"Sigurado ka diyan?"
"Pangit ba?"
Ngumiwi ang dalagang si Gianne.
Hindi na pinansin ng binatang si liam ang iritang naka-upong dalaga at napa-ngiti na lamang ito.
Hinablot ng dalaga ang magazine at inis na binuklat ang pahina tsaka prenteng umupo.
"How about this one?" at inangat ang iba't ibang klase ng neck tie.
Kabado ang kamay niya na ikina-tawa ng saleslady sa tabi niya. Napa-irap ang dalaga.
"Leave us for a while." malamig na utos niya sa saleslady.
"Come on! what do you think looks better?" pilit niya at tinignan ang replika sa salamin.
"Lahat." sagot ng dalaga at tumikhim.
"Tch!" inis na bulalas ni liam at patuloy sa pagpili ng susuotin niya para sa piyesta.
Hindi maiwasan ni gianne ang mapa-ngiti sa binatang kaharap niya. Bakit ba kasi siya ang isinama nito para bumili ng susuotin para sa piyesta, isip niya. Naiinis siya dahil sa lalaking wala kanina pang walang napipiling masusuot at mas lalo siyang naiinis dahil halos lahat ng damit ay bagay sa binata. Gaganapin ang magarbong Grand opening ng piyesta mamayang gabi halos lahat ng tao ay naghahanda para dito. Siya lang ata ang hindi excited.
"If only I can bring geanna."
Napatigil sa paglipat ng pahina ang dalaga. Padabog na inilapag niya ang magazine sa gilid at tumayo. Pinag-krus niya ang mga kamay at itinaas ang kanang kilay at lumapit sa binata.
Inayos nito ang kuwelyo at hinablot sa kamay ang kulay pulang neck tie. Isinuot niya ito sa binata at muling nagsalita.
"IF only she can walk." Matabang na sambit niya.
Kumunot ang binata. Napansin niyang iba ang awra ng dalaga.
"Ofcourse she can...soon--aww!" hinawakan niya ang leeg.
Pinagpagan ng dalaga ang balikat nito.
"Perfect!"
Inis na tinapunan ng tingin ng binata ito tsaka tinignan ang sarili sa salamin. "Not bad." at tumango-tango, medyo niluwagan niya ang neck tie.
"Psh!" umirap uli ang dalaga at tumalikod.
Hingal na hingal ang binata kakahabol kay gianne na kumakain ng Ice cream. Nasa parking lot na sila at naisipang umuwi na dahil wala namang magandang nangyayari sa kanila kapag magtatagal pa sila, puro sila bangayan sa loob ng mall kanina.
"Why are you being like that?"
"What?"
"Are you mad at me?" tanong ni liam at hindi ito pinansin ng dalaga hanggang sa makasakay sila.
Pasulyap sulyap si liam kay gianne na nagcecellphone. Tahimik pa 'din ito.
"What did I do?" Muling tanong ni liam, umiling ang dalaga.
Hindi niya napigilan ang malamig na asta ni gianne sa kaniya. Tinabi niya ang sasakyan sa gilid ng highway at hinarap niya ito.
"You're mad." Kinuha niya ang palad nito at pinaharap sa kaniya. "You are not even telling me what did I do."
Binitawan ni gianne ang kamay na nakahawak sa kaniya. "Wala nga! Naiinip lang ako, ang tagal mo kasi! Akala mo ikaw lang ang naghahanda para sa piyesta?" At inirapan ito. Hindi naman talaga iyon ang rason niya.
Napahagikgik ang binata at umiling, "Even you're mad, still cute." At nanggigigil na pinisil ang pisngi ni gianne.
Hindi nahinto ang asaran at tawanan nila habang tinatahak ang daan. Sa kabilang dako naman ay isang sasakyan ang napatigil.
Bumaba ang isang binata at sinipa ng mahina ang gulong sa harap.
"Anong nangyari?" Tanong ng isang dalaga.
"Na-flat ang gulong," at frustrated na naghilamos ng mukha.
"Stay here, geanna. I'll call some help." Tumango naman ang dalaga ngunit bumalik ulit ang binata sa kaniya.
"May problema ba, Adam?" Tanong ni geanna kay adam.
"Yes, I can't just leave you here." Mahinang sagot niya pero narinig naman ng dalaga.
Automatikong namula ang magkabilang pisngi ni geanna.
"Kung tawagan mo na lang kaya sila liam?" Suggest niya. Umiling si adam at nagpameywang tsaka sumandal sa bintana kung nasaan siya
"They're busy."
"Maghintay na lang tayo ng dadaan." Sabi ng dalaga.
"Yeah, we have no choice." At nginitian ang dalaga.
Makikita mo sa kanilang mga mata ang ning ning sa bawat titigan nila, ang kanilang mga palitan ng ngiti ay tila ba 'compatible' sila para sa isa't isa. Parang walang makaka-gitna sa pagitan nila.
*********
"Tinitignan-- I mean nakita ko-- sorry." Bumaba ang tingin niya.
Hindi niya alam kung anong isasagot.
Nakita naman ni liam ang galak sa mga mata nito kanina na nagpatalon sa dibdib niya sa saya.
"I brought you foods." Malamig na sambit nito at isinarado ang pinto.
Iniwan siya nito doon at magaan ito sa kaniya dahil akala niya ay gagawa ito ng masama.
Muli niyang tinitigan ang bukid at sa 'di kalayuan ay ang nagtataasang puno, gusto niyang pumunta doon.
Bigla siyang napahinto at naalala ang probinsiya nila
Ngumiti siya at yumuko tsaka muling sinulyapan ang tanawin at naglakad papunta sa pinto. Binuksan niya ito at tumambad ang lalaking naka-topless hawak ang tray na may paborito nilang kainin.
Umiwas siya ng tingin doon at lumunok.
"Sorry that I enter here without your permission."
"Happy to see those eyes...earlier."
Nalito si gianne sa sinabi niya.
"It's okay, as I always seeing those mesmerizing expressions." Naglakad ito papasok at tinagilid ang ulo, "Let's eat here."
Tahimik silang kumakain sa lapag, malinis at walang bahid ng alikabok.
Gusto niya 'ding tanungin kung bakit niya ginagawa ito. Kung bakit bigla bigla na lang siyang nagbabago, kung minsan ay parang tigre o mas malala, demonyo, tapos aakto na parang walang nangyari sa mga nakalioas na oras. Gulong gulong siya.
"A-ang dami naman atang kwarto dito." Panimula niya. Napatigil si liam sa pag-nguya.
"I don't know."
"Huh?"
"This is not mine."
Kumunot ang noo niya,
"Don't ask, you will not like it."
Tumikom na lang siya ng bibig at pinagpatuloy ang pagkain.
Plano niyang kunin ang loob nito, kahit para itong bulkan ay handa niyang suongin ang kaharap.
Huwag lang siyang magpapaloko.
"This is good." Tukoy niya sa hopia.
"But this is more good when I eat it ouside." At ngumiti ng maliit tsaka tumayo at akmang lalabas.
Hindi pa lang siya nakakalabas ay narinig niya ang isang malakas na hampas. Nilingon niya ito at pinakatitigan ang nag nagtitiim bagang si liam.
"Don't turn out on me." Malamig na saad ni liam.
Huminga siya ng malalim, kasasabi niya lang sa sarili na kakayanin niyang harapin ito.
"Edi samahan mo 'ko." At umiwas ng tingin, kinakabahan siya sa isasagot nito.
"I'm not finish yet." At tinuro ang pagkain niya. "Don't do something you don't want to regret." At itinuloy ang pagkain.
Huminto siya ng ma-realize ang sinabi ni liam.
"Okay."
Bumalik siya sa pagkakaupo at palihim na ni-rolyo ang mata. Sa oras na iyon ay huminto ang kaniyang 'tingin sa kamay nitong may bulak at medical tape.
Kinuhanan ba siya ng dugo? Isip niya.