Bumaba kami sa tapat ng isang vintage house na may temang kulay asul at puti, sa gitna nito ay ang mga nakasabit na madaming picado banners at bulb lights sa mga pagitan nito. Talagang pyestang pyesta ang dating. Ang mga mesa at upuan ay puro plastic rattan design at nakapa-ibabaw dito ang mga iba't ibang designs ng mga lobo at mga naka-prepare na mga plato at basong naka-taob. May mga iilang taong dumadalo na 'din at may iilang mga staff ang nag-aayos pa. Natuon din ang paningin ko sa isang mini stage na pinalilibutan ng mga sari-saring bulaklak at lobo at iba't ibang designs. Ganoon din ang microphone stand na may nakapulupot na ribbon. Habang naeengganyo ang mga mata ko sa mga nakikita, dahil ngayon lamang ako inilabas ni Liam ay para akong naiignorante. Hawak ko ang kan

