CATHRYN: ISANG BUWAN. ISANG BUWAN din kaming nanirahan ni Sherwin ng Ilocos bago ito nakalakad ng maayos na hindi na nangangailangan ng tungkod. Naging mas makulay nga ang relasyon naming dalawa kahit na wala pa rin ako sa memorya niya. Pagbalik namin ng syudad ay sa mansion kami tumuloy para pormal na ipinakilala siya sa pamilya ko. Lalong-lalo na sa mga magulang ko. Mabuti na lang at nahuli naman nito ang kiliti nila Mommy at Daddy na kaagad pumabor sa desisyon namin ni Sherwin na magsama sa unit ko. Pinaalam din namin sa kanila na nagdadalang-tao na ako kaya wala na silang naging pagtutol pa sa anumang desisyon namin ni Sherwin. Nalaman ko ring nakakulong na si Vin. Hindi ko alam na siya pala ang suspect sa pagkakaaksidente ni Sherwin! Sinabi din ni Nathan na minsan ng pinagtangkaa

