CHAPTER 2

1515 Words
Chapter 2 "CA-CALEM?" Napako ako sa kinatatayuan ko, hindi lang napako kundi talagang para akong pinupokpok ng daan-daang martilyo at parang binuhusan ako ng ilang timba ng yelo kulang na lang ay mag-baga ang katawan ko sa pawis. My heart drops and so my soul, nao-over exaggerate ako pero iba ang sitwasyon na 'to. I can't forgive the destiny for this. Ang mga taong gusto kong iwasan, they're now in front of me at ayoko pang dumagdag pa ito at lumala. For six years, after that incident. After those tortures, those scenes, those heart breaking words of me and him. I thought after those, maaayos na ako, magiging maayos ang pag-lisan ko. Para na naman akong bumabalik sa nakaraan. Sobrang nahihirapan na ako, i can't take it anymore. 1 Six years ago, all i want is to to be free, free from the relationshit i've always wish and prayed to be normal. Para akong tanga, akala ko masaya ako, ngumiti ako ng mapakla. Ayoko ng balikan ang nakaraan...dahil lang sa dalawang taong nasa harapan ko. Naramdaman kong hindi pa niya tinatanggal ang kamay niya sa braso ko. Huminga ako ng malalim at binawi ito. Hinawakan ko ang maliit na kamay ng anghel ko. Bigla naman silang nagawi dito na nagpa-kaba na naman sa akin. Bakit ngayon ko lang naisip?! sa sobrang abala ko kakaisip sa nararamdaman ko ay nakalimutan 'ko na kasama ko ang anak ko, na sa anim na taon ay tinago ko. "EXCUSE ME." ani ko at akmang maglalakad palayo. "Really, gianne?" seryosong wika ni calem. I don't wanna hear anything from them, mag-aaksaya lang ako ng oras at araw na sana'y nage-enjoy kami ng anak ko. "For six years nandito ka lang 'din pala. Gianne, for six years you made people get worst and worsen!" pahabol niya, Hindi ko ito pinansin at patuloy na umalis, kung alam ko lang na ito ang makakasalubong namin ay sana pala'y hindi na ako umuwi dito sa pilipinas. Oo aminado ako at aware ako na una pa lang ay naisip ko ng mangyayari ito pero na-realize ko na hindi pala madali, 2 years ago nang makauwi kami ng anak ko kasama ang kuya George ko dito. Hindi 'rin pwedeng mag-stay na lang ako sa italy dahil may iniwan akong pangako ni mama dito noon pa man. Sa apat na taon naming pamamalagi sa italy ay napalaki ko ang anak ko ng mag-isa ko lang, kasama ko man ang kuya doon ay madalang pa 'din ang pagkikita namin dahil may sarili 'din itong pamilya. And i was 19 years old back then noong pinagbubuntis ko na si Ganna. YES I was young and 6 years had past. *KRIIING KRIIING* Napabalikwas ako ng tumunog ang cellphone ko, "Mom, who was the two guys po kanina?" bigla namang tanong ni ganna. Tinignan ko ito, "Mommy's old friend." and smiled "But mommy why is he hurting you?" napa-kunot naman ako sa nasabi niya. "Hurting?" at naalala ko ang paghigit ni calem sa akin kanina. "Hindi anak, he's just calling me and i can't hear him kaya hinabol niya ako." and smiled to her sweetly. *KRIIING KRIIING* nang makalabas kami ng mall ay kinausap ko si ganna na sa ibang restau na lang kami kakain, hindi naman na siya nag-pumilit pa at nawala na sa isip niya ang Mcdo dahil binigay ko ang pinamili naming gamit niya kanina at masaya na itong tinitignan ang mga ito. Medyo mabilis kong pinaandar ang sasakyan dahil baka mag-iba ang ihip ng hangin at maabutan nila ako but thankfully ay hindi naman nila ginawa. I am so worried right now, noong una ay si russel ngayon naman ay si calem at pinaka-masaklap doon ay magkasama silang dalawa. Sa pagkikita namin ay, sobrang napaka-laki ng pinagbago nila. Hindi ko maipag-kakaila na parang noon lang ay mga isip bata pa sila at ang mga katawan nila'y parang stick lang. Pero ngayon? anim na taon na ang lumipas at sobrang makikisig, napaka-mature, hot at parang mga modelo sa sobrang perpekto ng hubog ng katawan. Pero winala ko na sa isip 'yon ng nakalimutan ko ang cellphone kong kanina ay nagri-ring. Hindi ko na nasagot ito dahil sa sobrang gulat ko sa nangyayari kanina at magpa-hanggang ngayon. Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng isang restau. Bago kami bumaba ay chineck ko ang phone ko. May ilang messages galing kay olivia at.... *28 MISSED CALLS FROM OLIVIA* Napa-mura ako sa isip at binuksan ang messages niya. From: Olivia 'Hey gia!' From: Olivia 'Guess what! I'm gonna call you! This is so exciting, a surprise i guess? hahaha. From: Olivia 'Gia pick up!' From: Olivia 'Are you busy girl?' From: Olivia 'Maybe i should call you later.' From: Olivia 'Btw, nandito ako sa CM MALL' 'yan ang messages na natanggap ko. Pero isang message lang ang pumukaw sa akin. 'BTW, NANDITO AKO SA CM MALL' Ano namang ginagawa niya doon? sabado ngayon kaya ang alam ko ay kasama niya si Johan, kapatid niya at tinu-tutor niya ito at napaisip ako. Pero huli na nang maisip ko. OH NO! Doon kami galing kanina, doon ko sila nakita at..... OLIVIA'S POV "Mom! I'm gonna call you later okay? What do you want me to buy?" i ask on phone. "You don't need to buy anything, ano ka ba! Johan is waiting, this is your last day at hinihintay ka ng kapatid mo" awww~ mom talaga. "Mom! ilang beses ko bang sasabihin na ayaw nga ako ni johan diba? matigas ang ulo niyan, hindi naman nakikinig sa akin 'yan eh" reklamo ko. "Ngayon lang naman niya ako hahanapin dahil aalis na ako" at tumawa ako ng malakas, pero naputol 'yon nang marinig ko sa kabilang linya ang sigaw ni johan na mas lalo kong ikinatawa. "WHAT THE HELL ATE?!---- "NYENYENYENYE!~" pang-aasar ko na mas ikina-hagalpak ko ng tawa dahil nagta-tantrumps na naman ang loko. "Ano ba naman kayo! mamaya ka na nga johan!---- (Si ate kasi!--) ano ba! kausap ko pa ang ate m---" "MOM! HAHAHAHA! ANO BA KAYO!" singit ko, "Sige na, ibababa ko na. Tumawag lang naman ako kasi kanina ko pa hindi matawagan si gianne." sabi ko, ilang beses ko na siyang tinatawagan, actually kanina pa pero hindi niya sinasagot. Siguro busy sila ni ganna. "Oh, how's gianne??" mom ask. "She's very fine, mom." sabi ko, kahit pa busy naman sa trabaho 'yon. Nang malapit na ako sa CM Mall ay nagpaalam muna ako sandali kay mom at binaba na ang linya. Actually, hindi alam nila mommy na aalis ako ngayon. I'm just so happy last night dahil pagka-uwi ko ay approved na lahat ang papeles ko at binalita ko 'yon kila mommy. Balak 'kong bumili ng gifts sa kanila, especially Gia and Ganna. Loko yung babaeng 'yon hindi sinasagot ang tawag ko. Ibabalita ko pa naman na bukas na ang alis ko. I just sigh and park the car near the entrance, in-off ko ang engine at kinuha ang purple sling bag ko, sinuot ko 'din ang glasses ko and voila! wala lang hahahaha! Bumaba na ako ng sasakyan at tinahak ang entrance ng mall, nang makapasok na ako ay naramdaman kong naiihi ako kaya dumiretso ako ng Comfort Room. Pero parang medyo bad idea dahil pila pa ata, walanjo. Hindi kaya sila maka-ihi sa saplot nila sa tagal??? Dahil hindi ko naman kayang tiisin ay pumila na 'din ako. Tinitignan naman ako ng ibang tao, bakit? may mali ba? may something ba sa mukha ko? sa katawan ko? "Miss? pipila ka 'din ba sa Iphone XXX 120?" tanong ng babaeng nasa harap ko. Ano daw??? "Huh?" nagtataka ako. "Ang sabi nila labing limang katao na lang ang pwede, sayang miss hindi mo naabutan ang sale ng Iphone XXX 120." ANO???? Nabigla naman ako sa sinabi niya, tinignan ko ang sinasabi niyang pila at tinanong siya. "H-hindi ba pila ng CR 'to?" nahihiyang tanong ko. Napa-nga nga naman siya kaya agad na akong umalis, isa lang ang masasabi ko! nakakahiyaaaa! Bakit ko ba napagka-malang pila ng CR 'yon?! 'langya ka talaga olivia oh. Tinahak ko uli ang CR at gladly! nagka mali nga talaga ako, napatampal tuloy ako sa noo. Hindi pa lang ako nakakapasok ay biglang nag-ring ang phone ko kaya kinalkal ko ito sa bag. *GIANNE IS CALLING* Kung kailan naman cr na cr na ako tsaka tatawag ang babaeng 'to. Sinagot ko ito, "Giann---" "OLI, NASAAN KA?" "Ha? Okay ka lang? Nandito nga ako sa CM Mall, kanina pa kita tinatawagan. Nasaan ba kayo?" medyo pina-inip ko ang boses ko hahaha. "We're here at some restau, I call because i have something important to---" "ARAY!" daing ko. Bigla na lang kasi akong natapilok at kasabay no'n ang pag sagi ng kung sino sa balikat ko, nabitawan ko tuloy ang phone. "I'm sorry miss. You okay?" Pagpaumanhin niya. Hindi ko siya pinansin at pinulot ang phone ko, pagkakita ko sa screen ay may konting basag ito. Hindi naman mabigat ang loob ko, napa-buntong hininga na lang ako. Hinawakan ko ang balikat ko, anong klaseng tao 'yon? bato ba 'yon? "I said, Are you okay?" ulit niya, Kaya nilingon ko ito, inayos ko ang salamin ko at inangat ang ulo ko. "I'm good." at ngumiti pero napawi ang ngiting 'yon. I froze at hindi ko alam kung kailan ako tatagal sa ganito. "IS THAT REALLY YOU?! KAITH?" Nilingon ko naman ang pinanggalingan ng boses na iyon at kita ko ang hindi maipintang itsura ni Russel. At kay russel pa 'din ako naka-tingin dahil....dahil.... Hindi ko kayang tignan ang taong nasa harap ko. Hindi ko kaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD