KHEN POV
Kung intense kanina ang laro... mas lalong naging intense ngayun... lalo na at nakakabigla ang kakaibang kilos ni JD...para itong naging halimaw sa gitna ng court.
"Woah ...!! I didn't know that JD can play better kung magseseryuso lang ito... does it mean ang ipinapakita niyang laro sa practice game ay kalahati lamang sa totoo niyang laro.." humahanggang sabi ni Jasper.
Sunod sunod silang pumapalakpak dahil magkakasunod din ang shoot ni JD.
Then muling nagkatapat sina Vonn at JD.. dumidepensa ang team namin habang nasa team nila Vonn ang bola.
Nang ipasa kay Vonn ang bola bigla nitong siniko si JD kaya napaatras ito ,mabilis namang pumasok si Vonn sa ilalim ng ring at nilay up ang bola.Kaya score sa team nila Vonn.
"It's a foul..." reklamo nina Jasper na nakita din nila ang pagtulak kay JD . Pero walang violation na tinawag ang referee kaya tuloy ang laro at nang matapos ang third quarter. Lamang ang team nila Vonn ng 5 points at bakas nadin ang pagod sa team namin.
Habang naghihintay kaming magsimula ang 4th quarter..biglang nagvibrate ang cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha at tinignan.
"Don't forget..what you said.. i will wait for you at the music club.. tomorrow at 4pm." sabi ng message.
"Sino naman to..?" tanung ko. Nakibasa naman ang dalawa sa tabi ko.
"Di ba obvious Bro , ikaw mismo ang makakasagot diyan sa tanung mo..!!" sabi ni Chris.
"Pano naman niya nalaman tong number ko..?" tanung ko dahil sa pagkakaalam ko wala pa akong binigyan nitong cp number ko.
"You still don't know him... baka mas lalong magulat pag pati dorm mo alam niya." natatawang sabi ni Chris.
"you should prepare your self Khen..i know JD will do eveything para makasali ka sa Club niya .."sabi naman ni Jasper.
"What do you mean...?" maang kung tanung.
"Just watch.." sabi ni Jasper at ininguso ang gawi nila JD. Kahit malayo alam kung nakatingin siya sa side namin.
Nagsimula na ulit ang last quarter... nagtaka naman kami dahil hindi muna naglaro si JD at dahil doon mabilis na nakalamang ng sampo ang kalaban.. five minutes nalang ang natitira sa last quarter ng ma tumba ang isa sa mga kateam ni JD dahil napatid ito ng kateam din ni Vonn, Kaya tumayo na si JD at nag sub sa kaniyang kasama.. bakas ang madilim nitong aura habang papasok sa loob ng court.
Napansin kung ngumisi si Vonn kay JD. Pero nakatingin lang si JD dito with his straight face.
Nasa team nila Vonn ang bola ng ipasa ito ng kasama ni Vonn sa kaniya.. biglang tinapik ni JD ang papalapit na bola at nakuha iyon ng kasama niya, then mabilis na umikot si JD kaya hindi ito nasundan ni Vonn agad namang pinasa kay JD ang bola at agad niyang nishoot ang bola. Naghiyawan naman ang mga taga GU dahil doon. Tumira ang kasama ni Vonn ngunit nag mintis ito agad nirebound ni JD ang bola at mabilis na tumakbo sa kabilang ring..pumwesto siya sa threepoints corner at muling inihagis ang bola... Nagtayuan kami ng deritsong papasok sa loob ng ring ang bola kaya ang lakas ng sigawan ng mga babae at napapalakpak naman kami. Last Two minutes at bumaba sa 2 ang lamang ng DSC. Tumawag ng time out ang team nila Vonn kaya nagsibalikan muna sila sa kanilang bench .
Halos hindi din kami makahinga dahil sa intense ng laro..at lahat kami nag aabang kung sino ang mananalo.
Muling nagvibrate ang phone ko at may message na namang dumating
"Just say Yes and i will finish this game.. just like you wanted me to do.." sabi nito.
"Bro replyan mo na nang Yes...!!" sabi ni Jasper.
"Kung hindi mo kaya ako na ang magrereply." at kinuha nito mula sa kamay ko ang cellphone.. pero bago pa nito maesend hinablot ko ulit ang cellphone ko.. ngunit hindi ko namalayan na napindot ko na ang send button.
Shock na Nagkatinginan kaming tatlo.
"Congrats Bro...!" sabi ni Jasper.. at tinapik ako sa balikat at nag high five pa ang dalawa.
Napatingin ako sa gawi ni JD.. nangunot ang noo ko when i saw him smiling...
"What the heck...Did he just smile...?" tanung ko sa dalawa.
Ngunit pumito na ulit ang referee, Last 2 minutes nalang ang natitira sa kanilang shot clock.
Nasa team nila Vonn ulit ang bola.. isang maling galaw lang ng team nila JD ay mas lalaki pa ang lamang ng kabilang team at mawawalan na ng pag asang manalo pa kami sa kakaunting oras na natitira.
Nasa harap ni Vonn si JD dahil hindi maipasa ng kasama ni Vonn sa kaniya ang bola sa higpit ng bantay ni JD naisipan nitong Ipasa sa isang kasama nito ang bola.. ang hindi nila alam simula palang ito na ang plano ni JD. Pagkabitaw ng kasama ni Vonn ng bola sa isang iglap biglang nawala si JD sa harap ni Vonn.. at ng lumingon si Vonn malayo na si JD at hawak na nito ang bola..
"Baba..!! Baba ..!!" sigaw ni Vonn sa mga kasama... ngunit huli na sila dahil naihagis na ni JD ang bola..mula sa 3 points area..
Saktong pumasok ang bola ng tumunog ang buzzer.. hudyat na tapos na ang laro..
Nagsitayuan lahat ng mga taga GU at sinisigaw naman ng mga babae ang pangalan ni JD. Masaya naman kaming pumapalakpak para sa team nila JD.
Halata naman ang inis sa mukha ni Vonn. Dahil sa nangyari .
Nagsibabaan naman ang mga taga GU at lumapit sa grupo nila JD. Naiwan naman kaming tatlo sa taas kasama ng iilang estudyante.
"Baba tayo..!" sabi ni Jasper.
"There's no need..." sabi ko at tumayo na para umalis.. Ngunit ang dalawang mokong bigla akong hinila palapit kina JD.
Sumingit pa ang mga ito para makadaan sa mga nagkukumpulang mga estudyante.
"Hala..bakit terno sila ng jersey...does it mean our JD is already taken...?" sabi ng isang estudyante.
"My gosh... It can't be, i envy him more now...!!" sabi pa ng isa.
Napalingon naman si JD sa amin ng makita kaming lumapit. A smile curved on his lips then sumenyas itong lumapit ako sa kaniya. Tapus naramdaman ko nalang na itinulak ako ng dalawa..kaya nakalapit ako kay JD. He then took my bottled water.
"Hey I already drink on it.." sabi ko sa kaniya.Ngunit balewala lang dito ang sinabi ko at uminom ito sa bottled water ko.
"Thanks for this.. " sabi nito ng maubos nito ang laman ng tubig.
"Oyy ...picture!!! picture...!!!"sigaw pa ng dalawang mokong.
Nakamaramdam na ako ng hiya dahil sa dami ng mga estudyanteng nakapaikot sa amin. Kinuha ni JD ang cellphone niya at inabot sa kasama nito. Then umakbay ito sa akin at humarap sa camera. Kaya wala akong nagawa kundi ang tuminhin din sa camera.
"We're going out tonight with the team.. just go home and rest.. " sabi nito at tinapik ang balikat ko bago ito umalis at sumunod nadin dito ang mga kasamahan nito. Kaya naglakad nadin kami palabas ng gym na tila lutang padin ako sa mga nangyayari.
Nang makarating ako sa dorm ko..Agad akong nagpalit ng damit. Then napatingin ako sa jersey na suot ko kanina.
"Why did he gave me this..?" tanung ko sa sarili ko. I didn't know that wearing his jersey can gain a lot of attention from his fans.
Humiga ako at naisipan kung buksan ang page ng school.
Bigla akong napaupo ng mabasa ang post ng isang estudyante mayroong nakalagay na caption sa picture namin ni JD na kuha sa gym.
" Did Our Prince Charming JD is already taken? "
Then nakita kong may nagcomment sa ibaba.. nagsalubong ang kilay ko ng malamang account ito ni JD at ang comment nito sa ibaba ang talagang nakakuha sa atensyun ko, dahil ito lang naman ang comment nito.
" Yes.."
JD POV
Pagkatapos ng laro napansin ko ang matalim na tingin ni Vonn sa akin na tila hindi nito tanggap ang pagkatalo, then may babaeng lumapit dito at kinausap ito, then inakbayan ito ni Vonn at sabay na silang lumabas ng court., Napatingin ako sa gawi nila Khen at nakita kung pababa sila sa bleachers at mukhang lalapit sa gawi namin. A smile curved on my lips as i saw him wearing my jersey. Actually pinagawa ko din yung jersey na suot nito kasabay ng sa akin. But never ko itong sinuot dahil i plan to give him that pag magkita kami ulit. Hindi ko sukat akalain na darating ang araw na ito at makikita kung suot nito ang jersey.
JK ang nakasulat sa likuran ng jersey dahil sa initials ng pangalan namin at number 16 naman ang number nito katulad ng sa jersey ko dahil May 16 kami unang nagkita ni Khen sa Resto bar.
Napansin kung bahagya itong itinulak ng mga kaibigan nito kaya nakalapit si Khen sa akin. I saw him holding a bottked water na may kaunting bawas... agad kung kinuha sa kamay nito ang tubig at ininom kahit pa sinabi nito na nainuman na nito ang bottled water.
So what... i don't care kahit nainuman pa niya ito.. He will going to be my boyfriend anyway..
Kasama ko ang mga kateam mates ko ngayun to celebrate our win... ayaw ko din sanang sumama ngunit pinilit ako nila coach dahil kasama din ang mga ito.
Habang nag iinuman sila, hawak ko ang cellphone ko at napapangiti ako dahil sa mga post ng mga estudyante sa University Page. Halos mga pictures namin ni Khen kanina ang nakikita ko..at mukhang pinagkakaguluhan ito ng mga estudyante.
Then i saw a post with a caption "Did Our Prince Charming JD is already taken? "
I type something in the comment section.
Then i heard one of my team mates na tila nanunudyo.
"Oi... Our Captain already confirmed that He is Already Taken..!!" malakas na sabi nito.
"Wow...congrats JD..!!" sigawan naman ng mga kasama ko.
"Let's toast to that...dahil nanalo tayo ngayun at sa wakas may nakakuha nadin ng pansin ng team Captain natin...!!" sabi naman ng isa at itinaas ang mga beer na hawak ng mga ito.
Napapailing nalang ako at lihim na napangiti.. also i am looking forward sa pagsali ni Khen sa Music Club