YOONA: ILANG MINUTO din kaming nagkayakapan nila Mommy at Daddy na umiiyak. Dala ng labis-labis na tuwa. "Can we join?" ani Cathryn na luhaan ding may matamis na ngiti sa mga labi. "Sis" aniko na naglahad ng kamay. Napahagulhol ang mga ito na sumugod silang nakipagyakapan sa amin. Napahalakhak naman si Daddy at Mommy na niyakap ako, si Cathryn, Catrina at Claude. Napapikit akong may matamis na ngiti sa mga labi. Damang-dama ko ang noon ko pa hinahanap-hanap na pakiramdam. Contentment. At 'yon ay nadarama ko na ngayon habang yakap-yakap ako, ng buong pamilya ko. "Ahem! Pwede din ba naming mayakap ang nawawalang pusang apo namin?" ani ng malambing na boses ng babae. Napakalas kaming lahat at bumungad na sa akin ang ilang angkan na nandiditong luhaang nakamata sa aming pamilya! Nag-ini

