"T-tita---" bulalas ko. Tinignan ko si Liam na hapo ang pisngi niya. Natatakot ako sa presensiya na iginagawad ni Tita Layla. Galit na galit ito. "You too!" baling niya kay Adam. "What was that for, Mom?!" Sigaw ni Liam na ikinaharap ko. "Huwag mong sinisigawan ang Mommy mo." sabi ko. "Hanggang dito ba naman dadalhin niyo ang gulo niyo?" sabi ni Tita, tinignan niya ang mga bisita at sinisigurado na hindi maririnig ang pinag-uusapan. "Mag-usap usap tayo." malamig na turan niya at sa akin naman binaling ang atensyon. "Are you okay? come on, titignan ko kung may sugat ka." hindi pa lang ako nakakasagot, hinila na niya ang kamay ko papasok ng bahay. Sumunod naman ang dalawa pero naiwan si T-tito Leon. NANDITO kami sa sala, katabi ko sa sofa si Liam na hinihimas ang kamay ko at pa

