YOONA: NAPANGITI AKO na makagisnan sina Mommy at Daddy na kayakap pa rin ako. Ang sarap lang sa pakiramdam na para nila akong baby habang pinagigitnaan. "Good morning po, Daddy" bulong ko kay Daddy na siyang kinasusubsuban ko. Maingat akong tumingkayad na hinalikan siya sa pisngi. "Good morning din po, Mommy" bulong kong baling kay Mommy na katabi ko at napahalik sa kanyang pisngi. Nakangiti akong pinakatitigan muna sila bago maingat na bumaba ng kama. Bumalik ako ng silid ko at ginawa ang morning routine ko bago nagtungo sa silid ni Tita Catrione. Nakapangbahay lang ako dahil napagdesisyunan ko naman ng dumito lang sa mansion para mapangalagaan si Tita Catrione. Napangiti ako na maabutan dito sa silid ni Tita Catrione si Dos na pinapakain ito. "Magandang umaga!" masiglang bati

