CHAPTER SIX

1320 Words
MELCHOR "Salamat, Angkol." Pasalamat ni Jasmine sa inaantok na boses. Nakahiga na siya ngayon sa kaniyang kama. Hinahaplos ko naman ang kaniyang ulo para makatulog siya. "Always welcome baby! Sige na matulog ka na. Hindi ako aalis hanggang hindi ka makatulog. Kapag makatulog ka na mamaya, nasa labas lang ako. Kailangan ko'ng ligpitin ang ginamit sa lamay ng Mama at Papa mo." Mahina ko'ng sabi. Wala na ako'ng nakuhang sagot sa kaniya. Pagtingin ko, napangiti ako dahil payapa na ang kaniyang pagtulog. "Alagaan kita baby, hindi kita iiwan. Ako ang magiging Mama, Papa at Angkol mo. Kahit mahirap, kakayanin ko na ma-alagaan ka ng mabuti at makapag tapos ka ng pag-aaral mo. Hindi ko bibiguin ang mga magulang mo. Tinulungan nila ako nuon, kaya tutulungan din kita." Mahinang sabi ko kay Jasmine. Pagkatapos hinalikan siya sa kaniyang noo at maingat na bumangon. Inayos ko rin ang kumot sa kaniyang katawan at maingat na lumabas sa kaniyang silid. Paglabas ko, napatingin ako sa kwarto ng mag-asawa. Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Parang totoong Kuya at Ate ko na sila. Ang hirap talaga tanggapin na wala na sila. Pero kahit mahirap, kailangan ko'ng maging matatag para kay Jasmine. Dahil ako nalang ang inaasahan ni Jasmine. Dahil kung totoo ang sinabi ni Ate Janine na baka kukunin ng pamilya niya si Jasmine at gawin na katulong, ay kailangan ko'ng maging matapang para ma protektahan si Jasmine. "Kuya, Ate. Mahirap na wala kayo. Pero kakayanin ko para kay Jasmine." Kausap ko sa hangin. Pagkatapos bumaba na ako para maumpisahan ko na ang mga liligpitin ko. Habang naglilinis ako, napatingin ako sa kalsada nang may tumawag sa akin. "Hi Melchor! Gusto mo nang tulong? Pasensya kung wala ako kanina. Sinabi ko naman sa'yo kagabi. Kaya tutulungan nalang kita. Para makabawi." Tawag ni Katrina mula sa kalsada. Parang nagpa cute pa sa akin dahil panay ang hawi niya ng kaniyang buhok. Hindi siya kanina nakasama sa libing dahil may trabaho siya. Nandito sila kagabi sa huling lamay at sinabi niya sa akin na hindi daw siya pinayagan ng kaniyang boss na mag absent. Hindi ko alam kung nagpapansin ba si Katrina sa akin. Dahil panay ang ngiti niya sa akin. Magka edad lang din kami. "Katrina ikaw pala. Ayos lang Katrina, nasa maayos na rin naman ngayon si Ate at Kuya. Saka kaya ko naman kaya h'wag mo na ako'ng tulungan. Saka pagod ka rin sa trabaho mo." Pormal ko'ng sabi. "Ay ganun ba? Gusto sana kitang damayan. Alam ko'ng nalulungkot ka ngayon. Kaya gusto sana kitang samahan." Sabi ulit ni Katrina. Hindi na ako nakasagot dahil biglang dumating si Rachel. Alam ko na magkaibigan silang dalawa at magkapitbahay lang. "Hello, Melchor! Gusto mo nang tulong?" Biglang sulpot ni Rachel sa likuran ni Katrina. Katulad ni Katrina parang nagpapa cute din si Rachel sa akin. Napansin ko na sa tuwing dadaan ako sa bahay nila, nakatingin siya sa akin na nakangiti kahit hindi ko naman kinakausap. Narinig ko rin sa iba na may gusto daw si Katrina at Rachel sa akin. Ngunit hindi ko nalang pinapansin. "Salamat nalang Rachel. Pero kaya ko naman at mabilis lang ito. Salamat sa inyo ni Katrina." Sagot ko. Saka nagpatuloy sa aking ginagawa. Ngunit napatingin ako ulit sa kanila. Dahil mukha silang mag-aaway. "Bruha ka, bakit nandito ka?" Narinig ko'ng sabi ni Rachel kay Katrina. "Ikaw bakit nandito ka? Ako ang nauna dito. Panira ka ng diskarte. Ang akala ko ba nasa kabilang baranggay ka? Bakit ka sumolpot dito?" Mataray na sabi ni Katrina kay Rachel. Napailing nalang ako saka inumpisahan ko ulit ang trabaho ko. "Sinabi ko sa iyo na akin lang si Melchor!" Narinig ko ulit na sabi ni Rachel. "Bakit kayo na ba? Hindi ka nga pinapansin. Kaya kung sino ang sasagutin ni Melchor sa atin. Kailangan tanggapin. Saka matagal ko nang sinabi na may gusto ako kay Melchor." Wika naman ni Katrina. Parang wala ako, kung pag-agawan at pag-usapan nila ako. "Hoy, Katrina, Rachel. Mangarap kayo ng gising. Hindi na kayo nahihiya. Kababae niyong tao nag-aaway kayo sa lalaki na hindi naman kayo gusto. Di ba magkaibigan kayo?" Napatingin muli ako sa kanila nang marinig ko ang boses ni Ate Yuyieh. Napangiti ako sa kanila nang pinagalitan sila ni Ate Yuyieh ang mabait naming kapitbahay. Na tanging siya lang ang hindi tsismosa dito sa aming baranggay. Asawa siya ng Kapitan namin at may dalawang anak. Ang bunso nila ay classmate ni Jasmine. Ang panganay naman nila ay nasa Manila nag ta-trabaho na. Nakita ko si Rachel at Katrina na nakahawak sa dulo ng kanilang damit na parang nahihiya. "Mga dalaga na kayo, kaya umayos kayo. Saka hindi kayo nahihiya na ang pinag-awayan at pinag-usapan niyo ay iyun oh. Naririnig ni Melchor ang pinag-usapan niyo." Wika ulit ni Ate Yuyieh. Habang tinuturo ako ni Ate Yuyieh. "Ikaw kasi, ang dal-dal mo." Sumbat ni Rachel kay Katrina. "Bakit ako? Ikaw kaya ang sumulpot dito at awayin ako. Saka ang lakas kaya ng boses mo." Sagot ni Katrina kay Rachel. "Umuwi na kayo! Hintayin niyo na ligawan kayo ni Melchor kung may balak nga si Melchor na ligawan kayo. Kita niyo naman siya, parang hindi kayo bet." Saad ni Ate Yuyieh sa kanila. Lihim naman ako'ng napangiti. Dahil hindi ko talaga sila type at ayaw ni Jasmine sa kanila. Baka si Jasmine pa ang makalaban nila. "Pasensya na Kapitana. Sige ho alis kami." Paalam nilang dalawa. Saka mabilis na naglakad. "Mag ingat kayo." Sigaw ko sa kanilang dalawa . Ngunit hindi na sila lumingon dahil baka nahihiya sila kay Ate Yuyieh. "Magandang hapon Ate." Bati ko kay Ate Yuyieh habang papalapit siya sa akin. "Magandang hapon din Melchor. Gusto ko lang kamustahin kayo. Si Jasmine kamusta siya?" Tanong ni Ate Yuyieh. "Salamat Ate. Okay naman kami Ate kahit mahirap pa ang pagkawala ni Ate Janine at Kuya Lester. Pilitin namin ni Jasmine na makayanan. Natutulog ngayon si Jasmine. Ngayon lang siya nakatulog ng maayos mula sa limang araw na lamay." Magalang na sagot ko. "Mabuti naman kung ganun. Kung may kailangan kayo at gusto niyo ng tulong. Huwag ka'ng mahiya na lumapit sa amin. Kaibigan ko rin si Janine at Lester kaya naawa din ako kay Jasmine. Sobrang bata niya pa para mawalan ng mga magulang. Pero nan'diyan ka naman para sa kaniya at mabait ka. Kaya pa unti-unti makayanan din iyan ni Jasmine." Tugon ni Ate Yuyieh. "Maraming salamat Ate." Pasalamat ko. "Siya nga pala, h'wag mo nang intindihan ang mga makulit kanina. Ganun lang talaga sila pero mabait naman. Medyo may pagka harot lang. Type ka nilang dalawa kaya baka ligawan ka nilang dalawa." Natatawang sabi ni Ate Yuyieh. Napangiwi nalang ako. Dahil baka nga kung manligaw sila, si Jasmine ang haharap sa kanila at basted kaagad. Habang naglilinis ako, nakipag kwentuhan pa si Ate Yuyieh. Umalis lang siya ng dumating na si Kapitan. Sakto naman na nakatapos na ako. Kaya pumasok na ako sa loob ng bahay para magluto ng hapunan namin. Dahil alas singko na rin ng hapon. Ang akala ko kanina uulan ng malakas pero hindi naman pala. Sobrang tahimik na ng loob ng bahay. Kung dati ang saya at ingay dahil naglalaro si Ate Janine at Jasmine dito sa loob. Nahahabulan sila mula sa sala papunta sa kusina. Pero ngayon sobrang tahimik na. Malakas ako'ng bumuntong hininga saka kumuha ng isda sa freezer. Nag saing na muna ako ng bigas habang hinihintay na matunaw ang ice sa isda. Habang nakaupo ako, hindi ko naman maiwasan na isipin si Kuya Janine at Kuya Lester. Iniisip ko rin kung ano ang gagawin ko sa pera na iniwan nila para sa akin. Bigla ko'ng naisip na marunong pala ako mag repair ng mga sirang gamit at mag kumpuni ng mga sasakyan. Kaya napangiti ako nang maisipan na gagamitin ko ang pera para sa repair at vulcanizing shop sa harapan ng bahay. Total malawak naman ang bakuran. Saka para hindi na ako maghahanap pa ng trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD