Napapikit ako habang sumisigaw sa sobrang takot ko. Akala ko malalaglag na kami pero ilang segundo na ang lumilipas ay wala pa ring nangyayari, kaya iminulat ko nang dahan-dahan ang mata ko.
"What the hell?! Paanong nag ka-bridge dito?!" sigaw ko. May lumitaw na bridge at dumugtong ito sa bangin at sa kabilang dulo. Isa siyang invisible bridge pero lumilitaw ng kusa kapag dumaan ang sasakyan. Its color is golden yellow. Parang magic.
Hindi pa kami umaabot sa dulo ng bridge, biglang parang may Fireworks sa harap ng kotse namin, at bigla na lang kaming nalipat sa ibang lugar. Wala na kami sa bridge at sa gitna ng bangin. My jaw dropped, literal akong napanganga dahil napunta kami sa isang diretsong daan, at sa gilid ng roadway ay may malalago at matataas na puno. Grass, trees and flowers lang ang makikita mo sa paligid. Napakatahimik ng lugar at mahahalata mong naaalagaan ang mga puno. Ipinikit kong muli ang mata ko para masigurong hindi ako nananaginip.
"Dad, where are we?" I asked. My hands were trembling. This place, I don't even know if this is real. Napaka-enchanting ng lugar.
"Welcome to the Magic World, Zecharia," masayang sagot ni dad sa akin at nag-drive lang siya hanggang sa makarating kami sa golden gate, a huge and creepy gate. Paano nalaman ni Daddy ang lugar na ito?
"Wait here," said Dad. Lumabas siya ng kotse at naiwan akong mag-isa sa loob. Hindi ako nakakilos sa inuupuan ko at hindi magawang mag-process ng mga nangyari sa utak ko.
Una, roon sa babaeng naging lalaki. Sunod, sa bangin na may invisible bridge pala. And now, I'm in front of a huge and creepy gate na hindi ko alam kung ano ang nasa loob.
"What a wonderful day, Zech." Bulong ko sa sarili ko. Nakita ko si daddy na nakipag-usap sa isang guard, at mayamaya pa ay bumalik na sa kotse kung nasaan ako. Bumukas ang golden gate at nagdrive si Daddy papasok.
Another roadway, pero may nakakuha ng pansin ko. Ilang minutong nagmaneho si Dad at unti-unti kong nakikita ang lugar kung saan kami pupunta. A mansion? Wait, no. A palace?
"Magical University?" basa ko roon sa nakalagay sa harap ng palasyo. Puro puno pa rin sa gilid. Huminto ang kotse namin, lumabas si Dad kaya lumabas din ako. Pinagmasdan ko ang mala-castle na gusaling nasa harap ko ngayon. Hindi ko maiwasang mamangha.
I swear this place gives me goosebumps. And it makes me feel like I'm standing in an enchanted place.
"Dad, this place is creepy." Kumapit pa ako sa braso ni Daddy kaya napalingon siya sa akin at tinawanan niya lang ako.
"Anak, this place is wonderful. And I know, magugustuhan mo rin ang lugar na ito." He pat my head like he always does.
Pumasok kami sa University, at binuksan ang naglalakihang pinto. Ang tataas ng ceiling, mukhang luma ang mga gamit pero hindi ko maiwasang ma-amaze sa lugar na ito. May kasama kaming lalaki at dala niya ang mga gamit ko.
Picture frames, and paintings are lining the wall. The floor is carpeted, ang payapa ng lugar at ang ganda ng simoy ng hangin. Malayo sa lugar kung saan ako lumaki.
Huminto kami sa harap ng isang mataas na pinto. Binuksan ni daddy 'yon at bumungad sa amin ang napakalawak na kuwarto. May mga libro, mesa na gawa sa kahoy, a fire place. Parang office. Nakita ko ang isang babae. She has an angelic face and a white skin. She looks like one of a royal family. Lumapit siya sa amin na para bang inaasahan na ang pagdating namin.
"Mr. Smith. It's been fourteen years since the last time i saw you." She greeted dad. At nagyakapan sila. It's seems like they know each other way back when. "Nabalitaan ko ang nangyari. And as a leader, gagawin namin ang lahat ng aksyon para malaman ang pakay ni Dale. But as for now, Magical University is open for your princess," sabi niya at bahagya akong nilingon.
"Thank you, Athena. This is my daughter, Zecharia. And Zech, she is Ms. Athena Lincoln. The leader of the five rulers here in University. She is also a principal," paliwang ni dad sa akin. Wait, so this is really a school, huh? Noong nabasa ko ang University sign, I doubted that this enormous place is really a school. Pero totoo ngang paaralan ito. Nakamamangha.
"Hello, Zecharia. It's a pleasure to meet you. Dalaga ka na talaga. How old are you?" she asked. Ngumiti naman ako sa kaniya at naiilang na inayos ko ang tayo ko. Ngayon na lang ulit ako nakipagsalamuha sa ibang tao sa loob ng mahabang panahon. Hindi pa rin ako sanay.
"N-Nineteen years old po," sagot ko. Pero nabaling ang atensiyon ko sa pula niyang mga mata. Napansin niya sigurong titig na titig ako sa mga mata niya kaya mas lalong lumawak ang ngiti niya.
"Can I see your eyes?" nagulat ako sa tanong niya. Bakit ba gusto nilang makita ang mata ko? Napalingon naman ako kay Dad na hindi umiimik.
"I can't. It's my mom's rule. Don't let anyone see my eyes," I calmly, said. Pero nagkatinginan sila ni dad. Na para bang nag-uusap sa mga tingin nila.
"Anak, let her. It's okay." Utos sa akin ni Dad. Agad namang nangunot ang noo ko. It means Dad trusts her, huh? Pero 'yong sinabi noon ni Mommy sa akin...
"But, Dad--"
"She's your Mom's friend. It's okay." Dad assured me. Napabuntong-hininga ako at hinawi ang buhok na humaharang sa berde kong mga mata at diretsong tumingin sa mata ni Ms. Athena.
Shock and recognition were visible in her angelic face. Saglit na binalot ng katahimikan ang buong silid. It's so awkward. Para akong nasa loob ng isang masikip na lugar. Napayuko ako. Inaasahan ko na ang ganoong reaction.
Noon, kapag tinatanong ako ng mga teacher ko kung galing daw ba ako sa ibang bansa kaya ganoon ang mata ko, sinasabi kong hindi. Kaya ang iba ay nagtataka, pero kadalasan, natatakot sila. Kaya wala akong nagawa nang ipatakpan ni Mommy ang mata ko. It's for my own good. Dahil kung hindi ko gagawin 'yon, lalayuan ako ng mga tao. But they did, anyway.
So, I chose to hide my real self. If that's the only way for me to be accepted.
She's still in state of shock. Until she turned her gaze to Dad. "Jeremiah..." Muli siyang natigil sa pagsasalita pagkatapos ay tumikhim. "... She got her mom's eyes, and power," sabi niya na bumagabag sa isip ko. What did she just say? Tama ba ang pagkakarinig ko?
"I know, Athena," sagot naman ni Dad. Tiningnan ko silang pareho with my questioning eyes. I couldn't keep up. Ni hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nila.
"Alam ko na kung bakit gustong kunin ni Dale si Zecharia," muli pang sabi ni Ms. Athena.
Napasapo ako sa ulo ko. This day, is a nightmare, right? Nananaginip lang ako, 'di ba? Kasi there's no way that this is reality!