Jace Pov Ilang araw narin ang nakalipas at maayos narin ang lagay ni Ethan at Nika. Alam na ng lahat na si Nika ang magbabalik na nakatala sa propesiya at dahil sa ipinagkalat ni Zach ang balitang ito. Natakot ang karamihan dahil tulad ng nakatala sa propesiya magbabalik ang darklord sa oras na bumalik narin ang itinakda. Lahat ay naghahanda narin sa possibleng hindi inaasahang pangyayari. Pumunta ako sa sa isang lugar ng academy na tahimik bukod sa secret garden, ay may isang lugar pa itong tahimik lang at malawak. Humiga ako sa damuhan at pinagmamasdan ang mga ulap. Ipinikit ko saglit ang aking mga mata habang nakapatong sa braso ko sa ulo ko. "Ppsstt?" may sumitsit pero di ko ito pinansin. Ayoko ng pinag titripan ako baka gawin ko tong abo. "Psstt?" hindi ko ulit pinansin. Nagulat

