TALAGANG nakakalungkot pala 'yung pakiramdam na may nagtampo sa 'yo, 'yung kahit na masaya ka naman sa naging desisyon mo, pero may kabilang parte pa rin ng puso mo na nalulungkot dahil may isang tao kang nasaktan sa pagiging masaya mo. Mula nang nang araw na pinili ko si Captain, simula nu'n ay hindi ko na nakita pa si Lieutenant Rex, dahil tuluyan na itong hindi nagpakita matapos umalis; naglaho na lang na parang bula; kahit sa text or tawag ay walang paramdam, at kahit 'yung kanyang mga gamit ay hindi na binalikan pa sa bahay. Nang tanungin ko naman si Captain kung ano na ang nangyari, ang sagot lang sa akin ay busy na si Lieutenant dahil pinabalik na ito ng ahensya at binigyan na ng special mission. Hindi ko alam kung totoo ba 'yun, o sadyang sinabi lang sa akin ni Captain 'yun para
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


