Zecharia's POV Nagising ako nang may maramdaman akong kung ano sa ilong ko. Minulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang daliri ni Genesis na hinahawakan ang ilong ko. Nakangiti naman siya habang pinagmamasdan akong matulog. "Good morning!" masaya kong bati. Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko. "Let's go, we have to move." Naglakad siya papuntang kotse. Naghilamos naman ako kaagad at nag-ayos para makaalis na kami kaagad. Binalot kami ng katahimikan sa buong byahe. Nakatingin lang ako sa labas nang biglang maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Kaya napalingon ako sa kaniya, pero diretso lang ang tingin niya sa daan. My heart started beating, rapidly. Hinawakan niya lang ang kamay ko pero nagwawala na 'yong buong sistema ko. Ganoon ang epekto niya sa akin. "We're here."

