*FLASHBACK*
"GIANNE!"
"WHAT!?"
"NOTHING!" at humagalpak ng tawa si liam at hawak pa ang tiyan.
"Come on! Sama kana kasi! It's so masaya there!"
Natawa naman ang dalaga sa pamamaraan ng pagsalita niya ng tagalog.
Pero pinag-iisipan niya kung sasama ba siya sa Piyesta de Vimos ng bayan nila.
Bumuntong hininga siya at tinaas ang manggas tsaka umupo sa papag.
"Alam mo namang hindi ako papayagan ng papang" tukoy nito sa lolo niya.
Umismid naman si liam sa harap niya.
Mahigit walong buwan na 'din silang magkakilala ni liam, isang haciendera ang nanay ni liam at sikat na Hacienda Layla ang talaga nga namang namumukod tanging pamana sa nag-iisang anak ni Don Leo Aguilar na tatay ni Layla na ina ni Liam.
Mababait ang pamilya Aguilar at dito nagtatrabaho ang tatay at ina ni Gianne. Isang butler 'din ang papang niya at ito ang nag-aalaga kay liam sa Australia.
"Then ipagpapaalam kita."
Nagulat siya nang guluhin nito ang buhok niya na kina-inis niya talaga.
Mayroon nga siyang kataga 'Gulohin mo na ang mga itinupi ko huwag lang ang buhok ko'.
Hindi napigilan ng dalaga ang hampasin ito sa braso at pilit inaabot ang ulo nito upang makabawi.
Sa gitna ng pagbabangayan nila ay isang dalaga ang mataman na pinapanood sila. Nakaupo ito sa wheelchair at labis ang mga ngiti niya.
Napatigil sila ng tumikhim ito. Napalingon silang dalawa.
"H-hi liam." Bati ng dalaga.
"Geanna." sabi ni liam at nilapitan ito.
"G-gianne! Bakit naka-simangot ka?" tanong ni Geanna, ang kambal ni Gianne.
"Ginulo kasi ni liam 'tong buhok ko!" parang batang sumbong nito sa kambal.
"Mas mabuti pang bumalik kana lang ng Australia, hindi mo ginugulo ang buhay ko, ginugulo mo naman ang buhok ko!" tangis ni gianne.
Mas lalo siyang nainis nang tumawa lang ang binata.
" I didn't mean it, ang cute mo lang kasi." Sabi ni liam na ikina-tahimik niya.
Tumikhim siya at tumalikod sa kanilang dalawa at inayos ang buhok niya, pero ang totoo ay ayaw niyang ipakita ang namumulang pisngi niya sa sinabi ni liam.
"Oh my gosh! I thought you're preparing for the Piyesta---Hi gianne!"
Napaharap siya nang tinawag siya ng isang lalaki.
"A-adam!"
Nagtaka naman si liam sa kaniya,
"Why your face is so pink?" Kunot noong tanong nito.
"Dahil galit ako sa ginawa mo, hmmp!" At pinag-krus ang mga kamay, isip niya ay maliit na bagay lang naman iyon.
*END OF FLASHBACK*
Yakap ni gianne ang mga tuhod at nakatingin sa kawalan habang umaalpas ang kaniyang mga luha.
Bumukas ang pinto at tumambad ang malawak na ngiting si liam bitbit ang tray na puno ng pagkain at tatlong paper bag.
Inilapag niya ang tray sa kama habang si gianne ay ganun pa 'din ang itsura.
Umupo si liam sa tapat nito at binigyan ng halik sa noo.
"I have a gift! Tadaah!~" at ipinakita ang naglalaking paper bags na dala niya kanina.
Walang reaksiyon ito at napakunot siya ng noo.
"Hey, don't you like this?" At naluluhang ipinakita ang paper bags.
Ginalaw niya ang mata at tinignan ang paper bag na 'yon at ang tray ng pagkain tsaka diniretso ang mga mata kay liam. Blangko ang mga tingin na ito.
"Y-you don't like it? Why dont you unpack it?" At hinimas ang braso ni gianne.
Hindi siya nito kinibo at iniwas nito ang braso sa kaniya, muling nag-igting ang panga niya.
"What's your problem?"
Inangat niya muli ang tingin kay liam at nginisihan ito.
"What do you think?" At nakakalokong ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi.
Mabilis na itinaas ni liam ang palad ngunit huminto ito sa ere, hindi niya magalaw ang mga ito dahil sa mga tingin ng kaharap para bang handa ang babae sa gagawin niya.
"Ano?" Seryosong sambit ni gianne. "Sampalin mo 'ko, diyan ka magaling hindi ba?" natatawang sabi niya.
Nasa ere pa 'din ang palad ni liam at naninigas ito.
"Saktan mo 'ko!"
Napa-kuyom siya at gumalaw tsaka hinablot ang kamay ni liam.
Nang mahawakan ay hinampas niya sa sarili ang kamay ni liam.
Patuloy itong ganoon at hindi humihinto, tulala lamang si liam ngunit nabalik sa huwisyo nang marinig ang malakas na hagulgol.
"Bakit hindi mo 'ko sinasaktan?!"
Bigla siyang hinagkan ni liam at pinipigilan ang bawat galaw.
"I'm sorry." Malambot at sinsero ang mga salitang binitawan niya at hinalikan ang ulo niya.
"Don't be sorry when you already did!"
"I'm sorry, love" paghingi niya ulit ng paumanhin at hinimas ang likod ni gianne na unti unting kumakalma pero hindi matigil ang pagbuhos ng luha.
"Alam m-mo, patayin mo na lang ako." Kumapit siya sa damit ni liam at kumuyom ang kamao, "Doon 'din naman pupunta, kaysa maramdaman ko 'to." humiwalay siya at dinuro and dibdib.
Umiling iling si liam sa mga sinasabi niya, hinawakan nito ang kamay niya pero iniwas niya.
His heart is ripping seeing her woman infront of him being miserable because of his shitty doings. He can't take seeing her hurting but he already did the things what have been done.
It's like a heartbreak to his ears the cry sounds gianne make.
He wants to calm, he wants to breath. He wants to control it.
He wants to be normal for this time and hoping to not stop that 'normal' and wishing it doesn't last.
"I deserve this." Pagbasag ni gianne. "What did I do?" She brushed her hair.
Then liam hits, he remember his purpose why he is doing all this. But it keeps fighting between his mind, body and heart.
"Because what I did six years ago?" matamlay na tinignan niya si liam and question is written all over her.
"Because of Adam?" she wash her face in frustration. "Because of your wrong motives, you don't let me explain---
"Then why did you say YES when I ask about YOU and HIM before?" Nagugulohang tanong ni liam.
"I did it," tumikhin siya at iniwas ang tingin "on purpose." Dugtong niya.
Lumayo si liam sa kaniya at hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"That's insane." Umiling ito "You just played me." Malamig na saad niya.
Dahil doon at mabilis na napalingon si gianne.
"You're the one who played me!"
Pinipigilan ni liam ang sarili, bumuntong hininga siya at naglakad sa pinto at bago siya makalabas ay muli siyang nagsalita,
"Change your clothes and eat the foods." walang lingon na sabi niya at lumabas.
Nang makalabas siya ay bumaba siya at nagtungo sa kusina.
Malalim ang hininga niya at tinungkod ang magkabilang kamay sa sink at inangat ang ulo tsaka pumikit.
Tinignan niya ang cake na in-order niya kanina at hinagis ito.
Umakyat siya at huminto sa bungad at tinitigan ang hallway na may limang pinto at huminto ang paningin niya sa pangalawang pinto kung nasaan si gianne. Nagsimula siyang maglakad at nilagpasan ang pangalawang pinto at diretso niyang tinahak ang pang-apat na pinto kung saan may isa pang hagdan.
Iba ito sa pinto kung saan dinala niya si gianne sa vintage room, yes he call it vintage room. Dahil mahilig si gianne sa vintage vibes.
Nang buksan niya ay umakyat siya at dinadaanan niya ang medyo madilim na hallway na may dalawang pinto sa kanan at kaliwa. Pumasok siya sa kaliwang pinto, huminga siya ng malalim at umupo sa kaniyang swivel chair at tinignan ang malaking monitor, nakita niya ang dalaa na kumakain. Yes, he put cctv's every room.
Malalim niya itong pinagmamasdan sa screen.
Kalaunan ay tumayo siya at binuksan ang kabinet na naglalaman ng iba't ibang klase ng beer in can. Pero hindi niya pinansin mga 'yon binuksan pa ang maliit na drawer. Kinuha niya ang isng transparent box.
"f**k!" mura niya nang makitang konti na lang ang laman nito. He really needs it.
He don't know what the name of this medicine kaya may hinanap siyang isang papel, binuklat niya ito at naka-hinga siya ng maluwag nang hindi niya pa tinatapon ang prescription.