JASMINE "Mag-ingat ka, tawagan mo ako kapag masama ang pakiramdam mo. May nilagay ako'ng gamot sa lunch box mo. Saka damihan mo ang pag-inum ng tubig." Bilin ni Angkol sa akin. Lunes ng umaga kaya nasa harapan na kami ng university. Alam ko'ng nagtatampo siya sa akin sa ginawa ko kahapon. Hindi ko siya nagawang kausapin mula kahapon hanggang ngayon. Kahit sa sasakyan tahimik kami hanggang sa makarating kami sa university. Nakaramdam ako ng hiya at guilt sa ginawa ko. Dahil wala naman siyang ginawa na masama. Kaya nahihiya ako'ng kausapin siya. Kahit hindi ako nagsasalita, inasikaso niya pa rin ang pagkain at baon ko. Yes hanggang ngayon may dala pa rin ako'ng baon na lunch, dahil ayaw ko'ng kumain ng ibang food. Gusto ko lang kainin ang gawa ni Angkol. "Salamat." Maikli ko'ng sagot haba

