DAHIL sa nangyaring suntukan nina Captain at Lieutenant ay pati ako nadamay. Nalaman na ng lahat na hindi ako tunay na lalaki kundi nagpapanggap lang. At dahil sa mga nangyari ay sinuspended kaming tatlo ng director; ako na na-suspended dahil sa pagpapanggap ko, at sila naman dahil sa pagsusuntukan nilang dalawa. Kaya ang ending, napaalis kaming tatlo sa isla. Suspended silang dalawa ng three months, at ako ay malalaman ko pa raw kung puwede pa ba akong bumalik sa ahensya o hindi na. Nalulungkot ako at nanghihinayang, natatakot na baka hindi na talaga ako puwedeng bumalik sa pagiging agent. Parang bigla akong na-stress, dahil malaking kawalan sa akin kapag tuluyan na akong matanggal sa pagiging agent. Ang dami ko na kaya sakripisyo sa mga training, tapos mababalewala lang pala. Talagang

