CATHRYN: PARA AKONG tinatangay sa alapaap sa mga sandaling ito habang nagri-replay sa utak ko ang sinabi ni Yoona. Kaya naman pala lately ay maraming pagbabago ang nararamdaman ko sa sarili. Na parang ibang tao na ako kung umasta. 'Yon pala ay dala-dala ko na ang anak namin ni Sherwin! "Anong plano mo, sis?" untag sa akin ni Yoona na matamang na pala akong pinagmamasdan. "Itutuloy ko siya" napatango-tango itong ngumiti. "Nasaan ba ang ama niyan, hmm? Alam ba niya?" magkasunod nitong tanong. Napailing akong namuo ang luha sa mga mata. "Kausapin mo naman si Natan, oh. Alam kong may alam siya kung nasaan si Sherwin. Dalawang buwan ng hindi nagpaparamdam si Sherwin sa akin, Yoona. Mis na mis ko na siya. Kailangan ko siya dito eh, kailangan namin siya ng baby namin" hindi ko na napigilan

