Chapter 5: Wounded

1100 Words
“Who told you to f*****g strip in front of my men, huh?! Did I tell you to strip?!” nanggigigil sa galit na singhal ni Adriano sa kanya. “Bitiwan mo ako Adriano, nasasaktan ako!” singhal ni Peach kamuntik pa siyang ma out of balance dahil nilalagnat pa rin siya. Tinulak siya ni Adriano sa sofa. “Ito ang tatandaan mo Peach, nagbabayad ako ng malaki dito sa Bar para sa serbisyo mo sa akin kaya wala kang karapatang magreklamo sa akin at kung ano lang ang ipapagawa ko sayo, iyon lang ang gagawin mo, naiintindihan mo?!” saad ni Adriano na hinigit pa ulit siya sa braso, akmang hahalikan niya ito ngunit sinampal siya ni Peach ng malakas dahilan upang mabitawan siya ni Adriano. Mabilis siyang tumayo at buong lakas na pinagkakalampag ang pinto na binuksan naman kaagad ni Jorelle. Mababakas ang mga luha sa mga mata ni Peach ngunit pinahid niya lang iyon ng marahas at saka bumaba ng VIP room. Narinig niya pa na pinigilan ni Jorelle si Adriano na bumaba. “Listen to me Jorelle, that’s my woman out there and you work for me so know your place!” mariing saad ni Adriano na sinundan si Peach. Habang tumatakbo ay umiikot na ang paningin ni Peach sa sobrang sama ng pakiramdam, pinipilit niya pang umiwas sa mga taong nadadaanan niya ngunit hindi niya na kaya, bigla na lang siyang bumagsak at nawalan ng malay. “Peach!” singhal ni Adriano habang papalapit sa walang malay na si Peach. “Girls! Si Peach hinimatay!” bulalas ni Lychee, kaagad namang tumakbo palapit sina Apple Berry at Quince na akmang lalapitan na si Peach ngunit kaagad na naglabas ng baril si Adriano. “Don’t you dare touch her?!” singhal ni Adriano, napatili naman sa takot ang tatlong kaibigan ni Peach habang ang mga customer naman sa Bar ay natakot dahil kay Adriano. Kaagad namang lumapit ang mga tauhan ni Adriano sa lugar. Pati na rin si Madam Leah. “Anong kaguluhan to?” tanong ni Madam Leah. “She just fainted and I’m drunk,” saad ni Adriano. “Itago mo nga yang baril mo! Nakakahiya ka, tinatakot mo mga customer dito!” singhal ni Madam Leah kay Adriano, sumunod naman ang binata at itinago ang baril niya. Dinala nila si Peach sa VIP room at inihiga sa kama. Sumunod naman si Lychee, Apple Berry at Quince. “Kamusta na pakiramdam niya?” nag aalalang tanong ni Adriano ngunit nakabusangot pa rin. “Nilalagnat siya, pumasok pa rin, tsk tsk,” saad ni Madam Leah na sinapo ang noo ni Peach. “Eh.. ano kasi Madam eh, iniraos lang namin yung dance performance namin, akala namin uuwi na siya pagkatapos non, tumable pa po pala,” paliwanag ni Lychee. “And now it’s my fault?!” singhal ni Adriano na galit. “Hindi po Sir,” saad ni Lychee na yumuko. “Kasalanan niyo yan, dapat chine check niyong mabuti mga entertainer niyo dito sa club!” singhal pa ni Adriano. “Eh gago naman pala ‘tong isang to eh!” pabulong na asik ni Apple Berry kay Lychee at Quince. “Huy, baka marinig ka, masesante pa tayo,” saway naman ni Quince kay Apple Berry. “Halika na, mag table na lang tayo, naiirita na ako sa pagmumukha ng damuhong ‘yan baka masapak ko pa yan,” saad ni Apple Berry. “Madam, babalik na ho kami sa trabaho,” pagpapaalam ni Lychee. “Sige, buti pa nga, ako na bahala dito,” saad ni Madam Leah at saka tumalikod ang tatlo at lumabas ng VIP room. “Ikaw naman Adriano, ilang beses ko ng sinabi sayo, itago mo ‘yang baril mo at nakakabulahaw ka ng mga tao dito sa Bar, pag yan nalaman ng tiyuhin mo lagot ka na naman!” singhal ni Madam Leah. “Bakit? Isusumbong mo ako? Malakas loob mo?! Porket kabit ka ng tiyuhin ko?! Edi magsumbong ka! Samahan pa kita eh!” singhal ni Adriano. “This is the last time, Adriano, do not create any scene here! May kalalagyan ka talaga!” singhal ni Madam Leah na galit na rin. “Sige na, ako na bahala kay Peach, tinable ko siya, it’s my responsibility,” saad ni Adriano. “Yes but I’m her employer,” saad ni Madam Leah. “Nagpabili ako ng gamot saka pagkain, ako na Leah, sige na, makakaalis ka na,” saad ni Adriano. Sinamaan lang ng tingin ni Madam Leah si Adriano habang dahan dahang lumabas ng VIP room. Alam niyang wala siyang laban dito. Adriano is the f*****g king. She knows that. Maya maya ay dumating na ang gamot at pagkain na pinabili ni Adriano. “Sir, dalhin nyo na lang ho kaya siya sa Penthouse nyo, wag dito sa club, maingay po eh,” suggest ni Jon na isa sa mga tao niya. “Buti pa nga, sige,” saad ni Adriano na medyo nahihimasmasan na. Dinala niya sa Penthouse niya si Peach at dahan dahang inihiga sa kama. Nagpatawag rin siya ng private doctor na titingin dito. “Kamusta ho Doc?” tanong niya sa doktor habang nagpupunas siya ng basang bimpo sa mukha niya. “Over fatigue ang sanhi ng lagnat niya, she will be okay, as long as makakapagpahinga siya ng maayos,” saad ng doktor. “Ah okay, sige, salamat, makakaalis ka na,” saad ni Adriano sa doktor at umalis na ito kaagad. Kumuha si Adriano ng upuan at inilagay iyon sa tabi ng kama at saka naupo doon. “What am I gonna do to you?” tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan si Peach. Ang maliit nitong mukha, ang matangos na ilong, ang mapupulang labi at ang maputi at makinis nitong balat. Napapakagat labi siya na tila gustong matikman ang dalaga ngunit hindi pwede ngayong gabi dahil baka mapano pa ito. Napahaplos siya sa pisngi nito na mainit pa rin hanggang sa bumaba ang paghaplos niya sa leeg at dibdib nito ngunit bigla siyang natigilan ng makita niya ang mga kulay puting guhit na peklat sa tiyan nito, sinuri niya kung ano ang mga iyon at nakumpirma niyang ang mga peklat sa tiyan nito ay mga saksak ng kutsilyo. Tila nabahala siya at gulat na gulat sa nakita. Hindi niya akalaing sa taglay nitong magandang katawan, makinis at maputing balat ay may itinatagong itong napakalalim na sugat ng nakaraan. “Peach, bakit? Sinong nanakit sayo? Ano ang mga peklat na ito? Sino ang walang pusong may gawa nito sayo?” tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan si Peach.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD