ng vintage room. Hawak ang kaliwang kamay na basang basa. Loko ang lalaking 'yon, pasmado. ~O~ Pagkatapos kong magluto ng pancake ay hinanda ko na ang para kay liam. Huwag lang siyang mag inarte dahil ito lang ang laman ng ref. niya. Hinugasan ko na ang mga ginamit at tinanggal ang apron, umupo muna ako at magpapahinga lang sandali, bawal mag pahinga? Sinalinan ko ng fruit juice ang baso at nilagok lahat ito. Pagka lapag ng baso ay nahagip ko ang bote na nasa ibabaw ng ref. Iyon ang boteng nahulog ni liam kanina at siya ang nagpulot dahil nga sumama siya sa akin at ayaw mapahiwalay, ang sabi ko ay mamaya ko kukunin. Pero dahil tapos na ako ay kinuha ko ito. May laman pa ito at gamot nga, binuksan ko naman at inamoy. Sabi ko nga ay amoy gamot, pero ang weird. Walang pangalan o anumang nakapulupot na sulat dito. Para saan naman kaya 'to? Hindi kaya sa tuwing sumasakit ang ulo niya? Bakit naman sasakit? "Stress kaya siya?" Tinitigan ko pa ang bote, hindi eh. "Bahala na nga." Binuhat ko na ang tray at hawak ko ang gamot. Itatanong ko na lang sa kaniya. Kahit wala akong karapatan ay gusto ko lang naman magtanong. Pagkatapos kong umakyat ay umakyat pa ulit ako, sa nag plano ng bahay na ito ay pinapagod lang niya ang tao. Anong silbi ng hagdan at pag akyat mo ay may hagdan na naman sa mga piling kwarto na ito. Pagbukas ko ng kwarto ay mahimbing pa 'rin siyang natutulog. Inilapag ko muna ang tray at hindi ko namalayan ay lumabas ako ng vintage room. Dinala ako ng mga paa ko sa naka awang na pinto. Bukas kasi ito at isasarado ko lang naman. Ito ang kwarto na pinuntahan ko kahapon. Pagsara ko ay pabalik na ako ng vintage room ulit nang pigilan ko ang sarili. Gusto ko ulit pasukin ang kwartong iyon. Hindi dahil gusto ko lang kundi iyon ang kwartong nagpapakalma sa akin, bukod sa vintage room. Iyon lang 'din ang nakita kong may bintana at may magandang tanawin. Wala namang masama kung pupuntahan ko lang sandali iyon. Nilingon ko muna ang pinto ng vintage room bago pumasok. Masayang binuksan ko ang kwarto at tumakbo sa bintana, binuksan ko ito at para akong batang ngayon lang nakakita ng amusement park. Sa pag iisip ko ay biglang lumamla ang pakiramdam ko, naalala ko ang anak ko. Hindi din naman ako magtatagal dito, nais ko lang talagang makita ang napaka-gandang tanawin, ang hindi perpektong kalangitan at ang sinag ng araw at sa di kalayuan ay ang bukid at mga taong naga-araro doon. Para akong bumabalik sa panahon namin. "It's just good to be in here." Huminga ako ng malalim at lalabas na ng kwarto. Ayaw ko pang umalis ngunit naalala ko si liam. Pagsara ko ay napako naman ako sa kinatatayuan nang mapansin ang katapat na pinto. Umiling ako at bumaba ng hagdan, ngunit isang kalabog ang narinig ko! Sinundan ko ito, hindi sa labas kundi dito 'rin mismo! Bumalik ako pa-akyat. Tinignan ko ang hallway at walang ibang gamit, as in wala. Chineck ko ang kwarto kanina at nakita ang bukas na bintana. I sigh, "Akala ko kung ano na!" Malakas ang hangin at nahulog ang isang wooden cup. Inayos ko ito at lalabas na din. "AAAAH!" Sigaw ko. Humawak ako sa dibdib at dinantay ang kanang kamay sa kama. Tinignan ko siya habol ang hininga ko. "I woke up and no gianne is with me." Tiim bagang sabi niya, alam ko ang pinupunto niya. Hindi ko naman alam na magigising agad siya. "I thought you escaped." Malamlam na sambit at nanlumo ang mata niya. "So-sorry, akala ko mamaya ka pa magigising so I de-decide to come here. Para d-dito." Tinuro ko ang bintana at yumuko. "Pwede mo naman akong gisingin." Napa-angat ako, "H-hindi ko na ginawa," nakita ko ang kunot sa kaniyang noo, "I want you to rest, ka-kaya hindi na muna kita ginising." Nakita niya naman na nagsasabi ako ng totoo ay nawala ang kunot niya. Lumabas na kami at nasa likod niya lang ako, bumalik kami sa vintage room at bigla niya akong hinarap. "Cook a pancake for me." Sabi niya na ipinagtaka ko, nagkamot siya ng batok at kumunot ako sa inasta niya. Nahihiya ba siya? "Gumawa na ako kanina," sabi ko at binuksan ang kwarto, "Hindi mo ba nakita sa side table ko nilag---" napatigil ako nang makita ang kalat kalat na tray! Hindi makapaniwalang pinasadahan ko siya ng tingin bago pumasok ng kwarto! Tinignan ko na naman siya at tinignan ko ang durog durog na pancake, naiiyak ako! "Anong ginawa mo!?" Naluluhang pinuntahan ko ang tray at nakita din ang basag na baso na naglalaman ng fruit juice! Nawala lahat ang effort ko! "So-sorry. I th-thought---" tinignan ko siya ng masama. Hindi siya maka-tingin ng diretso sa akin at nagkakamot ng batok. Sayang ang pinaghirapan ko, akala ba niya para sa kaniya lang lahat ng niluto at ginawa ko!? Gutom 'din ako at at at--- "Ito na lang ang meron sa ref. anong lulutuin ko!?" Naluluhang binalingan ko siya. Bakit ako ganito? Dahil gutom ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD