SANRIO 33 Naupo mona sa gilid ng kama si Sanjo, sa tabi ng natutulog na anak. Inayos niya ang kumot nito at ipinasok sa loob ang munting braso ni Rhayon. Pinakatitigan nya mona eto at hinimas-himas ang ulo bago dinampian ng buong pagmamahal na halik eto sa kanyang noo. Lumipat ang kanyang paningin sa mahimbing ding natutulog na si Rio. Ang paalam niya dito kanina ay susunduin niya ang mga eto bukas, pero hindi niya matiis na hindi makita ka-agad ang dalawa kaya bumalil siya dito sa bahay ng mga Soler. Naalala niya ang mga larawang nakuha niya sa posesyon ni Riku. Mga istolen shot iyon na kuha sa kong saan-saang lugar. May sa loob at labas ng Imakulada , sa mga kainang pinupuntahan ni Rio, coffee shop, parking lot, supermarket, sa harapan ng tinutuluyang condo ni Rio, at sa kong saan-saa

