KHEN POV
Pagkatapos ng meeting nagdesisyun na kaming mag uwian ,Papalabas na kami ng silid na yun ng may lumapit sa aming isang kasamahan namin sa club na si Mike.
"Hey.. ahm..do you guys wanna come with us.. were going to celebrate..it's Aaron's birthday at pupunta kami sa isang restobar." sabi nito na tila nahihiyang mag aya sa amin particularly kay JD.
"I have a practice.." sabi ni JD
"How about you Khen..?" tanung ni Mike.
Nag aalangan akong sumagot pero mukhang maganda ngang makipagbonding sa mga ito para mas makilala ko pa sila..at isa pa bawas bawas din ng stress sa ilang araw na puro quizzes nalang ang inaatupag ko.
"Ahmm sure..! that's sounds good..!" nakangiti kong sabi dito.
"You really going with them?" tanung ni JD in a serious face.
Nakangiti akong tumango dito. "Yeah..!"
Maglalakad na sana ito palabas ng pigilan ko ang braso nito.
"You should come too... minsan lang naman to.. you can practice anytime naman..!" sabi ko.
Bago pa ito makapagsalita.. nag silabasan na ang mga kasama namin.
"Let's go...simulan na natin ng maaga para makauwi ng maaga...!" sabi ni Aaron ang birthday celebrant.
Nang hilahin ko si JD wala itong nagawa kundi ang sumunod nalang din na akala mo pinilit, pero alam ko deep inside gusto din naman nitong sumama.
Nakarating kami sa Blossoms RestoBar.. hindi ito kalayuan sa school namin. Mabuti na lamang at above 18 na kaming lahat kaya pinayagan kaming pumasok.
Kumuha ang mga kasama ko ng pang maramihang puwesto para magkasya kaming lahat, Puro lalaki lang din naman kami dahil hindi sumama sila Trina. Umupo naman si JD sa tabi ko.
Then they started to order foods and drinks.
Masayang nag uusap ang grupo habang nakikinig lang kami ni JD.
"How about you Khen...don't you have any girlfriends dun sa dati mung school..sa mukha mung yan mukhang lapitin ka din ng chicks ei?" tanung ni Mike ng lumingon ito sa akin.
"Ah..that...I never had any serious relationships." pilit ang ngiting sabi ko. Umangat naman ang isang sulok ng labi ni JD dahil sa sinabi ko.
"Hmm..malay mo dito pala sa GU ka magkakaroon ng lovelife.." panunudyo naman ni Luis.
"Malabo yan pre..!" singit naman ni Richie.
Napalingon tuloy kami sa kaniya at naghihintay ng sasabihin pa nito
Isang makahulugang ngiti ang nasa mukha nito bago magsalita ulit.
"Dahil halos ang mga magagandang chicks dito sa school ay halos nakatingin lamang sa iisang lalaki.." sabi nito sabay nguso kay JD.
"Tsss.." sabi lang ni JD sabay inom ng beer.
Natatawa ngunit napapailing nalang kami sa sinabi nito. Totoo naman talaga ang sinabi nito halos lahat naman ng babae sa school iisa lang ang gusto.
"Ahemm..so JD sa dami ng nagkakagusto sa'yo, meron na bang nakakuha ng atensyun mo..?" tanung ni Aaron.
"Yes..." sagot ni JD na hindi man lang nag alinlangang sumagot. Kaya napalingon din ako sa kaniya and found him starring back at me.
Nakaramdam ako ng pag iinit ng pisngi hindi ko alam kung epekto ng alak na nainom ko or dahil sa sinabi nito. Why is he starring at me again..?
"Well since someone already catches JD's attention....Let's Cheers for that..!!" sabi ni Aaron at itinaas ang baso nito. JD also raise his glass kaya sumunod nadin ako.
JD POV
Wala sa plan ko ang sumama sa birthday celebration ni Aaron dahil never naman talaga akong sumama sa mga ganitong kasiyahan. But as i heard that Khen will going out with them i had a second thought, at hinila na niya ako para sumama, sumunod nalang din ako sa kaniya. He's the only reason why kung bakit ako nandito ngayun sa Blossoms Restobar kung saan dati ko ding pinupuntahan para mag gig. Iniiwasan ko na sanang bumalik sa lugar na ito because of what happened in the past, but this time i have no choice dahil dito nila gustong magcelebrate.
Hindi ko gusto na pinag uusapan ang buhay ko ng ibang tao.. but when they asked me kung may nagugustuhan na ako. I can't stop my self from answering them... I said Yes habang nakatingin kay Khen dahil yun naman ang totoo.. He might not know it...but I am referring to him.
Nananatili lang akong tahimik habang patuloy na nag uusap ang mga kasama ko at then someone approach us.. isang taong matagal ko nading kakilala.
"JD is that you...? matagal ka nang hindi pumapasyal dito ah..!" nakangiting sabi ni Sammy ang Manager nitong Blossoms.
Tumayo ako at nakangiting nakipagkamay dito.
"Sammy..! Naging busy lang sa school .." sabi ko sa kaniya.
Napalingon ito sa grupo namin. "It's the first time i saw you here with your friends..!" sabi nito.
"Just celebrating one of our club member's birthday." sagot ko at tinuro si Aaron.
"Really it's the first time, i heard that from you..akala ko hindi ka na talaga babalik pa dito.. this place missed you and the band."
Napatikhim ako para ipaalam dito na ayaw ko ng pag usapan ang bagay na yun.. madali naman nakuha ni Sammy ang ginawa ko kaya bigla nitong iniba ang usapan.
"Oh...I have an idea... if you want puwede kang magperform tonight... in return gagawin kung libre ang mga order niyo...what do you think..?" nakangiting tanung nito. I am speechless for a moment dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot kay Sammy. Ngunit narinig kung nagpalakpakan ang mga kasama namin sa sinabi nito at halatang natuwa ang mga ito.
"Go JD ...!!" sabi nila Mike at Ritchie.
Lumingon naman ako sa gawi ni Khen, na nakangiting nag thumbs up sa akin at bahagyang lumapit sa tabi ko.
"Just a few songs ..." pabulong niyang sabi . I glance at him again..how can i just say no pag ito na ang nagrequest.. muli akong lumingon kay Sammy.
"Sure..!" sabi ko.. Natuwa naman si Sammy dahil pinaunlakan ko ito. Agad namang nagpaalam si Sammy at sinabing sumunod nalang ako dito . Kinuha ko muna ang dala kung gitara at nagpaalam sa mga kasama ko at kay Khen.. nakangiti naman itong tumango. Then naglakad na ako papunta sa mini stage ng restobar.
Habang nakaupo ako sa gitna at nakatingin sa aking gitara... I sighed dahil muling bumalik ang ilang ala ala ng nakaraan... hindi agad ako makapag strum ng gitara dahil nasisira ang focus ko..
Then i heard someone from the crowd..kaya napaangat ako ng tingin.. it was Khen... malawak ang ngiti nito habang nakatingin sa akin.
"Go JD..."Sigaw nito at nagpalakpakan naman ang mga kasama namin ganun din ang ibang customers and that becomes my cue.. i hold up the mic and said something.
" Good evening everyone, I am going to sing a songs for you tonight..Hope you'll enjoy this song.." sabi ko at nagsimula ng mag gitara.
"Nag-iisang pag-ibig ang nais makamit yun ay ikaw
Nag-iisang pangako na di magbabago para sayo
San ka man sana'y maalala mo
Kailan man asahan di mag kalayo
Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik
Hindi malilimutan mga araw natin kay sarap balikan
At lagi mong isipin walang ibang mahal kundi ikaw
Malayo ka man sana'y maalala mo
Kailan man pangako di mag kalayo
Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik
San ka man sana'y maalala mo
Kailan man 'asahan di mag kalayo?
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa gawi ni Khen Habang kumakanta. He made me sing in this place again...the place were me and my band use to hangout before.., this place has a happy and also painful memories.
KHEN POV
Hindi ko maalis ang paningin ko kay JD habang kumakanta ito. He voice still the same impact on me.. when i first heard h singing before.
"Alam mo ba Khen... ngayun lang yan nakasama si JD sa lakad namin. Kahit sino mag aya jan para umattend ng ganitong celebration ay hindi talaga sumasama yan.." sabi ni Mike.
"Tama.. palaging may sariling mundo yang si JD simula ng sumali siya dito sa Club..noon kasi hindi siya sumali dahil may sarili siyang grupo yung G4 ba yun..?kaya madalas siyang busy." dugtong naman ni Ritchie.
Biglang pumasok sa isip ko ang pangalan ng grupo nito nung unang araw na nagkita kami sa RestoBar doon sa amin.
"So anung nagyari sa dating grupo niya?" curious kung tanung. Nagkatinginan ang mga ito.
"We don't know...kung anu talaga ang nangyari... dahil hindi naman dito nag aaral ang ibang kagrupo niya.. we just heard from his fans na umalis daw siya sa grupo dahil bumalik ang dati nilang vocalist, saka siya kinausap ni Trina at isinali dito sa music club" sabi ni Aaron.
Hindi na ako nagtanung pa sa mga ito at nakatingin lang ako kay JD, anu man ang naging issue nito sa dati nitong kagrupo ay tanging ito lamang ang nakakaalam.
"But he changed since you came.. I saw him smiling again.." sabi ni Ritchie. Kaya napakunot noo naman ako.
"Magkakilala na ba kayo before at mukhang close na kayung dalawa..?" tanung naman ni Aaron.
Napailing ako sa tanung nito. "No!.. dito ko lang siya nakilala.." seryusong sagot ko habang nakatingin padin kay JD.
"What..?!! are you sure...?!!" hindi makapaniwalang sabi ni Mike at ganun din ang reaksyun ng iba naming kasama at nagkatinginan ulit ang mga ito.
"Hindi naman kaya totoo?" pabulong na sabi ni Mike sa akin.
"Anung totoo..?" balik na tanung ko dito.
"Na may gusto sa'yo si JD...?" paliwanag nito.
"Sa akin...?!! bakit naman sa akin magkakagusto si JD..?" nagtatakang sagot ko, pero kahit ako hindi ko alam kung anu ang nararamdaman ko ng mga sandaling yun , baka nagkakamali lang sila ng basa sa ikinikilos nito. I still don't know if JD is just fooling around or does he really like me...?
Nakatingin lamang ako kay JD na patuloy pading kumakanta ng mga sandaling yun at nagtama naman ang paningin namin kaya agad akong bumawi ng tingin at lumagok ng alak. Aware ako sa ipinaglalaban ng school namin about gender equality pero, i still can't accept it kung sa akin nga ito mangyayari. Besides i have someone in my heart for so many years.
"..and for my final song tonight, this song is for someone i like..." sabi ni JD at lumingon ulit sa gawi namin..naghiyawan naman ang mga nanonood at napapalakpak naman ang mga kasamahan namin habang nanunudyo ang mga ngiti ng mga itong bumaling sa akin.
Someone He like... who could that be..? curious na tanung ng isip ko.
"GO JD...!!" sigaw nila Mike at Ritchie..
Napapailing nalang ako habang umiinom ng beer. But when he started to sing a song , i can't help my self but to stare at him while listening to his song.
Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid ?
I was lost again in my thoughts...at sa bahaging iyon ng isip ko... tanging kami lamang dalawa ni JD ang naroroon, kung bakit ko siya naiisip ay hindi ko din alam. Ang alam ko lang ngayun, somethings inside me that I cannot explain anymore. Isang tanung ang biglang kong naisip.
Did i really change him or He is the one who slowly changing me..?