Chapter ONE. The Unpleasant Encounter
Dominique: "Hindi mo naman kailangang samahan ako hanggang dito eh. Hindi na ako bata.
Richard: " Yun ang bilin ni mom sakin. "
Dominique: "Tsk. "
Richard: "Oh my God, Philippines is still Philippines. Wala pa ring pinagbago, ganon pa rin. Bakit dito mo naman naisipang tumira? "
Dominique: "Para malayo sayo! "
Richard: "Ang sabihin mo, tinatakasan mo lang ang responsibilidad mo kay Kyle. "
Dominique: "Bakit ko ba kasi ako pa yong kailangang ikasal? Eh nandyan ka naman. "
Richard: "Ayaw kasi ni Mom na kung sino2x lang yong dadalhin mo sa bahay. "
Dominique: "Ayoko pang mag asawa kuya! At saka si Kyle? Ba't naman siya? "
Richard: "At bakit naman hindi? Mabait naman siya ha, mayaman at higit sa lahat, may hitsura. "
Napatingin nalang ako sa labas habang inaaliw ang sarili sa mga nadadaanan namin. Bakit dito ko naisipang tumira? Simple lang, aside sa palago nang palago ang negosyo namin dito, mas madali akong maka adjust sa environment at pakikitungo sa mga tao at sa isang taong pinangakoan kong babalik ako.
Matapos ang napakahabangg byahe, sa wakas nakarating na rin kami sa bahay namin. It's been years since muli kong nasilayan tong bahay na to. Gustong ibenta ni Mom and Dad tong bahay kaso ayaw ko, marami kasing memories sa bahay na to. Binilin to sakin ni Lolo before he passed away. Hindi naman din ako dito titira, may condo akong binili malapit sa kompanya namin, ayoko kasing mag maneho nang sobrang layo. And itong bahay nato is napakalayo sa kabihasnan, kaya siguro gusto rin nalang ibenta to.
Richard: "Hey sis, ano tatayo ka nalang dyan? "
Dominique: " Susunod ako. "
Naglakad lakad muna ako sa paligid, mahigit 20 years na din kasi kaming hindi nakabalik dito. Na miss ko yong lugar, ang simoy nang hangin. Habang nilibot ko ang buong paligid, napansin ko ang isang bahay sa itaas ng puno. Napangiti naman ako ng maalala ko ang mga panahong iyon.
Flashback 20 years ago...
Althea: "Talagang aalis kana dito? "
Dominique: "Don na kasi mag tatrabaho si Dad, and doon ko na din itutuloy yong pag ha high school ko. "
Althea: " Pano ba yan, edi mag isa na naman ako dito. "
Dominique: " Babalik pa naman ako eh. "
Althea: " Okay. "
Dominique: " Galit kaba? "
Althea: " Basta pangako mo nalang babalik ka. "
End of flashback...
Dominique: " Kumusta na kaya sya, naaalala pa kaya nya ako? Siguro mas gumanda pa siya lalo ngayon. "
Napangiti si Dominiquehabang inaalala ang mga panahon kasama niya si Althea.
As Dominique revisits the familiar surroundings, her introspective moments shed light on the reasons behind her choice to return.
Kinaumagahan...
Althea POV
Direk: " Althea!! Ayusan mo nga iyan, ang pangit na nang mga model natin ha! Dalii!! "
Athea: " Yes direk."
Hindi paman ako tapos sa king ginagawa, ayan tinatawag na naman ako ni Direk. Kung hindi ko lang talaga mahal ang trabaho ko, hindi ako mag aaksaya nang oras dito. Pangarap ko na to noon, na balang araw magiging sikat na direktor at producer ako, pero sa kasamaang palad hindi natupad, dahil sa walang hiya kong ama.
Iniwan lang naman kami sa walang kwentang babae niya. Simula noon, mag isa akong tinaguyod ni mama, kahit halos hindi na kaya nang katawan ni mama mag trabaho, ay kumakayod parin siya para sa akin. Muntik na din akong hindi makapag tapos nang college dahil sa hirap ng buhay. Pero kinaya ko lahat ng yon para sa kanya, hanggang ngayon. Ngayon paba ako susuko?
Direk: " Althea!!!!! Ano ba!! "
Althea: " Andyan napo direk. "
Direk: " Ba't ba ang bagal mo? "
Althea: " Sorry po direk, may ginagawa lang po saglit. "
Direk: " Mas mahalaga paba ito kesa sa trabaho mo? "
Althea: " Sorry po talaga."
Direk: " Umayos ka Thea ha. "
Hindi naman alintana ang init at pagod ni Althea, kakasunod sa lahat nang tao sa set. Habang gumagawa sila ng eksena ay nasa likuran si Althea sa direktor nakatingin sa mga kamera, pinag aralan ang bawat galaw neto. Hindi naman maiwasan ni Altheang hindi malungkot habang inaalala ang mga pangarap niyang maging isang sikat na direktor tulad nila, pero sa kabila nang unos, hindi parin ito sumusuko na matupad iyon.
Natapos ang buong araw nang pagsisilbi, at pagtatrabaho ni Althea sa mga tao. Oras na naman para umuwi at magpahinga. Gaya parin nang dati ay huling umuuwi si Althea, para daanan ang iba pa niyang trabaho. Nag hahatid din ito ng mga delivery sa iba't ibang lugar gamit ang kanyang motorsiklo.
Ginang: " Heto iha oh, maraming salamat ha. "
Althea: " Wala pong anuman. "
Ginang: " Ang sipag sipag mo naman."
Althea: " Kailangan po eh hehehe, sige po una na po ako. "
Pinaandar ni Althea ang kanyang motorsiklo, at unti unting pinatakbo ito. Sa kalagitnaan ng kalsada, ay nadaanan niya ang bahay ng kanyang malapit na kaibigan, na nagdesisyong umalis para din sa pangarap niya, mahigit dalawampong taon na ang nakakaraan. Huminto naman ito saglit, at bumaba.
Althea: " Gaya parin ng dati, ang liwanag parin nang bahay nyo. Pero kahit anong liwanag dyan, wala ka parin. Siguro nakalimutan mo na talaga ang Pilipinas, nakalimutan mo na ako.
Habang hawak2x ang suot niyang kwentas na nasa leeg niya.
Hindi rin nag tagal si Althea at umalis na din ito sa kanyang kinatatayuan, gusto man niyang magtagal doon, pero wala rin naman siyang gagawin doon kundi ang tanawin ang bahay ni Dominique na tanging ang mga katulong lang ang nandon.
Ang pag alis ni Althea sa kinarorooan niya, ay sya namang pagdating ng sasakyan ni Dominique. Natanaw ni Dominique ang motorsiklong kakaalis lang.
Manang/yaya: " Good evening po Ma'am."
Dominique: " Ah manang, sino ho ba yon? "
Nagtaka namang ang katulong ni Dominique sa tinutukoy niya.
Manang/yaya: " Po? Sino po?"
Dominique: " (bumuntong hininga) Ah wala, paki dala nalang po nang bag ko sa taas, thank you."
Nakarating si Althea sa kanilang bahay, nakita naman niya agad ang nanay na abala sa mga idideliver para bukas. Lumapit ito at tinulungan.
Althea: " Ma, ako na dyan. Bakit hindi pa ho kayo nag papahinga? "
Nanay ni Althea: " Mamaya na, malapit naman itong matapos. (coughing..) "
Althea: " Ma, mag dadalawang linggo na yang ubo nyo ha, magpatingin kana kaya."
Nanay ni Althea: " Ano kaba, okay lang ako anak. At saka, dagdag gastos lang iyon (coughing..) syanga pala, kumusta naman ang trabaho mo? "
Althea: "Ayon, ganon pa din, taga sunod. Pero okay lang. "
Nanay ni Althea: " Sabi ko naman sayo, wagka na dyan. "
Althea: " Ma, alam nyo naman na pangarap ko yon. "
Nanay ni Althea: " O sha2x, bahala ka. Teka nga pala, nabalitaan ko kanina umuwi daw yong Dominique ba yon? Yong kaibigan mong galing England, nagkita ba kayo? "
Natigilan naman ako sa aking ginagawa,nong narinig ko ang pangalan niya.
Althea: " Ta-- talaga? "
Nanay ni Althea: " Yon ang sabi nila. "
Althea: " Dumaan naman ako kanina, tahimik naman ang bahay. At saka imposibleng uuwi pa yon. "
Nanay ni Althea: " Siya parin ba anak? "
Althea: " MA!!!! "
Nanay ni Althea: " Biro lang. "
Si mama talaga ang hilig mang inis, hindi naman talaga nawala yon. Kahit alam kong bawal, alam ko namang hindi kami para sa isa't isa. Pero kahit ganon paman, pilit kong itinatago ito, dahil ayokong masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Pero pinapanalangin ko parin na may lugar sa ming dalawa.
Kinabukasan...
Dominique talking to her brother on the phone...
Dominique: " Sa condo ako dederitso mamaya. "
Richard: " Okay, mag ingat ka.Wala ako dyan para bantayan ka, may pinaasikaso si Dad sakin dito sa England. "
Dominique: " Buti naman, at sana magtagal ka dyan. "
Richard: " Heey,. "
Dominique: " Kuya, hindi mo na ako pwedeng bantayan lagi, alam ko ang ginagawa ko. "
Richard: " Okay2x.. so nasaan ka ngayon? "
Dominique; " Papunta ako ngayon sa iyang shoot. "
Richard: " Shoot? "
Dominique: " Yeah, they want me as a model of the brand."
Richard: " Akala ko ba ayaw mo na nyan? "
Dominique: " Hindi ba pwedeng magbago ang isip? "
Richard: " Hahahaha.. O sige, ingat. "
Binaba na ni Dominique ang phone at nagpatuloy sa pag mamaneho, dumaan naman ito sa isang malapit na coffee shop para bumili nang kape, dahil inaantok pa ito. Pagkatapos niyang iparada ang kanyang sasakyan, ay bumaba ito at pumasok sa coffee shop.
Habang papasok ito sa loob, hindi naman niya napansin ang isang babaeng lumabas dahil busy ito sa pag che check nang kanyang cell phone, at sa di inaasahan, nabangga siya neto at nalaglag ang kanyang cell phone.
Dominique: " What the hell? "
Althea: " Naku- I'm... "
Nabigla si Althea sa kanyang nakita, hindi siya pwedeng magkamali, ang babaeng nasa harap niya ngayon, ay ang babaeng matagal na niyang hinintay. Sobrang galak ang naramdaman ko dahil sa wakas nakita ko siya ulit. Pero parang may biglang nagbago sa kanya. Parang ibang Dominique ang kaharap ko ngayon.
Althea: " I'm sorry. "
Dominique: "Sorry? You dropped my phone! "
Nabigla naman si Althea sa naging tugon ni Dominique sa kanya.
Althea: " Mi--miss, hindi kita nakita. Malay ko bang susulpot ka agad sa harap ko. "
Dominique: " Pag ito nasira, pababayaran ko talaga ito sayo. "
Althea: " Bakit nasira ba? "
Dominique: " Haah! Ikaw na nga tong tatanga tanga, ikaw patong mataray? "
Althea: " Ikaw yong unang nagtaray satin, I said sorry to you in a nice way!"
Dominique: " Aba't sumasagot kapa--- "
Hindi naman na pigilan ni Althea ang di mainis kay Dominique.
Althea: " I'm older than you, so respect me. "
Dominique: " What the hell are you saying? "
Althea: " It's nice to meet you. "
Dominique: " Well, not so nice! "
Ngumisi si Althea na may pag angat ng kilay, sabay alis at iniwan si Dominique.
Naiinis si Althea sa nangyaring pagbangga sa kanya ni Dominique. Hindi niya matanggap ang pagtatagpo nila at ang pagiging mataray ni Dominique. Ngunit sa likod ng kanyang galit, may bahid ng lungkot at pangungulila na bumabalot sa puso niya.