“Maxicart, Maxicart 7th Rear.” Wala pang limang minuto ako sa kinauupuan ko ay narinig ko ang pag announce nito. Rinig na rinig kahit saang parte ka ng Hospital.
“Maxicart, Maxicart 7th Rear.” Isa lang ang ibig sabihin nito may isang pasyente kami sa 7th Rear na nag-aagaw buhay. “Maxicart, Maxicart 7th Rear.” Muling inulit ito. Nag mamadali akong bumaba dahil nasa 10th floor pa ako. Hindi na ako nag abala pang sumakay sa elevator, lakad-takbo ang ginawa ko habang bumababa sa hagdanan. Pag dating ko sa 7th floor ay nakita kong maraming Doctor na ang nag kukumpulan sa Rear part ng Hospital. Agad akong tumakbo, bumilis ang t***k ng puso ko nang makita kong nagkaka gulo sa room kung nasaan si Tatay Oweng, isa sa mga pasyente ko.
“Doctor Lauren, 3 minutes na po.” Sinalubong agad ako ng isa sa mga Intern. 3 minutes nang nire-revive si Tatay Oweng. Lahat ng mga doctors, kahit Intern, Resident, Fellow and even the Consultant na nasa floor pag nag Maxicart lahat ay pupunta kasama ang mga Nurses. Isa ako sa Physician ni Tatay Oweng kaya kahit nasaan ako ay kailangan kong pumunta. Nakita kong pagod na ang isang Nurse sa pag pe-perform ng CPR. Kaya naman walang atubiling umakyat ako sa kama para ako naman ang mag perform ng CPR.
“Tatay” Bulong ko. Hindi ko maaring bitawan nalang si Tatay. Sya ang pinaka unang naging pasyente ko noong nagsisimula palamang ako. After 15 chest compression ang katabi kong nurse ang nag pump sa ambu bag para bigyan si Tatay ng rescue breath. Tiningnan ko ang monitor, no pulse and no breath pa rin. Nagpalit kami ng Nurse ng pwesto sya naman ang nag perform ng 15 chest compression at ako naman ang may hawak ng ambu bag. Ganoon lang ang ginawa namin ng paulit-ulit. Lalong lumakas ang iyak ng mga apo nya sa gilid ko. Habang tinutuloy ko ang pag bibigay ng chest compression ay nakita ko sa mga mata ni Ana ang takot, ganong ganon ang mga mata ko nang mawala ang Lolo ko.
“Doctor!” Tawag pansin sa akin, hindi ko na alam kung sino bang tumatawag sa akin basta tuloy tuloy ako sa pag revive kay Tatay Oweng. Naaalala ko kasi sakanya ang Lolo ko, second year college pa lamang kasi ako noon at wala akong nagawa ng mga panahong iyon para iligtas sya.
“45 minutes na po.” Umiling lang ako sakanila. Hindi ako titigil hangga’t hindi nagiging stable si Tatay. Ang ibang doctor ay unti-unti nang naglalabasan maging ang mga Nurses. Pumasok ang ilan sa kamag-anak ni Tatay.
“Doctor, tama na po. Pagod na siguro si Tatay. Hayaan na natin syang mag pahinga. Ginawa naman po natin ang lahat.” Naramdaman ko nalang ang pag hawak sa mga braso ko ni Ana, isa sa mga apo ni Tatay. Pulang pula na ang mga mata nya. Namalayan ko nalang na pati pala ako ay lumuluha na rin. Inalalayan ako makakababa ng isang Nurse dahil maging ako ay hinang hina na. Hirap na hirap ako sa susunod kong sasabihin. Inikot ko ang paningin ko, nandito silang lahat. Ang anak ni Tatay na si Abbie at ang asawa nyang si Julio, ang mga anak nilang si Ana, Julius at Andy.
“Time of death - 03:15pm” Pag kasabi ko ay lalong lumakas ang iyakan nila. Yumapos sa akin si Ana, kaya naman kahit pigilan ko ang luha ko ay hindi ko magawa. Napalapit na sa akin ang buong pamilya ni Tatay Oweng. Nanghihina akong lumabas ng kwarto at bumalik na ako sa 10th floor kung saan ang Doctor’s office.
Ito ang buhay ko, hindi lang isang pasyente ang nawala sa akin dahil parang naging Lolo ko na din kasi sya. Isa akong Cardiologist, bilang isang doctor trabaho ko ang iligtas ang buhay ng bawat pasyente sa abot ng aking makakaya. I silently pray for Tatay Oweng’s soul. Magkikita na rin sila ng aking Lolo sa langit.
“Doctor Lauren!” Napalingon ako banda sa kanan ko nang marinig ko na may tumawag sa akin. Agad akong napangiti. Nandito kasi ako ngayon sa lobby ng hospital.
“Anong masamang hangin ang nagdala sayo rito?” Tanong ko sakanya. Isa sya sa mga bestfriends ko.
“Wala naman. Na-miss ka lang namin. Tara bakasyon tayo sa Siargao.” Ano naman ang naisip nya para ako ang ayain na mag bakasyon. Hindi naman ako pwedeng basta bastang umalis. Napaka demanding ng trabaho ko. Every second counts sa akin.
“You already know my answer.” Sumimangot lang sya sakin. Dahil kahit anong aya naman nila sakin ay hindi ako sumasama sakanila pero iba sya ngayon, mukang determinadong isama ako.
“Grabe ka na! Ikaw lang lagi ang kulang sa atin. Even sa mga family events nyo ay hindi ka na daw uma-attend. Ano na bang balak mo sa buhay mo Lauren? Baka naman tumanda ka ng dalaga nyan pag nag kataon.” Pangangaral nya sakin. OA naman nito na tumanda akong dalaga. Pero bilang isang doctor, marami kaming dapat i-give up at isa na dun ang pag attend ng mga important events sa family and friends. Mas dapat naming pagtuunan ng pansin ang buhay ng ibang tao.
“Wag mo nga akong kunsensyahin. Aalis na ako, kailangan ko pang mag rounds. May bagong na admit kanina.” Nag beso na ako sakanya pero pinigilan nya ulit ako. Agad nyang hinila ang braso ko kaya naman napaharap ako sakanya. Nagtataka ko naman syang tinitigan.
“This time, I will not accept ‘no’ for an answer. C’mon Lauren, this is the only time for you to relax. You badly need it. Look at you, para ka ng walking zombie.” Napakasama talaga nitong si Kyla, ipamuka ba naman sakin kung ano ang itsura ko. Hindi naman ako mukang zombie, I still take care of myself. Nakukuha ko pa ngang mag lagay ng light make up. OA lang talaga si Kyla.
“But, how about my patients? Alam mong everyday nila akong kailangan. Nakakahiya naman kay doctor Marnella kung iiwanan ko syang mag-isa.” Nate-tempt na rin kasi akong sumama dahil sa Siargao ito. Hindi pa ako nakakapunta kasi don. Dapat may medical mission sana kami dati kaso hindi ako nakasama dahil hindi ako pwedeng umalis.
“Wala naman sakin yon doctor Lauren kung aalis ka. I never saw you na nag take ka ng vacation in your entire stay in this Hospital, maybe this is the right time para mag un-wind ka naman. Don’t worry about our patients, I can handle them. Or maybe you can endorse some of them kay doctor Sean bago ka umalis.” Pareho kaming napatingin ni Kyla sa katabi kong doctor. Bigla nalang kasi itong nagsalita, nakikinig pala sa usapan namin. Sya si doctor Marnella, sya ang Consultant doctor, parang under nya pa rin ako dahil isa akong Fellow doctor.
“Nako doctor, hindi naman po kailangan. Makulit lang po talaga itong kaibigan ko. Actually, pwede naman po akong hindi sumama.” Nahihiyang sagot ko. Ayoko namang umalis at iwanan nalang ang mga patients.
“Doc, hindi po totoo ang sinasabi nya. Kailangan nya pong sumama sa amin. Ito po ang unang vacation nya if ever since nag work sya sa Hospital na ‘to. Kaya nga lang po ayaw nya sumama dahil iniisip nya paano raw ang pasyente nya.” Itong si Kyla feeling close naman kay Doc Marnella. Although nakikita naman at nakaka usap nya si Doc dati dahil naaabutan sya ng mga Doctors sa office namin sa tuwing dadalawin nila ako.
“Kaya nga ay pinapayagan ko naman itong si doctor Lauren. Kailangan nya talaga mag relax. Alam kong napaka stressful ng mga nakaraang araw dito sa Hospital.” Paliwanag ni Doc. Tatlong pasyente ang namatay samin. Dapat ay masanay na ako dahil puro mga Geriatric patient kami, lahat sila matatanda.
“So it means na pwede po syang mag bakasyon Doctora?” Masayang tanong ni Kyla. Tumango naman si Doc bilang sagot. Tuwang tuwa naman sya sa sinagot ni Doc, nahampas nya pa ako sa braso sa sobrang pagka excited nya.
“Basta ba ibabalik mo sya dito ng buo at kumpleto. One-week lang ang maximum days na pwede syang mawala rito.” Paalala ni Doc kay Kyla. Hindi man lang nila tinanong kung pumayag na ba ako, sila na lang ang nag desisyon para sa akin. Ngiting tagumpay si Kyla nang makaalis si Doc.
“You heard it. So bukas ang flight natin. Kaya kung ako sayo mag ready ka na. Susunduin kita sa Condo mo bukas ng 9am. Tayong tatlo lang nina Julia ang mag babakasyon. See yah tomorrow Doctora.” Nag beso sya ulit sa akin at agad na umalis sa harapan ko. Hindi man lang nya ako binigyan ng chance para mag disagree. Kaya no choice talaga. Nag simula na akong mag rounds ng mga pasyente para makapag ayos na ako ng gamit mamaya pag uwi ko. From 6th floor up to 9th floor may mga pasyente ako. I also informed them na mawawala ako ng one week and if ever they need anything si doctor Sean and doctor Marnella ang pwede nilang i-contact.