Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Humakbang siya papasok. Pagkatapos ay ipinulupot agad niya ang braso sa leeg nito at sinalubong ng labi niya ang labi nito. Dumaan muna sila sa resto para kumain. Habang hinihintay nila ang order nila, hindi maiwasan ni Desiree magtanong. "I'm just wondering, Lance, bakit sa dinami-dami ng babae... Bakit ako?" "Why not? Napapangitan ka ba sa sarili mo?" "Please. Alam ko maganda ako." Umirap siya dito at ngumiti. He let out a chuckle. Inabot nito ang pisngi niya at pinisil. "Nagtatanong ako ng seryoso sa 'yo. Why me?" "Hindi na ba 'yan makapaghintay para mamaya? Do you really want to know?" "Oo nga." Nag-isip ito ng ilang sandali bago sumagot. "At first, I can only see you as an excitement. Bago para sa akin na may babaeng tumatanggi sa akin. Hi

