SHERWIN: NANGINGITI AKO na pinagmamasdan si Cathryn sa kama ko. Nahihimbing na siya dala ng pagod nito sa byahe. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita kong dyosa sa harapan ko. Kahit naligo na siya at walang make-up sa mukha? Napakaganda niya pa rin. Ang amo ng maliit niyang mukha. Hindi lang ako makapaniwalang girlfriend ko ang isang katulad niya. At nakakagulat sa lahat? Nabuntis ko siya! Fūck! Ibig sabihin ay naikama ko na ang dyosang ito. "Baka matunaw na 'yan, pamangkin" napalingon ako kay Tito Leo na natatawang lumapit at naupo sa paanan ng kama. Napangiti akong kakamot-kamot sa ulo. Hindi ko maitago ang saya at kilig na nadarama sa mga sandaling ito. Para akong nananaginip ng gising na may girlfriend akong artista! "Totoo pala ang balita sa mga Montereal"

