GIANNE's POV
"Mom? Why tita oli needs to go to US?" Tanong ni ganna.
Inupo ko siya sa tabi ko at sinuklay ang mahabang buhok niya, nakaupo kami sa bench dito sa loob ng airport habang hinihintay namin si oli kasama ang tita vivian at si johan. Yung tipong mas nauna pa kami ng anak ko dito sa airport jusme.
"There's an important matter that she needs to do and she'll fix it as soon as possible." paliwanag ko.
"Okay?" litong sabi niya,
"Uuwi 'din naman ang tita mo." sabi ko at lumingon lingon sa paligid.
Maya-maya pa ay tanaw ko na ang kumakaway na si johan, tumayo ako at sinalubong sila ng yakap, matagal ko na 'ding hindi nakita sila tita at johan. Kahit pa noong dumating kami dito ay hindi ko magawang bumisita man lang.
"ATE GIANNE?" Hindi makapaniwalang sambit niya at nilagay ang palad sa bibig at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, "YOU ARE SO GORGEOUS!" puri niya at tila hindi makapaniwala sa nakikita, napa-tawa naman ako at hinampas siya sa braso.
"Ang laki mo na!" at hinarap siya tsaka tiningkayad ang height niya. Parang kahapon lang ay hanggang leeg ko lang ata siya. Hays, panahon nga naman.
Bago ang flight ni olivia ay nag-kwentuhan lang kami, pinakilala ko 'rin sa kanila si ganna. Kinausap ko 'din si tita Vivian tungkol sa lumipas na taon. Sobrang natutuwa naman sila at walang ibang ginawa kundi ang kausapin ang anak ko.
Kahit kita ko sa kanila ang pagtataka nang tungkol kay ganna ang usapan ay labis ko namang naiintindihan at pasalamat talaga ako kay olivia na siya ang nagkuwento. Walang nakakaalam kay ganna maliban sa pamilya ko, kay olivia at sa mga ka-trabaho ko.
Habang tinititigan sila ay napansin ko si olivia na balisa.
Nilapitan ko siya at tinanong kung ayos lang ba siya, tinitigan niya muna ako bago ako sagutin,
"I'm very okay," at gumuhit ang maliit na ngiti sa kaniyang labi at hindi pa 'din bumibitaw sa pagtitig sa akin.
Niyakap ko siya dahil alam ko naman na hindi okay ang lahat, ngayon ay nangingilid ang mga mata niya.
"It's okay," at hinagod ang likod niya, "Everything's gonna be okay...soon" sabi ko upang kahit papaano ay mapatahan siya, narinig ko naman ang pag-singhot niya.
Hinarap ko siya at hinawakan ang pisngi niya tsaka pinahid ang luha. I hate seeing tears.
"You need to be strong, not for others but for yourself." sabi ko.
Ilang minuto pa ay sinulit namin ang kuwentuhan, nang oras na ng flight ni olivia ay malungkot na nagpaalam ang mommy at kapatid niya at syempre gano'n din si ganna.
Napapaisip na talaga ako sa pagsasama nilang dalawa, napa-iling na lang ako. Olivia is such a brat, pero makikita talaga sa paglipas ng panahon ang pagbabago ng isang tao.
Sometimes, you don't change for the people but you change because that's what your inside say so and you need to fill it. Kasi ikaw lang ang nakakaramdam kung ano ang mas makakabuti sa sarili mo, puwera na lang kung hindi tama.
Makalipas ang isang oras ay kasama pa 'din namin sila tita vivian, inalok kami ng masasakyan kasi alam nilang hindi namin dala ang sa amin, ngunit tumanggi ako.
Nagyayaya kasi si ganna na pumunta ng Amusement park.
Nagpaalam na kami sa kanila at naghihintay ng taxi.
"Mom, do you have work tomorrow again?" tanong ni ganna.
"Yes baby, why?"
"Can I come with you?" and why? "You have class tomorrow, ganna." sabi ko, hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon.
"I just want to see ate tina and ate xyril." nagtaka naman ako, hindi naman niya nababanggit sa akin ang tungkol sa kanila.
"And why?" i ask and look at her. She really looks like a four year old, she has this angelic face and soft vibe parang hindi six years old. I really love this baby girl.
Lumuhod ako sa harap niya at inalagay ang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga.
"After your class baby, susunduin ka ni mommy. Okay ba 'yon?" agad na rumihistro ang ngiti sa labi niya, i kiss her cheek at tumayo.
May sinabi pa siya pero hindi ko na narinig at naintindihan nang biglang mag-ring ang cellphone ko.
"Wait baby okay? Mommy's just gonna pick this call."
Pagtingin ko ay unknown number lang, kumunot ako, sino naman kaya 'to? naisip ko ay iilan lang ang nakakaalam ng numero ko at mga taong pinagbigyan ko nito.
Magkaiba ang business number ko sa personal number ko kaya imposible 'din na galing sa mga ka-trabaho ko.
I don't entertain unknown calls. Pinatay ko ito.
Kinuha ko ang kamay ni ganna at nagsimula ulit na pumara. Pero tunog pa 'rin ng tunog ang cellphone ko, pinabayaan ko lang 'to hanggang sa maka-sakay kami.
Pero pati ang driver ay naririndi na ata sa pag tunog ng phone 'ko, ano bang kailangan nito!?
Ano ba naman 'to, kinuha ko ulit. Ito na namang numero. Napaisip na naman ako na baka importante talaga kaya sinagot ko na.
"Hello?" sagot ko.
Sakto 'din na huminto ang sasakyan, inipit ko ang phone sa tenga at balikat ko at binuksan ang pinto.
"Careful anak," habang inaalalayan, tuwang tuwa si ganna sa nakikita niya kahit hindi pa nakakalabas.
Nahulog naman ang cellphone ng magbayad ako, pagka pulot ko ay nawala ang tawag.
Sa pagyuko kong iyon ay bigla naman akong nahilo at medyo pinapakiramdaman ang katawan ko.
"Mom? are you fine? you're cold" ramdam ko ang paghawak ni ganna sa palad ko.
"You wanna buy some foods? saan mo gustong pumunta?" wala sa sariling tanong ko lang sa kaniya.
Hindi ko alam at bigla na lang ganito ang naramdaman ko. May parte sa katawan ko na gusto ng umuwi at gustohin ko man na umuwi na kami ay pinangakuan ko si ganna na ipapasyal ko siya.
Kalaunan ay winaksi ko ang nararamdaman, hinila ni ganna ang kamay ko at huminto kami sa isang candy shop. Itong bata na 'to talaga, basta makukulay eh naeengganyo.
"I want this tiny pink here, mom? please?" kumislap ang mga mata niya habang tinuturo ang kinalalagyan ng iba't ibang klase ng candy.
Tinapatan ko siya at pinisil ang ilong, "Okaaaay~"
"Wait for me okay?" tumango naman ito.
Habang binibili ang candy ay bigla itong tumakbo sa katabing shop, sinilip ko 'to at puro stuffed toys ang shop na 'to. Napa-ngiti naman ako.
"Ito lang po ba, ma'am?" nilingon ko ang babae at nginitian ko ito at tumango ako. "Meron 'din kaming unicorn candy, bago lang po ito ma'am" Asus! si ate talaga oh! syempre ano pa bang magagawa ko?
"Sige kukuha ako," for sure magugustuhan 'din ni ganna.
Nang ibigay ko ang bayad at nang magpasalamat ay tinignan ko kung kumpleto ito tsaka tinawag si ganna.
"Here's your candy ganna," masayang sambit ko,
Nang tignan ko ang kalapit na store ay walang Ganna na nakita ang mga mata ko, here we go again. Bumuntong hininga ako.
Baka nasa malapit lang 'yon dahil gano'n naman ang batang iyon. Palagi kaming ganito sa kahit saan kami magpunta basta ba ay kung nakakakita siya ng magagandang bagay ay tinatakbuhan niya ako. Pero alam naman niya kung ano ang limitasyon, pero hindi ko pa 'din talaga maiwasang mag-alala at parang aatakihin ako sa puso jusko.
Napakakulit na bata jusmio.
"Ganna?" pagtawag ko kahit marinig ako ng mga tao.
Nilibot ko ang mga mata ko sa mga kalapit na store, dahil alam ko na hindi lalayo ang anak ko. Inaaninagan ko ang bawat store na pwede niyang puntahan.
"Ganna?" muling pagtawag ko,
Pero ilang minuto na ang nakakalipas ay walang ganna na nagtatawag na sana ngayon ng 'I'm here mommy'. Bigla akong kinabahan, nasaan na kaya siya?
Natatarantang nilibot ko ang paligid na posible lang talagang puntahan ni ganna, ngunit hindi ko na matiis ay lumapit ako sa babaeng nagtitinda ng candies kanina, sinabi kong ipaalam kung may batang bumalik sa shop na 'yon.
Dali dali 'kong inikot ang park, ni anino ng anak ko ay hindi ko nakita. Nagtanong tanong ako sa bawat taong madadaanan ko.
I can feel my chest tudding so very fast parang luluwa ito sa sa sobrang bilis as i looked for ganna. I am searching the whole park but a single strand of her hair? wala. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, mahigpit na niyakap ko ang paper bag na naglalaman ng mga candy ni ganna.
Nangingilid ang mga mata ko pero kailangan kong pigilan.
Where is she?
Tumigil ako nang tumunog ang phone ko, hindi ko ito pinansin at sinubukan maghanap ng security, ngunit hindi pa 'din ito tumigil sa pag-ring kaya inis na sinagot ko ito,
"Please! kung sino ka man! I'm busy!," ibababa ko na sana ito, pero napatigil ako sa pag salita ng nasa kabilang linya, dahilan para mangatog ang aking buong katawan.
"So...she's my daughter."
Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas, iyong kaninang nararamdaman ko ay hindi ko na maintindihan at nakatulala lang. Kaba, ito ang nararamdaman ko pero hindi dahil halo halo ang nararamdaman ko.
"I've been calling you," ngisi, narinig ko ang pag ngisi niya. "but you manage to ignore me?"
Hindi ko na napigilan at bumigay ang katawan ko. ang boses na ito, sobrang pamilyar at hindi ako pwedeng magkamali, i found myself slowly sitting on the floor while people are staring at me. Pero wala akong pakealam.
Kailangan ko ang anak ko at ang boses na ito, ito yung taong buong buhay ko ay ayaw 'kong marinig. Taong pilit kong binabaon sa limot hanggang sa taon ang nag daan ay binabaon ko pa 'din.
"She's silently sleeping and...," hindi ko na hinintay ang kasunod niyang sasabihan at humagulgol ako sa narinig ko "she looks like mix of you and me."