Dalawang linggo na ang matuling lumipas magmula noong mahuli ko si Donn na may asawa na pala siya. Sa galit ko ay pinalayas ko siya sa hotel na tinutuluyan niya na pagmamay-ari namin kinabukasan dahil ayaw pa rin niya akong tantanan. Binlock ko na rin siya sa lahat ng mga account ko sa social media para hindi na niya ako makontak. Ngunit kahapon lang ay nag-message ulit siya sa akin gamit ang dummy account at nagpaliwanag siya ng lahat-lahat. Yes, he is married indeed. Pero matagal na niyang plano na hiwalayan ang asawa niya bago pa man kami magkakilala. Kaya lang naman siya napilitan magpakasal dahil sa mga magulang niya at sa anak nila. Noong una ay maayos pa raw ang ang takbo ng relasyon nila pero noong kalaunan ay nagbago na ang babae at para na siyang nasasakal dahil madalas lagi si

