SHERWIN: MATAPOS KONG maglinis ng katawan ay lumabas din ako ng silid na nagtungo sa kusina. Mas gusto ko namang ipagluto si Cathryn kaysa bumili ng pagkain sa labas. Alam kong may hangganan ang pananatili ko dito sa tabi nito. Suntok sa buwan na habang buhay siyang mapapasa-akin. Alam kong hindi ako nababagay sa kanya. Kapag hindi na niya ako kailangan? Mababalewala na ako sa kanya sa dami ng mga nakapilang karapat-dapat sa isang katulad niya. Kaya habang nandidito pa ako? Sulitin ko na ang mga oras ko. Para kapag dumating na ang araw na magwawakas na ang role ko sa buhay niya bilang fake boyfriend niya, may magaganda kaming ala-ala sa isa't-isa. Habang naghahanda ng hapunan ay sunod-sunod na tumunog ang doorbell na ikinalabas ko at pinagbuksan ang bisita. "Yes?" natigilan ako na mabu

