CHAPTER FOUR

1725 Words
MELCHOR 4 ------SIX YEARS LATER--------- "Ba-bye, Angkol! Maraming salamat sa paghatid. Ingat pauwi sa bahay!" Magiliw na sabi ni Jasmine. Pagdating namin sa tapat ng kaniyang eskwelahan. First year high school na siya at ako parin ang naghahatid sundo sa kaniya sa eskwelahan. "Pasok na sa loob, saka mag-aral ng mabuti. Tandaan palagi ang mga bilin ng Mama at Papa mo. Saka ang mga bilin ko rin sa'yo." Tugon ko sa kaniya. "Makinig ng mabuti sa teacher. H'wag lumabas sa school kapag hindi ako dumating. H'wag sasama sa ibang tao kapag hindi kilala. H'wag makipag-away sa mga classmate. H'wag mangopya dahil bad. Hintayin ako sa loob ng campus, lalo-lalong na h'wag magpa ligaw dahil bata ka pa." Nakangiti niyang sabi. Napailing nalang ako dahil kabisado niya na, ang mga bilin ko sa kaniya. Iyan kasi ang palaging pinapa alala ko sa kaniya sa tuwing umaga bago ko siya ihatid sa eskwelahan. "Lahat na iyun Angkol tandang-tanda ko at saulado ko na po. Saka good girl po ako kaya lahat nang bilin niyo po susundin ko po Angkol." Magiliw niyang sabi. "Very good!" Nakangiti na sabi ko saka ginulo ang kaniyang buhok. "Angkol talaga, bakit mo ginulo? Hindi pa naman ako marunong maglagay ng clip sa buhok ko." Reklamo niya habang nakanguso. Kahit 13 na siya, parang bata pa talaga. Kapag hindi mo alam ang edad niya. Mapagkamalan mo'ng 15, dahil dalaga na siya tingnan. Pero ang isip bata pa rin. Ang lambing niya at ang bait. Saka matalinong bata. "Talikod na, ayusin ko na mahal na prinsisa." Pagbibiro ko sa kaniya. Kaagad naman siyang tumalikod sa akin. Kinuha ko ang clip sa kaniyang buhok at kinuha ang suklay sa bulsa ng kaniyang bag. Pagkatapos inayos ko na ang kaniyang buhok. Ako rin kasi ang nagsusuklay at naglalagay ng clip o minsan ribbon sa kaniyang buhok. Pagod na kasi sa trabaho si Ate Janine at Kuya Lester. Kaya bilang balik sa kabutihan nila sa akin. Tudo alaga at asikaso ko rin si Jasmine na parang bunsong kapatid. "Ayan na, tapos na mahal na prinsisa. Maganda ka na ulit. Pasok na, baka ma late ka na. Uwi na rin ako. Lahat na mga bilin namin tandaan mo." Nakangiti na sabi ko sa kaniya. Humarap siya sa akin at nag beautiful eyes na palagi niyang ginagawa kapag sinabihan ko siyang mahal na prinsisa. "Maraming salamat Angkol. You're the best Angkol in the whole world." Pa cute niyang sabi saka naglakad na papunta sa loob ng campus. Hinintay ko muna siyang tuluyan makapasok sa loob ng eskwelahan bago binuhay ang motor para bumalik na sa bahay. Nuon n'ong elementary si Jasmine sumasakay lang kami sa trysikel kapag ihahatid ko siya sa eskwelahan dahil hindi pa ako pwedi mag drive ng motor dahil under age pa ako. Pero n'ong nag 20 na ako kumuha si Kuya Lester ng motor para sa akin. Kumuha na rin ako ng student permit. Para daw service sa paghatid at sundo kay Jasmine. Si Kuya Lester naman ang naghahatid at sundo kay Ate Janine. Ang bilis lang ng panahon, anim na taon na ako dito mula nang napadpad ako sa Bayan ng Santo Birhen. Seventeen lang ako nuon n'ong una ko'ng dating dito. Ngayon 23 na ako, naging maayos ang buhay ko kasama ang pamilya na tumulong sa akin. Ako lahat ang gumagawa ng trabaho sa loob ng bahay. Taga-luto, taga-laba, taga-linis. Nag-alaga at naghahatid sundo kay Jasmine sa eskwelahan. Ako rin ang tumutulong sa paggawa ng kaniyang mga assignment. Tinuring ako ni Ate Janine at Kuya Lester na pamilya. Kaya lahat na kabutihan ginawa ko para makabawi sa kanila. Buwan-buwan nagpadala na rin ako kay Nanay. Pero si Ate Janine ang pangalan ng sender para hindi ako mahanap. Nasabi ni Nanay sa akin na naniwala daw ang pamilya ng batang na rape. Na hindi ako ang gumawa sa kaniya. Dahil bago nabawian ng buhay ang bata. Nasabi niya pa daw sa kaniyang Nanay na hindi ako ang nag rape at ako ang tumulong sa kaniya. Pero ginigiit daw ni Kapitan Gareth na nakita niya ako, na ako ang nag rape. At siya talaga ang naghahanap sa akin para makulong daw ako. Nang nalaman ni Kuya Lester at Ate Janine. Napaisip sila na baka daw si Kapitan Gareth talaga ang nag rape dahil sa kwento ko din sa kanila, na si Kapitan Gareth ang tumawag ng pulis. At bakit siya lang ang may gusto na mahuli ako? Samantala ang pamilya ng biktima ay hindi na humabol ng hustisya dahil wala silang laban at walang pera. Pero naisip ko na kapag magka pera lang talaga ako. Ako ang hahanap ng tamang hustisya para sa bata. Pagdating ko sa bahay, dahil hindi naman ako magluluto ng tanghalian. Dahil mag baon naman si Jasmine. At may natirang pagkain pa ka kanina kaya iyun ang kakainin ko mamaya. Nag linis nalang ako ang buong bahay. Daily routine ko na ito kaya sanay na ako. Palagi ako'ng napagkamalan na bakka. Dahil bakit daw trabaho ng babae ang trabaho ko. Bakit daw hindi ako nag ta-trabaho nang panglalaki na trabaho. Kumpulan ako ng tsismis ng mga tsismosa lalo sa tindahan kapag magkataon na may bibilhin ako. Na kesyo ang laki daw ng katawan ko, macho, matangkad. Pero sayang dahil bakla daw ako. Hindi ko nalang pinapansin dahil hindi naman totoo ang mga sinabi nila. Hindi porket marunong ng pang babae na trabaho ay bakla na. Mabuti nalang wala silang alam kung bakit ako napunta dito. Siguro kung alam ng mga tsismosa. Malamang nahuli na ako ng mga pulis. Ang tanging alam kasi nila ay pinsan ako ni Kuya Lester galing probinsya. Sa anim na taon ko dito sa Santo Berhin. Marami na rin ako'ng nakilala at may mga kaibigan na rin. Pagkatapos ko'ng malinis ang buong silid ng bahay. Kinuha ko na ang mga maruming damit para labhan. Kahit may washing machine. Gusto ko kusotin dahil parang mas malinis pa, kapag kinukusot. Ang under wear at bra ni Ate Janine at Jasmine ay si Ate Janine ang ngaglalaba. Dahil private na nila iyun. Bit-bit ang basket na may maruming damit ni Ate Janine, Kuya Lester at Jasmine. Tumungo na ako sa likod bahay para maumpisahan ko na. May gripo sa likod bahay kaya mas gusto ko na duon maglaba. Minsan naliligo na rin ako pagkatapos ko'ng maglaba. Pagdating ko sa likod bahay, inumpisahan ko rin kaagad maglaba. Kaunti lang naman ang labahan ko kaya mabilis ko lang natapos. Alas-onse ng umaga pagkatapos ko maglaba. Dahil wala na ako'ng trabaho. Pumasok muna ako sa kwarto para magpahinga. Alas-tres pa naman ng hapon susundin ko si Jasmine. Habang si Kuya Lester at Ate Janine alas-sais o di kaya alas-siete ng gabi sila makauwi. Minsan maraming costumer si Kuya Lester sa kaniyang buy and sell. Si Ate Janine naman tinatapos ang trabaho sa eskwelahan dahil pagdating sa bahay. Nag ba-bonding sila ni Jasmine. Pagkahiga ko sa kama. Kaagad rin akong nakatulog. "Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Parang nag-alinlangan pa akong sagutin dahil hindi pangalan ni Ate Janine o Kuya Lester ang tumatawag. Hindi ko kasi basta-basta sinasagot kapag hindi naka registered ang tumatawag dahil baka si Kapitan Gareth. Baliwalain ko sana pero ayaw tumigil sa pag ring. Kaya kahit kinakabahan ako, kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa side table saka sinagot pero hindi ako nagsalita. "Hello this Melchor Fernandez? Nurse ho ako dito sa ospital sa Santo Berhin. Kailangan mo'ng pumunta dito dahil ang mag-asawang sina Janine at Lester ay naaksidente. Si Ma'am Guevara ang nagbigay ng number mo sa akin para tawagan ka." Bungad sa akin pagka sagot ko ng tawag. Napabalikwas ako sa kama sa gulat at kaba. Mula sa sinabi ng nurse. "Ano-ano ho?" Tanging nasabi ko. Parang na blanko ang utak ko sa narinig. "Bilisan mo na, pumunta ka na dito. Kailangan mong puntahan sila. Kailangan ka nila." Huling narinig ko na sinabi ng nurse bago pinatay ang tawag. Kahit hindi pa nag sink-in sa utak ko ang nangyari kay Ate Janine at Kuya Lester. Tumakbo ako palabas ng bahay. Nanginginig ang kamay ko habang binubuhay ang motor. Habang nasa daan ako, samo't sari ang iniisip ko na hindi ko alam. Kung bakit nasa ospital si Ate Janine at Kuya Lester. Paano si Jasmine kapag malaman niyang naaksidente ang kaniyang mga magulang. Bakit sila naaksidente. Hindi ko mapigilan na tumulo ang aking luha sa kaba at takot para kay Ate Janine at Kuya Lester. Mabuti malapit lang ang ospital. Kaya nakarating ako kaagad. "Saan ang pasyente na si Janine at Lester Guevara?" Tanong ko kaagad pagdating ko sa information station. "Nasa loob ng emergency room." Sagot ng nurse. "Salamat ho ma'am." Pasalamat ko at tumakbo papunta sa emergency room. Pagdating ko sa emergency room. Nagtanong ako kaagad na kung nasaan ang mag-asawa na naaksidente. " Ikaw ba ang kamag-anak ng dalawang naaksidente na namatay?" Tanong ng Doktor "Ho?" Gulat at hindi makapaniwala na tanong ko. "I'm sorry pero hindi nakayanan ng mag-asawa, kaya bumigay sila. Dadalhin na sana namin sila sa operating room. Ngunit biglang nag flat line." Paliwanag ng Doktor. Napasinghap ako at biglang napaluhod sa sahig. "Hindi, hindi. Doktor hindi totoo ang sinabi niyo. Nasaan si Ate Janine at Kuya Lester." Hestirical ko'ng sabi. Nanginginig ang buo ko'ng katawan. "Ikaw si Melchor Fernandez? Ako ang tumawag sa iyo. Magkakilala kami ni Janine. Bago siya nawalan ng buhay. May sinabi siya sa akin. Sinulat ko para ibigay ko daw sa iyo. Condolence, Hmhindi nakayanan ng mag-asawa ang natamo nila sa kanilang ulo." Sabi ng nurse. Nagpaalam ang Doktor ngunit parang wala ako'ng narinig. Halo-halo ang emotion na naramdaman ko. Kaba, takot gulat at hindi ako makapaniwala sa nangyari. Ngayon pa lang naawa na ako kay Jasmine. "Ayon sila, saka ito ang sulat." Wika ulit ng nurse. Hinatid niya ako sa harapan ng kama. "Ate Janine, Kuya Lester. Paano si Jasmine. Bakit, bakit kayo pa? Bakit? Kawawa si Jasmine ang bata-bata niya pa para mawalan ng mabait na magulang. Ate. Kuya bumangon kayo diyan." Malakas ko'ng iyak habang yakap ang dalawang tao na nabalotan ng puting tela. "Ate Janine, Kuya Lester! Bumangon kayo diyan please. Paano na si Jasmine. Kuya, Ate." Patuloy na sigaw ko habang ni-yog-yog sila. Na baka magising pa sila. Ngunit kahit anong tawag ko at yog-yog sa kanila. Ayaw na talaga nila magising hanggang sa kinuha na sila at dinala sa morgue.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD