Someone's Pov (Dark side) Isang nakakasilaw na liwanag ang nakita mula sa Ice mountain at ang lakas ng inerhiya ang galing doon. "Alabor?" "ANo ang aking maipaglilingkod sainyo aking mahal na diyos." "Ibigay mo saakin ang libro ng historya." "Masusunod ho kamahalan". Naibigay na dark lord ang libro ng historya at binuklat ito mula sa unang-unang kabanata. Binasa niya ang tungkol sa legendary dragon. Sa huling pahina ng libro ay narito ang kaniyang sulat: "Ito ang gusto kong mapasakin ngunit naisahan ako nito. Iniligatas nito ang sanggol na itinakda na dapat ay mapapatay ko na ngunit biglang lumabas ang legendary dragon at tinulak ako nito at na bitawan ko ang sanggol, hindi ko na ito hinabol at nakakasiguro akong patay na 'yon dahil sa bangin ito mismo nahulog. Matapos ang pitong

