Mas naunang nagising si Desiree kinabukasan. Halos wala pa siyang naitutulog nang magdesisyon na lang siyang bumangon. Nagtimpla siya ng kape pagkatapos ay umupo malapit sa pool, hinihintay ang pagtirik ng araw. Habang ninanamnam niya ang malamig na simoy ng umaga, bumalik sa isip niya ang mga narinig kay Lance. She couldn't believe everything that he said to her. Daig pa niyang nakatanggap ng unexpected love letter. Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang mga binitawan ng binata. Mababaliw yata siya. It makes no sense! Sa lahat ng lalaking pwedeng magtapat sa kanya ng ganun, si Lance pa? Hindi niya hinuhusgahan o minamaliit ang binata, nalilito lang talaga siya. If it's not about s*x, eh, ano? Hindi naman nito direktang sinabi na in-love ito sa kanya. Pero malinaw sa kanya kung

